Terrence
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong nakahawak sa kamay ko. Unti unti kong idinilat ang mata ko at nakita ko sa gilid ko si Astrielle na nakatungo habang natutulog. Hinawi ko ang buhok niya dahilan para magising siya.
"Klay? Buti gising ka na." Bakas pa sa boses niya ang antok.
"Nagising ba kita?" Saad ko pero umiling lang s'ya.
"Kamusta pakiramdam mo? Tatawag lang ako ng doctor ha." Tatayo sana s'ya ng pigilan ko s'ya.
"Bakit?" She asked.
"Nothing. I just want to hug you, can I?" Saad ko, tumango naman s'ya at lumapit sa akin. Agad ko siyang niyakap.
"Bwisit ka!" Nagulat ako ng kumalas s'ya sa pag kakayakap at bigla akong hinampas.
"Aww! Bakit mo ako hina-hampas?" I asked.
"Isang linggo kang tulog. Kainis!" Saad niya at nag pout. Dahan dahan naman akong umupo at inalalayan niya ako.
"Isang linggo? Ganoon pala ako katagal walang malay? Kaya pala ang laki na ng eyebags mo. Siguro napagod ka kakabantay sa akin." Inosente kong saad.
"Tse!" Saad niya at nag pout ulit kaya hinalikan ko s'ya sa labi.
"Bakit mo ko hinalikan?!" Galit na turan niya at nag pout ulit.
"Stop pouting or else I will kiss you." Napaiwas naman s'ya ng tingin kaya natawa ako."Porque gising ka na nag lalampungan na naman kayo dyan." Saad ng kung sino.
Tumingin kami sa pinto at nakita namin ang mga kaibigan namin.
"Hoy Astri! Patay ka kay Tito Lucas!" Saad ni Janna na parang nananakot.
"Why?" She asked.
"Nalaman ni Tito na isang linggo kang hindi pumasok." What? Hindi s'ya pumapasok?
"Hindi ka pumapasok?" Tanong ko sa kanya. Mag sasalita sana s'ya ng mag salita si Cindy.
"Hindi, para bantayan ka. Gusto niya daw kasing pag gising mo nand'yan s'ya sa tabi mo." Nakangising saad ni Cindy kaya napangiti ako.
"Babe wag mo namang ipahiya si Asha kay Klay." Saad ni Ivan.
"Tsk! Landi." Saad ni Asha at lumabas.
"Hoy teka Asha, saan punta mo?" Pigil ni Vanessa sa kanya."Sa doctor." Maikling saad n'ya at umalis na. Grabe ang sungit n'ya na naman.
"Kamusta ka?" Tanong ni Xyril.
"Okay naman." Tipid akong ngumiti.
"Alam mo bang halos hindi na matulog iyang si Asha kakabantay sayo?! Pag iyan nag kasakit naku." Napatingin ako kay Liam ng mag salita s'ya.
"Ha?" Kunot noong tanong ko.
"Hindi 'yan pumapasok kasi dito 'yan lagi napunta. Minsan nga dito pa' yan natutulog e, kaso hindi makatulog kasi binabantayan ka kung gising ka na o baka kasi balikan ka ng mga bumugbog satin. Hindi rin s'ya nakain masyado." Napangiwi naman ako sa narinig ko. Gusto niya bang mamatay? Bakit niya pinapabayaan ang sarili niya.
"Kaya ikaw, bumawi ka sa pinsan ko." Saad naman ni Janna, ano pa nga ba? Babawi talaga ako. Kaya pala nangayayat ang Astrielle ko.
Napanguso ako ng makita ko ang mga ginagawa nila. Si Ivan at Cindy nag susubuan ng pagkain, si Phoebe at Luhan parehas na nag babasa kaso mag kahawak ang mga kamay, si Liam na inaasar si Jhed. Naka move on na nga pala s'ya kay Astrielle at si Jhed na ang gusto niya, nanliligaw na nga e. Nakita ko naman si Janna na inaaway si Kyle, si Vanessa at Xyril na nag tatawanan at si Shawn na nakasimangot. Pft. Wala kasi siyang partner.
Napasimangot din ako kasi ang tagal ni Astrielle, sabi niya tatawag s'ya ng doctor? E nauna pa nga 'yong doctor sa kanya na check na ako ng doctor at pwede na daw akong lumabas mamaya.
Napatingin kami sa pinto ng bigla itong bumukas. Nakita namin si Astrielle na walang emosyon ang mga mata at may kasama siyang babaeng maganda, sexy at maputi pero mas maganda, sexy at maputi pa rin ang Astrielle ko.
"Astri pleaseee." Ha? Astri? Kaano-ano ni Astrielle 'yan?
"Shut the f*ck up. Shaina!" Shaina? Ay ewan basta hindi ko s'ya kilala.
"Bilis na please?" Napatingin ako sa mga kasama ko at nakita ko si Janna at Xyril na nakatayo.
"Shaina?!" Sigaw nilang dalawa.
Napatingin naman sa kanila iyong Shaina at ngumiti.
"Oh hi? Mga couz." Couz? Ibig sabihin pinsan nila 'to?
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Janna.
"Tsaka kailan ka pa nakauwi?" Dagdag ni Xyril.
"Ah, last week lang. Nag punta ako sa mansion kaso wala kayo sabi ni Lolo nasa hospital daw kayo kaya nag punta ako dito tapos nakita ko si Astri."
"Tapos?" Tanong ni Janna.
"Hinila ko s'ya sa isang convenience store tapos.. Tapos.. Waaaaah ayaw niya akong bilhan ng gummy bears." Naiiyak na sabi niya. Isip bata pala. Kaya pala ang tagal ni Astrielle e."I told you. I don't have time for your childish stuff Shaina Mae Mendez!" Napalunok naman yung Shaina sa sobrang lamig niya.
"Pero sige na please? Regalo mo na sa akin. Kakauwi ko lang kaya galing japan." Napangiwi si Astrielle.
"As what you've said last week ka pa umuwi kaya matagal na rin iyon. Manahimik ka d'yan." Saad niya at tumabi sa akin.
"Hmp! Damot mo! Kuripot!" Umirap lang si Astrielle sa sinabi niya.
"Ow hi Shawn?" Nakita ko naman si Shawn na napalunok.
"H-hi?" Utal niyang sagot.
"Yieee you miss me?" Natawa yung tatlong mag pipinsan. Napangiti ako kasi nakita ko siyang tumawa.
"H-hindi k-kita namiss 'no." Saad ni Shawn.
"Oh come on. I know you missed me babe." Saad nito at yumakap kay Shawn.
"Argh! Stay away from me. Lumayo ka sa akin! Shaina! Layo!" Natawa na rin kami sa inaasal nilang dalawa.
"Ayaw ko nga!" Saad niya at lalo pamg hinigpitan ang yakap kay Shawn.
"A-asha help m-me." Pag mamakaawa niya kay Astrielle pero imbes na tulungan ang best friend niya, nag kibit balikat lang siya at ngumisi.
"Gawin mo lahat ng gusto mong gawin kay Shawn, Shaina. Siya na lang regalo ko sayo. Welcome back." Saad ni Astrielle.
"Oh narinig mo 'yon Shawn? Tara samahan mo ko mag shopping." Nakangiting saad niya.
"Ano ako? Bodyguard mo? Ayoko sumama sayo."
"Sige na Shawn samahan mo na si Shaina." Nakangising saad ni Janna.
"Oo nga Shawn, minsan lang naman umuwi iyang si Shaina."
"Oo na! Pinag tutulungan niyo akong mag pipinsan." Saad niya at padabog na lumabas.