Chapter 36

4.4K 84 0
                                    

"Bukod sa ikaw si Ashanti Astrielle Mendez na leader ng Black Thorns, ikaw din si u-uno?" Tanong na naman ni Ivan. Tumango lang si Astrielle.

"Hindi mo naman siguro kami papatayin ano?" Tanong ni Luhan.

"Of course not."

"Payag ka na sa gusto ng daddy mo?" Tanong ni Kyle.

"Yeah!" She answered.

"So, what's the plan then?" I asked.

"Dalhin niyo lahat ng pwede niyong gamitin pang laban, ihandi niyo rin ang mga sarili niyo. Hindi basta basta si Jonas Martinez." Base sa boses niya mukhang gigil na gigil siya.

"Maraming tauhan si Jonas at marami rin siyang alam tungkol sa mga armas, magaling din siya sa pakikipag laban at siguradong mahihirapan tayo sa kanya."

"How can that posible? Hindi ba tauhan niyo siya? Paano siya nag karoon ng maramung tauhan?" Pag tatanong ni Vanessa.

"I don't know, maybe habang tinatraydor niya kami nag rerecruit siya ng ibang mga taong pwedeng umanib sa kanya na magagamit niya para kalabanin kami. May ilang tauhan din kaming nasa panig niya, hindi ko alam kung paano niya napaikot ang mga ito." Pag papaliwanag ni Astrielle.

"Isa siya sa maaasahang miyembro ng empire, kanang kamay siya ni lolo at hindi ko akalain na magagawa niya ang bagay na ito sa pamilya namin." Galit na turan ni Xyril.

"Wala tayong ibang maaasahan kundi tayo tayo lang, kailangan nating patayin si Jonas dahil haharangan niya lahat ng plano natin, may illegal na bentahan din siya ng drugs mula dito hanggang sa ibang bansa, nag bebenta rin siya ng mga armas. Kaya ngayon palang dapat kumilos na tayo." Saad naman ni Janna.

"Let's start the plan now."

"Luhan, Phoebe and Xyril, kayo ang bahala sa CCTV's. Turn off all the CCTV's and hack their securities para makapasok kami." Tumango naman sila bilang sagot.

"Walo sa inyo. Doon kayo pumwesto sa taas, palibutan niyo ang bahay ni Martinez, kayo ang snipers."

"And the rest sasama kayo sa akin, mag hihiwa-hiwalay tayo. Ako na ang bahala kay Martinez." Saad niya at lumapit sa laptop niya.

"Exact 12 midnight tayo pupunta doon." Saad niya habang may tinatype sa laptop niya.

Ilang oras kaming nag hintay nang mag bilang si Astrielle.

"3"

"2"

"1"

"Let's go." Saad niya at tumayo tsaka nag handa na.

Vanessa

Nang makalabas kami may naabutan kaming isang van tsaka isang sports car.

"Dito kayo sasakay." Maikling saad ni Asha tsaka tumingin kila Ivan.

"Kayo? Saan kayo sasakay?" Seryosong tanong niya.

"A-ah s-sa van na l-lang ka-mi." Nauutal na saad ni Janna. Napatingin kami sa kanya at nakita namin na namumutla silang dalawa ni Xyril.

"Sinong sasama sa'kin?" Tanong n'ya. Lahat naman sila ay biglang pumasok sa van, halos mag siksikan na rin sila sa pinto ng van makapasok lang.

Kami na lang nila Kyle at Rence ang naiwan.

"Sasama kayo sa'kin?" She asked. Tumango naman si Klay.

"Okay. Let's go." Sumakay naman kami sa kotse ni Asha.

Nasa passenger seat ako at nasa back seat naman sina Kyle at Rence.
Napahawak kami ng mahigpit sa seatbelt ng bigla niyang paharurutin ang kotse ng sobrang bilis.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon