Edited(02/26/15)
Tsk.tsk.tsk..hanggang ngayon hindi pa rin ba sila nagsasawa sa mukha ko??
Lahat nalang ata ng makasalubong ko,nakatingin sakin..bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng may pasa sa mukha?! Kung sila kaya ang lagyan ko.pssshhh..
Bakit kasi ang layo layo ng building namin sa may parking lot,,bwisit kelangan ko pang makita ang mga estudyanteng wala nalang ginawa kundi gawing pampalipas oras ang pakikipagchismisan sa kapwa chismosa.,di sana nag masscom nalang silang lahat. . .
Dire diretso lang ako sa paglalakad,,shunga nalang kung may hindi pa makakita sa ak--
Boogshh!!!
* Silence*
"Uh oh,,lagot siya"
"Arayyy!!" Loko to ah! Ang lakas ng loob na bangga---
"S-sorry po!!"
(-_-)???
Bakit may naligaw na gwapo---este first year dito?!! Sa pagkakaalam ko sa kabilang ibayo ang building nila,,at panu ko nalaman na first year siya..Natural nakita ko sa ID lace niya,,ang laki nga ng sulat eh FIRST YEAR.
"Sorry po talaga!" Wala kang balak na pagsalitain ako ganun..
"Ok lang.''
O_O
Oh bakit?? Anung problema ng mga tao ngayon??
"S
-seryoso ka?" What the!!
"Muka ba kong nagbibiro! Umalis ka na nga sa harap ko,,baka tamaan ka pa sakin." At ayun mabilis pa kay flash kumaripas yung Lalaki.
"Anung nakain niya?" Echosera one
"Baka mamamatay na?" Echosera two
"Imposible,,ang masamang damo matagal mamatay yan" echosera three
"Baka naabduct ng alien ang totoong Jobel"
Nagbulungan pa kayo eh rinig na rinig ata kahit sa kabilang building. Pinabayaan ko nalang sila,wala ako sa mood para makipagbangayan.
Pagpasok ko sa room,,ayun nakinig nalang ako sa sermon ng prof namin..anu bang meron at parang sipag na sipag ako mag aral ngayon,,at nakaperfect pa ko sa quiz namin kanina! Biruin mo yun?! Nanghinala pa ang prof ko sa lagay na yun ha..sabagay kahit ako nanghihinala sa sarili ko..Eto ba ang epekto ng pagkasuntok ng syokoy nayun sakin...kung ganun pala eh araw araw na kong magpapabugbog baka sakaling maging summa pa!
----------
Andito ako sa may hide out ko.May laban sina Lumberto ngayon sa ibang school,,si Michie may klase pa,,panu ko nalaman? hiningi niya number ko.,,maya't maya nga ang padaan nya ng gm..
Seryoso?? siya nag gi gm??
Tinalo ko pa nga ata ang instagram sa sobrang updated ko sa mga ginagawa nya,,
Si nerdo naman,,hindi ko alam..bakit kelangan ko bang malaman ang ginagawa niya??
Dinig na dinig ko pa yung ingay sa loob ng gym. .kung umuwi kaya muna ako? Nakakatamad dito,,kaso nakakatamad ding maglakad,malayo ang parking...
Beep beep
Hindi yun busina ng sasakyan.Cellphone ko yun.
From: Cutie patootie kuya (wag kayong magreak,kuya ko naglagay niyan)
Hi lil sissy! Kamusta ka na? Miss na kita!!
To: Cutie patootie kuya
Wala akong load.
BINABASA MO ANG
Ako'y Inlove sa isang Nerd?!!!
RomancePanu kung si Jobel,isang babaeng kinatatakutan at nabansagang tomboy ng karamihan ay na LOVE AT FIRST SIGHT at take note..sa isang NERD pa.... at ng dahil sa isang contract ay lalong nahulog ang loob niya hanggang isang araw.. BACK OFF HE'S MINE