Chapter 17

6K 125 0
                                    

I woke up because of the sunlight hitting my face. Tumango ako pero dahil sa sobrang sakit ng ulo ko napaupo ako.

"Argh! Ano bang nangyari kagabi?" I asked. Tuluyan na akong nakatayo at nag ayos. Sa sobrang sakit ng ulo ko parang tinatamad na ako pumasok. Ano ba kasing nangyari?

Nag lalakad na ako papunta sa classroom ko ng may mabangga ako. Napatingin ako at nakita kong si Klay lang pala. Lalampasan ko na sana s'ya ng hawakan n'ya ako sa kamay at hinila.

"Damn! Bakit mo ba ako hinihila?! Papasok na ako bitawan mo ako." Galit na turan ko.

"Papasok ka ng may hangover?" Nangunot ang kilay ko sa sinabi niya.

"Hangover?" I asked.

"You don't remember anything?" He asked then he looked at me seriously.

Umiling naman ako.

"Tsk!" Tsaka ako patuloy na hinila.

"Saan mo ba ako dadalhin?" I asked pero hindi siya sumagot.

Nakarating naman kami sa boys dorm--teka boys dorm? What the?!

"Bakit nandito tayo sa boys dorm?"

"Nandito dorm ko e." He answered.
Tsaka kami pumasok sa loob. Pag pasok namin pinaupo n'ya ako sa isang couch.

"Stay here." He said bago umalis papunta sa kusina.

Lumabas s'ya ng kusina na may bitbit na tray na may lamang isang mangkok at may isang basong tubig, nilagay n'ya sa mesang kaharap ko.

"Eat, para matanggal hangover mo." I just nodded at kinuha ang tray.

"What's this?" I asked.

"Chicken soup." Tumango ako ulit at sumubo ng isang kutsarang chicken soup ng biglang.

"*Cough* Aray ang init." Sabi ko habang pinapaypayan ang bibig ko.

"Sh*t" He cussed. Agad niyang kinuha yung tray sakin at ibinigay sa akin yung tubig.

"Alam mong mainit hindi mo iniihipan." Hindi ko s'ya pinansin at kukunin na sana ang tray sa kanya ng inilayo n'ya ito sa akin.

"Akin na." Utos ko.

"Ako na, susubuan na lang kita baka mamaya mapaso ka na naman."

"Kaya ko sarili ko, mala--." Hindi ko naubos yung sasabihin ko ng subuan n'ya ako.

"Sinabing ak--." At sinubuan ako ulit. The f*ck. Anong tingin n'ya sakin sanggol. Tuwing mag sasalita ako lagi n'ya akong sinusubuan hanggang sa maubos yung chicken soup.

"Kainis!" Usal ko.

Bigla n'ya naman akong hinila palabas.

"Gawain mo ba talagang mang hila ha?!" Kainis e. Kanina n'ya pa ako hinihila. Pag labas namin ng dorm ay pinag salikop niya ang kamay namin.
Hindi ko na lang iyon pinansin at nag lakad na rin.

Pag dating namin sa classroom agad binuksan ni Klay ang pinto.
Napatingin samin lahat ng kaklase namin.

"Bakit ngayon lang kayo?" Sabi ni Ms. Sanchez ang 3rd subject teacher namin.

"Sumakit yung ulo n'ya kaya dinala ko s'ya sa infirmary." Napatingin ako sa kanya ng sabihin n'ya iyon pero hindi siya nakatingin sa akin. Tumingin ako kay Ms. Sanchez at nakita ko siyang tumingin sa kamay naming mag kahawam tsaka taas noo akong tinignan. Agad kong hinila ang kamay ko.

Nauna na akong nag lakad papunta sa upuan ko, sumalubong sa akin ang mga mukha ng kaibigan ko na may nakakaasar na ngiti. Nakita ko rin si Shawn na naka poker face lang, problema nito.

"Ikaw ha." Mapang asar na wika ni Vanessa.

"Bakit mag kaholding hands kayo?" Cindy asked.

"Kayo na 'no?" Tanong naman ni Jhed. Tumingin ako kay Phoebe nakita ko s'ya na nakangiti sa akin ng nakakaloko. Bigla naman padabog na tumayo si Shawn tsaka lumabas.

"Problema ng lalaking 'yon?" I asked.

"Nag selos ata." Wika ni Phoebe na may ngiti sa labi. Hindi ko na lang sila pinansin.

Nang matapos ang klase ay lumabas na ako. Hindi pa ako nakakalayo ay may humawak sa braso ko.

"Astri sabay na tayong mag lunch." Nakangiting wika ni Shawn sa'kin. Tatanggapin ko na sana ang alok n'ya ng biglang may humawak sa kabilang kamay ko.

"She's coming with me." Saad ni Klay. Hanggang sa hinila nila akong dalawa. Napapatingin lahat ng estudyante sa amin dahil parang may tensyon sa pagitan nila.

"Hala!!" Napatingin kami ng may sumigaw.

"S-samin na lang s-sasabay si Asha k-kumain." Utal na sabi ni Vanessa.

"Hala? Asha? Yung yung kamay mo." Habang nakaturo sa kamay ko. Napatingin naman ako doon at nakita kong namumula ito dahil sa higpit ng hawak nilang dalawa. Napatingin din silang dalawa sa kamay ko.

"Astrielle/Asha." Sabay na sabi nila. Tumingin naman ako sa kanilang dalawa na ikinaiwas nila ng tingin.

"I'm fine." Tsaka nag lakad palayo sa kanila.

"Ashaaaa!" Sigaw ni Vanessa at Cindy.

Nakakainis ano bang mga problema nila at kailangan pa nilang mang hila ng kamay bwiset! Akala mo mga walang kamay e.

"Elle?" Napatingin ako sa tumawag sa akin.

"Why?" Walang ekpresyon kong wika.

"Can we talk?"

"Nag uusap na tayo." Tsaka ako bumuntong hininga.

"I mean yung tayo lang ang tao." Tumango na lang ako as a response.

Nandito kami ngayon sa garden dahil dito daw kami mag uusap.

"Now speak." Tipid kong turan.

"I'm sorry." Nakayuko niyang sabi. Tumikhim lang ako.

"I'm sorry for hurting you, I'm sorry for everything. Just give me another chance and I will prove to you that I won't hurt you again." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Third chance? You're asking for a third chance!" Tumingin s'ya sa akin at tumango.

"Why would I? You broke my heart twice! Do you ever think that I would give you another chance?"

"Alam ko mahirap pero please just give me another chance to prove you na nag sisisi na ako." Napangisi naman ako.

"Nag sisisi? Huli na para mag sisi ka." I said.

"Alam ko. Alam kong huli na para mag sisi pero nandito ako para itama lahat. Gusto ko ibalik sa dati kung ano man ang meron tayo, please Elle." Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Ibabalik sa dati? Ikaw ang gumawa nito Liam, tingin mo may chance pa para bumalik tayo sa dati? Wala.  We're done Liam. Nung una iniwan mo ko pero pinag bigyan pa rin kita, I was too stupid because I waited you, I was too stupid because I listened to you, pinaniwalaan kita pero ginago mo ako? And now you're here asking me for another chance? HAHAHAHA this is bullsh*t." Saad ko at aalis na sana ng hawakan niya ang kamay ko.

"That's why I'm here Elle. Itatama ko lahat, I promised to prove you that I changed. I won't hurt you again, just please love." And now he's crying? Sana una palang naisip niya na kung ano ang pwedeng mangyari.

"Stop calling me that! You know what Liam? Cheating is a choice and staying is also a choice, if you don't want to hurt me, sana una palang naisip mo na kung ano ang mangyayari kapag niloko mo ko but you wouldn't. You choose to cheat and now you want us to be together again? You're unbelievable sh*t." After saying does word, I left him.

Tangina akala ko wala na e pero hindi pa rin pala nawawala 'yong sakit na binigay n'ya sa'kin. I loved him, I loved him too much to the point na tinanggap ko siya sa pangalawang pag kakataon kahit masakit sa'kin.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon