Edited (04/02/15)
Kahit hindi naman mainit,,ramdam ko na namumula ang mukha ko.Ako,,si JOBEL DOMINGUEZ,,sinabihan ng MABAIT?!
"W-wag mo nga kong niloloko!"
" Pasensiya na po kung hindi niyo nagustuhan!" Ang hilig din niyang magsorry noh.
"Tss.tara na nga!"
naglakad na kami..Kitang kita ko na naman kung paano tumitig ang mga estudyante sakin.
"Baka totoo ang balita?" Echusera one
"Na alin na bumait na siya?!" Echusera two
"Gaga! Na may kakambal siya at pinalitan siya ngayon" Echusera one
"Asa kang may kakambal yan..baka nga kahit nga magiging kakambal masama din ang ugali." Nagbagting ang tenga ko dun..Tiningnan ko yung lalaking nagsabi nun.
"Sa susunod,,mag iingat kayo sa sasabihin niyo,kalalaki mong tao tsismoso ka...ano ka bakla?!" at nagtawanan ang ibang estudyante sa sinabi ko.. "SIGE TUMAWA PA KAYO..PARA NIYO NARING NILAIT ANG SARILI NIYO" ayun pahiya sila.
"Sabi ko sato eh.siya pa rin iyan"
"Hmmp...sama talaga ng ugali"
"Dapat pinapatalsik na yan! Dito" at kung anu anu pang lait ang naririnig ko pero dinedma ko lang..Makakarma din sila.
"Ambagal mo,,bilisan mo nga!" Napag iiwanan ko na pala si Ms.Nerdo.
Bakit iba na naman ang titig niya?? Creepy.
"Idol na talaga kita!" Nababaliw na ba siya
"Ewan ko sayo"
"Grabe iba ka talaga! Sabi na nga ba at tsismis lang yung kumakalat eh!Alam ko talagang mabait ka iba lang talaga nag interpretation nila sayo!Ang saya ko at nakausap na kita! Parang napakalaking opportunity na makasalubong ka,,makausap ka pa kaya! Grabe! Di ako makapaniwala?!"
Eeekk! Ang dami niyang sinabi wala akong naintindihan saka nerdo ba talaga to?! Sa pagkakaalam ko mga tahimik sila..,mahal nila ang libro at dating place nila ang library pero ito..
.
.
.sobrang ingay!
"Oooppss..sorry po kung maingay ako! Ganito lang po ako pag sobrang saya!Hindi ko po mapi--"
"Hep! Hep! Sorry lang okay na sa akin wag mo ng pakahabaan pa!"
"Opo..hihihi hindi talaga ako makapaniwala na nakakausap ki--" urgh! Naririndi nako!!
"Isa pang imik mo diyan.bubusalan kita ng papel" hay salamat! Nanahimik na siya..pero hindi pa rin matigil ang kakabungisngis niya.
"A-andito na po t-tayo" mula sa pagiging masayahin at madaldal,,nanahimik siya at mukhang takot pa.. halimaw ba mga kaklase niya para katakutan..baka mga pipitsugin lang sila.
Dinig na dinig ko ang tawanan ng mga tao sa loob.."Buksan mo ang pinto" utos ko at binuksan niya nga.
Blag!
Nanahimik sila bigla ah..
"Ooohhh..andito na pala si Lianara DIMAALILA! HAHAHAHA!" Nagtawanan na ulit sila..
Teka anung sabi nila Lianara Dimaalila? Anu yung apelyido niya o tawag sa kanya.
"That's my surname" sabi niya habang nakayuko..Mukhang nabasa ata niya ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Ako'y Inlove sa isang Nerd?!!!
RomancePanu kung si Jobel,isang babaeng kinatatakutan at nabansagang tomboy ng karamihan ay na LOVE AT FIRST SIGHT at take note..sa isang NERD pa.... at ng dahil sa isang contract ay lalong nahulog ang loob niya hanggang isang araw.. BACK OFF HE'S MINE