Ashanti
Matapos ng nangyari kanina ay pumunta ako sa infirmary para ipatingin ang paa ko, nag kamali kasi ako ng bagsak ng sapakin ako ni Jhed at Cindy.
"Ano bang nangyari sayo at na injury ka ha?" Hay naku. Nakalimutan kong ang infirmary nurse ng LHU ay si Ate Shia pinsan din namin anak ni Tito Vicente at kapatid ni Xyril.
"Nag kamali ng bagsak." Maikli kong saad. Nangunot naman ang noo niya.
"Nag kamali ng bagsak? Paano? Naging tanga ka na ba?" Nag kibit balikat na lang ako. Hahaba pa kasi ang usapan kapag nakipag talo pa ako.
"Oh ayan na ipahinga mo na lang ang paa mo ng humilom ang pamamaga." Tinanguan ko s'ya at tumayo na.
"Saan ka pupunta?" She asked.
"Papasok na." Napa iling naman s'ya.
Pupunta na lang ako sa dorm ang boring naman kasi sa room, wala kaming ginagawa puro lang tawanan at kulitan ang mga kaklase ko
"Asha mamaya na namin gagawin ang utos ng daddy mo." Bungad niya sa akin.
"Okay."
"Nakapag plano ka na ba? Sasama ka na ba sa amin? Ano ba kasi ang desisyon mo?" Sunod sunod na tanong niya.
"Malalaman niyo rin mamaya." I said.
"Okay sige. Basta if may desisyon ka na at gagawin mo na utos ng daddy mo sumunod ka na lang sa amin. Alam mo naman siguro ang lugar at orad hindi ba?" I nodded as a response.
Tumayo si Vanessa at lumapit sa pinto ng may kumatok.
"Oh Janna?" Napatayo ako ng marinig ko ang pangalan ni Janna.
"What are you doing here?" I asked.
"Tara na mag dinner na tayo."
"Mauna na kayo." Saad ko at nahiga ulit.
"E?" Hindi ko na sila pinansin. Narinig ko namang sumara ang pinto. Umalis na nga ata sila.
Ilang minuto rin akong nakahiga dito sa kama ko ng maisipan kong sumunod sa kanila.
Terrence
Napatingin kami ng may pumasok sa loob ng cafeteria. Nakita namin si Astrielle na pumasok sa loob at umupo sa upuan nila Janna.
"Anong mukha 'yan?" Pang aasar ni Janna kay Astrielle. Malapit lang ang upuan namin sa kanila kaya rinig namin ang pinag uusapan nila.
"Asha sorry kanina." Pag hingi ng tawad ni Jhed.
"Oo na." Maikli niyang turan.
Matapos naming kumain nag punta kami sa dorm.
"Tuloy ba 'yong gagawin niyo nila Kyle?" Tanong ni Liam.
"Oo."
"Grabe hindi kami makapaniwala na ang isang nerd na si Vanessa at SSG President na si Kyle ay galing rin sa pamilya ng mga mafia." Saad naman ni Ivan. Matapos kasi ng usapan namin sa daddy ni Astrielle ay sinabi ko rin sa kanila na galing sa pamilya ng mafia si Vanessa at Kyle. Noong una hindi ako makapaniwala pero hindi rin naman imposible dahil napapansin ko na may katangian sila ng isang mafia.
Napalingon ako sa cellphone ko ng mag text ang daddy ni Astrielle.
Sinasabi niya na isama namin ang mga grupo namin para hindi kami mahirapan.
"Sasama kayo sa akin." Saad ko. Gulat naman silang napatingin sa akin.
"Ano?" Tanong ni Liam.