Edited(021215)"Honey!!!"
Ughhh!!
Kelan ba titigil si Lumberto sa katatawag sa akin na Honey ha?!
"Anung problema mo ha?!" Gigil na sigaw ko sa Lumberto na yun..
"U-umamin huk ka H-honey huk" napakunot naman ang noo ko sa kilos ni Lumberto ngayon...may paluha luha epek pang nalalaman oh...anung nangyayari dito??
"Sabihin mo nga sakin, anung nakain mo at bigla ka nalang nagdadram--"
"Umamin ka na! Hindi mo maitatago sakin ang katotohanan!" Sabihin niyo nga sakin...may balak bang mag audition kung saan tong nasa harap ko..ang lakas umemote eh..pati mga nakakasalubong namin napapatingin.tsk..tsk eskandaloso talaga tong isip batang ugok na to..
"Hoy Lumberto,umayo ayos ka nga! Anung pinagsasabi mo diyang hindi maitatago chu chu na yan ha?! Baka gusto mong samain ka--"
"UMAMIN KA NA! NAKITA NI REX KAYO NI YUU NA NAGKISS!! WAAAH!! Pinagpalit mo na ako Honey!!!"
Silenceee........
Anu daw?
Nakita kami ni Nerdo na naghali--.
"Aray Honey!"
Suskopo!
"G*go ka rin noh! May paiyak iyak at hindi mo maitatago sakin ang katotohanan ka pang nalalaman, nag eskandalo ka na kala mo nalokong boyfriend para lang sa NAPAKAWALANG KWENTANG CHISMIS nayan..Sabihin mo nga sakin?! Anung tinira mo kagabi ha!" Nakatikim na naman si Lumberto ng isang batok..bagay lang sa kanya yan para tumino ang pag iisip...
At anu namang sinabi ni... sino nga ba yun?? Ah basta! At anung sinabi niya na nagkiss kami ni Nerdo ha?! Napaadvance ata ang kwento niya. . .saka anung nagkikiss?! AKO AT SI NERDO MAGKIKISS?! Ha! Asa! Tatamaan muna si Lumberto ng sapatos sa ulo bago mangyari yun..
"Aray!" Napatingin ako kay Lumberto na hawak hawak ang kanyang ulo.
"Oh napano ka?"
"May tumamang sapatos sa ulo ko..Ang sakit nun ahh" humarap siya kung saan nanggaling yung sapatos. "Sinong nangahas na batuhin ang gwapong tulad ko ha?!" Maniniwala na sana akong galit siya kaso dinugtungan niya pa ng kayabangan niya.
Humarap ang isang babae na nakataas ang isang kilay. Hmmm.inpeyrnes maganda.."Ako bakit??" Sabi niya.
"At bakit mo naman ako binato Miss,,kung magpapansin kalang sana tinawag mo nalang ako,,papansinin naman kita eh" umandar na naman ang kamanyakan ng lalaking ito basta nakakita ng babae.
Lalong tumaas pa ang kilay ng babae.Wala nabang isasagad yun??
"Excuse me,,sorry kung natamaan ka,,actually you're just a victim,,yung lalaking tumatakbo ang dapat na babatuhin ko..." ahhh...un naman pala eh...",, well it's your fault narin kasi humara ka bigla kaya ikaw ang natamaan."
"Still you have responsible for what happened pa rin sa akin,panu ba yan ang sakit ng ulo ko" nag act siya na masakit nga talaga ang ulo niya,...tsk..lumang style na yan. . . iuntog ko nalang kaya para mas makatotohanan.."Bring me to the clinic.I need some tender loving care from you'' at pinakita niya ang kanya "daw" ultimate pamatay chicks na ngiti. . . Yuck Lumberto!!Para paraan ka..
At good news! Mukhang hindi umepek sa babae ang pamatay "daw" na ngiti niya...Mas mukha pa gang gustong pumatay nung babae base sa hitsura niya ngayon..Galing!!!
BINABASA MO ANG
Ako'y Inlove sa isang Nerd?!!!
RomancePanu kung si Jobel,isang babaeng kinatatakutan at nabansagang tomboy ng karamihan ay na LOVE AT FIRST SIGHT at take note..sa isang NERD pa.... at ng dahil sa isang contract ay lalong nahulog ang loob niya hanggang isang araw.. BACK OFF HE'S MINE