Habang nag lalakad ako papunta sa cafeteria may isang babaeng humarang sa akin.
"Hi? I'm Trisha Valdemor." Nangunot naman ang noo ko, nang harang siya para lang mag pakilala?
"I'm not asking." Aalis na sana ako ng hinawakan n'ya ang kamay ko.
"Sandali, hindi ako nag pakilala sayo para makipag kaibigan. I'm here because I saw what happened." Ha? Pinag sasasabi nito?
"I mean you and Sofia, I saw that, I saw everything lalo na 'yong pag sapak mo sa kanya." So, Sofia is her name ha.
"What now?" I asked with a hint of irritation.
"I just want to say na mag ingat ka sa kanya hindi mo pa s'ya kilala baka kung ano mangyari sayo." Pakialam ko sa Sofia na iyon.
"Anak s'ya ni Ronald Williams anak ng may ari ng Williams Corp. At Dragon Empire, she's an only daughter kaya lahat ng gustuhin niya nasusunod kaya mag iingat ka kasi hindi mo alam kung ano ang pwede niyang gawin baka sabihin niya sa daddy niya ang nangyari at baka ikapahamak mo pa. I have a friend, just like you, may tinulungan din siyang nerd dahil para mag away at mag kasakitan sila ni Sofia. Akala namin wala ng magiging problema pero nag kamali kami, she's now dead because of her." Bakas naman sa boses niya ang lungkot. Pero teka? Dragon Empire? So mafia rin pala s'ya ha? Gumagamit ng kapangyarihan para mabuhay? Tsk! Such a typical spoiled brat. How pathetic, now I know kung gaano siya kahina.
"Sige alis na ako, thank you for your time Ms.?" She smiled.
"Ashanti." I asnwered.
"Yeah, Ashanti. Thank you ulit." Tsaka s'ya nag lakad palayo.
Habang nag lalakad hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni Trisha ba yun? Hindi ko rin maiwasang isipin na 'yong Sofia na yun ay galing sa Dragon Empire kaya pala malakas ang loob. Nabubuhay lang naman ang Empire nila dahil sa mga maling gawain. Tsk!
"Hoy!!" Nagulat naman ako ng may biglang sumulpot sa likod ko.
"Ano bang problema mo?!" Hilig hilig mang gulat e.
"Sorry naman, kanina pa kita tinatawag pero mukhang malalim iniisip mo. Ano ba iniisip mo?" Hindi niya talaga ako tatantanan 'no?
"Wala." Sabay tulak sa noo niya.
"Alam mo dapat hindi ka na lang nakialam kanina." Napatingin naman ako sa kanya.
"Why?" I asked.
"Kasi baka pati ikaw mabully dahil sa akin."
"Pakialam ko sanay naman na akong may kaaway." Totoo naman e. Kaya nga ako nabalik sa Pilipinas dahil sa nakipag away ako.
"Nga pala bakit ka nag transfer dito? Tsaka marami pa namang school ah bakit dito pa?"
"Wala naman dapat ako dito e." Wika ko.
"Ha? E bakit nandito ka?" She's curious. I knew it.
"Punishment." Lalo naman siyang naguluhan.
"Punishment for what?"
"I'm a trouble maker. Dapat nasa korea ako nag aaral kaso lahat ng school doon na pasukan ko na." Nanlaki naman ang mata niya.
"Ano? Napasukan mo na? As in?" I nodded. Hindi ko namalayan na nasa cafeteria na pala kami kaya umorder na kami pag katapos ay naupo sa napili naming upuan.
"How?" Dagdag tanong niya.
"I've always been kicked out."
"K-kicked out?" Okay na siguro ito kahit matanong siya titiisin ko na lang para hindi boring.
"Bakit ka naman napapatalsik?"
"Like what I said earlier, I'm a trouble maker. I've been always into trouble na maski sa school nakikipag sapakan ako kaya palagi akong napapatalsik. Dahil sa nalaman ni dad at wala na ring school na pwede ko pang pasukan sa korea pinabalik niya ako dito. Para dito na mag aral besides my grandfather needs me to manage something." Tsaka sinubo yung cheesecake.
"Anong huli mong ginawa bago ka napunta dito?"
"I beat someone. That's why his in coma." Nasamid naman siya sa sinabi ko.
"Ano coma? As in comatose?" I nod.
"G-grabe k-kaya mo gawin 'yon? W-wag mo sakin g-gawin iyon ha." Utal niyang sabi.
"Of course not. You didn't do anything to me para gawin ko sayo' yon. I have a reason that's why I did that." Napa tango naman siya.
"E yung ginawa mo kay Sofia? Kaya mo mambugbog kasi base nga sa kwento mo pero bakit hindi mo ginawa yun?" She asked.
"Someone is watching me pag ginawa ko yun baka mag report siya kay Lolo or kay Daddy." Then I looked at her seriously. Nakita ko naman siyang nakanganga.
After naming kumain ay dumiretso na kami sa classroom namin. Buti na lang wala pa yung prof namin.