Chapter 13

6.6K 122 2
                                    

Terrence

Tahimik kaming nakikinig sa discussion ng bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang tatlong babae at isang lalaki.

"Transferee?" Tanong ng Professor namin sa tatlong babae at isang lalaki, tumango naman ang isa sa kanila.

"Come in and introduce yourselves." Pumasok naman sila. Bigla namang napatayo si Astri kaya napatingin kami sa kanya.

"Any problem Ms. Ashanti?" Nang sabihin n'ya 'yon napatingin sa kanya yung apat na transferee.

"WAAAAAH ASHA!!!" Sabay takbo kay Astri at niyakap, teka? Mag kakilala sila? 

"Can't *cough* breath *cough*"

"Ay sorry" Nakangiting wika nung babae.

Agad naman siyang napahiwalay kay Astri sa pag kakayakap.

"Enough introduce yourselves." Pumunta naman yung babaeng yumakap kay Astri sa unahan at naupo na si Astri.

"Sino sila?" Tanong ni Vanessa.
Kibit balikat naman ang isinagot niya kay Vanessa.

"Hiiii! I'm Cindy Yvonne Santiago, 18 years old, nice to meet you aaaaaall." Siya yung yumakap kay Astri ah. Grabe sobrang ingay niya pala.

"I'm Jhed Lyrizze Dizon, 17 nice to meet you." Nakangiti niyang sabi.

"Phoebe Denise Vargas, 19." Tsaka s'ya tipid na ngumiti.

"Shawn Matthew Reyes, 18." Tsaka s'ya tumingin kay Astri at kumindat.

"Take your sit." Pumunta yung apat na babae sa pwesto ni Astri at naupo, yung lalaki naman ay tumabi sa'kin.

"Waaaah asha namiss ka namin." Sabi nung Cindy.

"Okay class, may gaganaping Mr. And Ms. Laurenth High at isa kayo sa napili na mag represent. Sino ang pwedeng maging representative dito ng Mr. Laurenth High?" He asked.

"Sir si Terrence na lang tutal gwapo siya, kaya siguradong tayo ang mananalo." Tumingin naman sila sa akin at tumango naman ang Professor namin.

"Sino naman sa Ms. Laurenth High?" Napatingin kami ng may nag taas ng kamay.

"Yes Ms. Quinto?" He asked.

"Ah, mukhang mas bagay po kung si Ashanti ang ipapartner natin kay Terrence." Napatingin naman ako doon kay Astri at parang wala lang sa kanya ang narinig niya.

"So? Ano Ms. Ashanti okay lang ba sayo?" Then he looked at Astri.

"As if I have a choice."

"Okay class dismiss." Tsaka umalis ang Professor namin. Nang umalis na ang Professor namin ay nag si labas na rin ang iba naming kaklase. Kami na lang nila Astri, Vanessa at yung mga transferees ang natira.

"Waaah asha namiss ka talaga namin. Halika na dali i-tour mo kami." Sabi nung Cindy tsaka niya hinila si Astri, sumunod lang sa kanila yung tatlo kasama si Astri.

"Alam mo Rence nahihiwagaan talaga ako d'yan sa Ashanti na yan e." Sabi ni Luhan.

"Bakit?" Ivan asked.

"Kasi parang ang dami niyang sekreto tsaka yung mga galaw n'ya parang nakita ko na e. Parang may kakaiba sa kanya na hindi ko alam." Explain ni Luhan.

"Bakit hindi mo itry i-search baka may makuha tayong info?" Sang ayon ni Liam. Teka? 'Di ba dati silang mag kaibigan bakit wala s'yang alam? Sabagay dati pa 'yon hindi na ngayon kaya malamang may nag bago siguro kay Ashanti na hindi na n'ya alam.

"Tara sa dorm na lang tayo kumain." Four of us, shared a dorm.

Nang makarating kami doon agad na nag luto si Liam habang si Luhan naman ay kinalikot ang laptop niya.

"Tara na kain na muna tayo." Sabi ni Liam ng matapos siyang mag luto kaya tumayo na kami, iniwan naman ni Luhan ang laptop niya sa mesa.

Nang matapos kaming kumain ay agad kaming naupo sa couch.

"Ito na nakita ko na." Napatingin kami kay Luhan.

"Alin?" I asked.

"Yung about kay Ashanti."

"Basahin mo nga." Sabi ni Liam. Tumango naman si Luhan.

"Name: Ashanti Astrielle
Age: 18 years old
Birthday: May 17, 2000
Birth place: Manila, Philippines
Family: Grandfather, Father, Mother, Older Brother, Twin Sister & Younger Brother.

About Ashanti:

She's a daughter of a well-known business tycoon.

When she was 5 years old her parents decided to move in America and when she's 12 years old her parents decided to migrate in Korea which she learn how to use a bow and arrow at her early age, she also learn how to drive a car. She know how to race.
She was a former student of Seoul University and now a student at Laurenth High University in Philippines." Basa n'ya.

"Wala man lang info kung anong business ng parents niya? At wala ba talaga siyang last name?" I asked. I'm confused sino ba talaga siya?

"Wala e, 'yan lang talaga." Sagot ni Luhan.

"O baka naman may iba pang info na about sa kanya na hindi inilabas. Wala kasi rito kung paano s'ya natutong makipag sapakan at hindi rin sinabi kung bakit siya nalipat dito." Tama nga si Luhan wala rito sa info niya ang ibang mga bagay na gusto namin malaman.

"Basta feeling ko hindi siya ordinaryong tao." Seryosong turan ko.

"Na cu-curious talaga ako sa kanya." Out of the blue'ng sabi ni Ivan. Kahit si Liam ay nalilito.

Tumayo ako sa pag kakaupo at pumunta sa pinto, lalabas na sana ako ng biglang mag salita si Liam.

"Saan punta mo Rence?" He asked.

"Mag papahangin lang." Sagot ko.

Tumango naman siya kaya tuluyan na akong lumabas.

Habang nag lalakad nakita ko si Ashanti na mag isang nag lalakad kaya agad ko siyang hinarang.

Tumingin siya sa akin na naka taas ang kilay.

"Gangster ka ba?" Biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang 'yon.

"Why?" She asked.

"So gangster ka nga?" Tanong ko pabalik.

"Hindi." Tsaka siya nag cross arm.

"E bakit ang galing mo makipag bugbugan?" Totoo naman e. Kung hindi bugbugan iyon, ano yun?

"Martial arts?" She answered me a question. Tinignan ko naman s'ya sa mata n'ya at wala akong mabasa doon na kahit ano. Mag sasalita pa sana ako ng biglang may umakbay sa kanya.

"Asha tara na, hinahanap ka na nila Phoebe." Hinila niya si Ashanti palayo.

Umalis na lang ako doon at nag punta sa rooftop para mag pahangin.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon