Nandito kami ngayon sa school pero hindi na bilang isang estudyante kundi isang graduate.
"For cum laude, Mr. Luhan Gabriel De Leon." Tawag sa kanya ng Dean kaya agad kaming nag palakpakan.
Kasama niyang umakyat ng stage ang daddy niya.
"Boyfriend ko ata 'yan." Natawa ako sa sinabi ni Phoebe. Yeah! Boyfriend niya nga' yan.
"Wala namang naagaw." Saad naman ni Vanessa kaya natawa ako lalo.
Nung naging mag babarkada kami ang madalas na mag away si Jhed at Cindy tapos si Vanessa at Phoebe paano laging inaasar ni Vanessa si Phoebe palagi ring childish. Pero alam kong best friend na rin ang turing ni Phoebe kay Vanessa. Ang lagi ko namang kaaway si Janna dahil sa sobrang arte. Hahaha!
"Manahimik ka na nga lang d'yan Vanessa." Saad ni Phoebe tsaka umirap.
Umakyat si Luhan sa stage at inabot ang medalya niya.
"For magna cum laude, Ms. Phoebe Denise Vargas." Nag palakpakan kami ng marinig namin ang pangalan niya.
"Woooooh! Girlfriend ko 'yan!!!" Natawa lahat ng tao dito sa gymnasium ng biglang sumigaw si Luhan. Dati akala namin kay Luhan seryoso at mature na pero hindi ko akalain na may side pala siyang ganito. Ang side na walang hiya. HAHAHAHA!
Gaya kanina umakyat rin siya sa stage at kinuha ang medal niya kasama rin ang parents niya.
"And now for our summa cum laude who's giving as a speech, the soon to be owner of this university Ms. Ashanti Astrielle Mendez." Nang marinig ko ang pangalan ko. Agad akong tumayo at pumunta sa stage kasama ang mommy at daddy ko.
"WOOOOOH! BEST FRIEND NAMIN YAAAAAN!" Rinig kong sigaw ni Jhed, Vanessa at Cindy. Maski si Phoebe nakisigaw din kahit na nasa gilid siya ng stage.
"PINSAN ATA NAMIN YAN!" Sigaw naman ni Janna habang sinisiko si Xyril.
"GIRLFRIEND KO YAAAAAN!" Sigaw naman ni Klay. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko? Matatawa? Malulungkot? Matatawa masi hindi nag patalo si Klay sa mga kaibigan namin at malulungkot dahil hindi ko na kasama si Shawn at Lolo.
"TWINNY! PALIT TAYO UTAAAAAK!" Natawa ako sa sigaw ng kakambal kong si Astrid. Kahit kailan talaga puro siya kalokohan.
Nang makalapit na ako sa stand at kaharap ko na ang mic. Iniwan na ako nila mommy doon. Nag thumbs up naman si daddy sa akin kaya napangiti ako.
"Ehem!" Pekeng ubo ko
.
"Ahm? A-ano kasi?" Takte bakit ako kinakabahan? Nakita ko si Klay na nag thumbs up sa akin at ngumiti."Okay. Ah? Sh*t why am I nervous?" Saad ko kaya natawa sila.
"Ehem! Okay. I'm not into speeches. Para sa akin nakakatamad mag salita ng mag salita pero dahil sa mga best friend kong jugdemental sinasabihan akong nakakapanis daw iyon ng laway, I'm here infront of you all para mag speech. Kaya ngayon sa speech na 'to ko sasayangin ang laway ko. You know what? I'm just a cold-hearted trouble maker. Isang babaeng tahimik, walang kinakatakutan, walang pakialam sa ibang tao. Gusto palaging mag isa at ayaw sa maiingay but atleast I'm interested in my studies pero dahil sa pagiging basagulera ko kaya naaapektuhan ang pag aaral ko, well that's me. Yan din ang pag kakakilala niyo sa akin, alam ko 'yon. Paano nga ba ako napadpad dito sa Laurenth High University? Well it all started because of that f*cking jerk! A f*cking pervert jerk rather. Why? Because he tried to kiss me kaya sinapak ko siya dahil sa napatol siya sa babae ayon nauwi kami sa bugbugan dahilan para ma-comatose siya at makick out ako. Dahil sa nakick out ako kaya nagalit si daddy. I remember how mad my dad is." Saad ko sabay tumingin kay daddy na natatawa.
"Dahil sa ginawa ko nag decide siya na pabalikin ako dito sa Pilipinas nung una ayoko pero narealize ko pwede na rin kesa naman sa matanggalan ako ng credit cards, ma-ban ako sa pag gamit ng gadgets at sa mga kotse ko kaya hinayaan ko na lang na pabalikin ako ni daddy dito. Inisip ko rin na magiging tahimik ako kapag nalayo ako sa kakambal ko na sobrang ingay. Na akala mo nakalunok ng megaphone sa sobrang ingay niya at lakas niyang sumigaw." Saad ko kaya natawa sila pero nakasimangot si Astrid.
"Yun ang akala ko pero pag dating ko dito dahil nakilala ko ang dormmate kong sobrang ingay na si Vanessa Lopez. Nung una iniiwasan ko siya sa sobrang ingay niya. Well, sabi nila she's a nerd but for me. Nah! She's not wearing a big glasses, braces at hindi rin siya manang manamit para tawaging nerd. You all are just judgemental. Vanessa is a kind and sweet person na gugustuhin ng karamihan. Why bullying her? She can ripped your necks, you know?"
"I am here in front of you to thank you all, thank you for the memories and thank you for the lessons you have given to me. I'm here not as an Ashanti na kinakatakutan niyo but the Ashanti na palaging nakangiti. I also want to thank my family and friends who tirelessly supported me. To my grandfather and my best friend Shawn. Are you seeing me now? I am better now than the Ashanti before, are you proud of me? I know yes. Nakakalungkot lang isipin na wala kayo ngayon dito but still I'm happy. Let's enjoy our new life now and goodluck to our future self. Sana ay mag kita kita tayo na successful na." Saad ko at hinagis ang toga ko, ganoon din ang ginawa nila.
This is the fresh start for me, I guess? Kakalimutan ko na lahat ng mapapait na alaalang naransanan ko at mag sisimula ng panibagong buhay kasama ang mga taong importante sa buhay ko.
"Congratulations baby." Pag bati sa'kin ni Klay at hinalikan ako sa noo.
"Congratulations too." I said then hugged him.
"I'm proud of you. I always will." Mahigpit ang pag kakayakap niya sa akin.
"Hoy tama na yakapan! Group hug tayo!" Saad ni Janna. Ginawa naman namin ang gusto nila.
"CONGRATS GUYS!!!!" Sabay sabay na sigaw naming lahat.
"GRADUATE NA TAYO NGAYON!!" Sigaw ni Vanessa.
"Picture tayo guys!" Sigaw ni Ivan.
Inihanda naman ni Kuya Ace ang camera, kaya inayos na namin ang posisyon namin.