Ashanti
I'm here at the gymnasium to practice for the pageant. Actually this is not the first time I joined the pageant, when I was 10 years old I also joined those but it's been a long time since I join. So, I don't know if I can still do this.
Where is that man? He said he'll just go to the comfort room until now is not here? Tsk!
"Astri." Feeling close nakiki Astri. Tsk!
"Oh?" Bored kong tanong."Sorry natagalan, kinausap pa kasi ako ni Prof." Tumango na lang ako.
"Sabi ni prof may talent portion daw pero mag kahiwalay tayo tsaka may Q and A, ano ang talent mo?" Tanong niya. Nag kibit balikat naman ako sa tanong niya."Ikaw?" I asked.
"Sasayaw siguro." Tumango na lang ako.
"Marunong ka naman siguro mag lakad 'no?" Tanong niya.
"Probably, how did I get here, if I did not know how to walk?" I said full of sarcasm.
"Tsk! I mean marunong ka naman siguro mag lakad ng naka heels." Seryosong sabi na niya.
"Oo, bakit?"
"Wala baka kasi hindi ka marunong e, matapilok ka pa, ayoko mapahiya dahil sa napahiya ang partner ko." Gagong 'to ang yabang.
"Ang yabang mo! Kung hindi ako marunong pwede yang pag aralan, lahat ng bagay pwede pag aralan. Wag kang mag alala hindi ka mapapahiya." Tsaka ko siya inirapan.
"Isukat mo." Sabay abot sa akin ng high heels na 3 inches lang siguro ang taas.
Agad ko naman iyong sinukat."Ilakad mo nga." Aba't maka utos akala mo kung sinong boss, e bakit mo nga naman sinusunod ang walang hiyang 'yan Ashanti?
Inilakad ko naman yung heels ng bigla akong natapilok. Napapikit ako pero agad ding napadilat ng may naramdaman akong braso na pumulupot sa bewang ko, agad akong napadilat, nakita ko naman siya na sobrang lapit ng mukha sa akin.
"Akala ko ba marunong ka? Bakit natapilok ka?" Tinulak ko sya kasi hindi ako makahinga dahil sa sobrang lapit ng mukha niya.
"Oo marunong ako, kaso dahil sa tagal ko ng hindi nag susuot ng heels kaya matatapilok talaga ako." Sh*t Ashanti bakit ka naiwas ng tingin? Bakit ka kinakabahan.
"Sa susunod mag iingat ka baka wala pang pageant may injury ka na." Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa akin.
Hindi ko na lang ito pinansin at lumapit sa pinag lalagyan ng bag ko.
"Isang linggo lang ang practice natin kaya mag isip ka na ng gagawin mo." Paalala niya.
"May naisip na ako." Tipid kong sabi at uminom ng tubig.
"Ano?"
"Sakin na lang 'yon." Tsaka ako tumayo at nag practice ulit.
Practice lang ako ng practice hanggang sa napagod ako kaya umupo na ako. Hays grabe napagod ako.
"Oh?" Napatingin ako sa kanya ng abutan nyai ako ng tubig.
"Ano gagawin ko d'yan?" Tanong ko.
"Kainin mo kong makakain mo." Padabog kong kinuha yung tubig at ininom.
"Bwiset!" I murmured.
Napatingin ako ng may pumasok sa gymnasium. Nakita ko si Shawn na papalapit sa akin.
"What are you doing here?" I asked.
"Well, I just want to give you this." Sabay pakita sa akin ng isang paper bag. Nangunot naman ang noo ko.