I woke up because of the noise of my phone. I immediately picked it up and saw someone is calling.
"Oh?" Bungad ko.
[Wow wala manlang bang Hi? O Hello?] Bungad naman sa akin ng tumawag.
"What do you want?" Umagang umaga nang iinis.
[Okay calm down.] Tsk!
[Oy Asha hindi ka manlang nag sabi sa amin na umuwi ka palang Pilipinas kung hindi pa kami pumunta sa bahay n'yo hindi pa namin malalaman.] Malamang sinabi na ni Mom sa kanila.
"Oh tapos?"
[Asha naman e.] Parang bata na naman s'ya kung umasta.
[Sino kausap mo?] So? Naka loud speaker pala ito.
[Si Asha.] Sabi ni Cindy.
[Hi Ashaaaa] Nailayo ko naman ang phone sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng bunganga niya. Kahit kailan talaga ang bunganga ni Jhed napaka ingay.
"Asha buti gising ka na. Halika kain na tayo." Napatingin naman ako kay Vanessa at sinenysan s'ya na 'wait lang' tumango naman s'ya.
[Asha? So Asha rin tawag niya sayo? Who's that? Pinag papalit mo na kami ha] Tampo tampuhang wika ni Cindy ang pinaka isip bata sa grupo.
"Where's Phoebe?" I asked.
[Kami kausap mo tapos si Phoebe hinahanap mo.] Malungkot na wika ni Jhed.
"Tsk."
[Wala si Phoebe umalis may binili lang.] Sagot naman ni Cindy sa tanong ko.
"Okay" Tsaka pinatay ang tawag.
Bahala sila. Pumunta naman ako kay Vanessa at naupo sa kaharap niyang upuan.
"Sino kausap mo?" She asked.
"My friends." Tsaka sumubo. Well masarap pala s'ya mag luto. Ang ulam kasi namin ngayon ay adobong baboy.
"E akala ko ba ayaw mo ng kaibigan?"
"Gaya mo namilit lang din sila." Napa tango naman s'ya sa sagot ko.
After namin kumain ay nag ayos na ako.
"Nga pala Asha una na pala ako ha? Pupunta pa kasi ako ng library e." Tumango naman ako.
Pag katapos kong mag ayos ay lumabas na rin ako.
Terrence
"You know her pala?" Tanong ko kay Liam. Napalingon naman ang dalawa sa kanya.
"Ah, Oo." Nakaka panibago s'ya.
"Paano mo s'ya nakilala?" Curious na tanong ni Ivan.
"Dating bestfriend ko s'ya." Buti na kayanan niya ugali ng babaeng 'yon.
"Naging bestfriend mo yun? E mas malamig pa sa yelo yun e." Nalipat naman ang tingin namin kay Ivan.
"Ano?" Inosente niyang tanong.
"Paano mo naman nasabi?" Tanong ni Luhan.
"Kasi kagabi naka usap ko siya, grabe mas malamig pa s'ya sa yelo ang sungit pa. Sinabihan ba naman akong playboy." Iiling iling niyang sabi.
"Playboy ka naman talaga e." Kibit balikat na sabi ni Luhan. Natawa naman ako sa sinabi niya.
Napatigil kami sa pag lalakad ng may nakita kaming mga estudyanteng nag kukumpulan, binubully na naman siguro nila si Vanessa.