Chapter 12

6.8K 131 0
                                    

Maaga akong nagising kaya maaga rin akong papasok kaso naisip ko na mabobored lang ako doon kasi kunti palang ang tao kaya sa library na lang muna ako pumunta.

I was just looking here in the library of a book to read, when I bumped with a wall.

"Ano hanggang library binabantayan mo ako?" Dahil si Mr. President lang naman ang nabangga ko.

"Ah, hindi nag kataon lang. Nag babasa ka rin pala." Ngiti niyang sabi.

"Tsk!" Sabay kabig sa kanya, pumunta naman ako sa isang upuan at inumpisahang buksan ang librong nakita ko kanina.

"Tama nga ang lolo mo." Napatingin naman ako sa kanya na nakakunot ang noo.

"Para ka nga talagang yelo." Inirapan ko naman s'ya at nag basa na lang ulit.

Matagal tagal din akong nag stay sa library bago ko napag pasyahang pumunta sa cafeteria iniwan ko naman doon sa library si Mr. President.

Hindi pa ako nakakarating sa cafeteria ng may nakita agad akong kumpulan ng mga tao. May away ata or may nabubully na naman.

Hindi ko na lang iyon pinansin at nag lakad na ng nabangga ako. Na naman? Bakit ba lagi na lang akong nababangga?

"Mag iingat ka nga." I look at him at base sa uniform niya mukhang hindi siya taga rito. Hindi ko s'ya pinansin at umalis na hindi pa ako nakakalayo ng tawagin n'ya ako.

"Teka nga miss parang familiar ka e, nag kita na ba tayo?" He asked me.

"Hindi." I said.

"Hindi e parang familiar ka sakin, saan nga ba kita nakita." Huminto pa s'ya na parang nag iisip.

"Oo, tama ikaw nga?" Nang sabihin nya 'yon ay napatingin naman sa amin ang lahat ng estudyante kahit sila Terrence, nandito rin pala sila.

"Hoy Howard tama na muna pakikipag landian mo." What the f*ck?! Landian? Mukha ba akong papatol sa lalaking ito? E mukha nga s'yang gadgaran ng keso e.

"Hindi ako nakikipag landian. S'ya yung babaeng bumugbog kay John kaya hanggang ngayon comatose parin s'ya ." Mahabang paliwanag nito. Teka ano daw John? Sino yun? Bakit kilala nila ako?

Napatingin naman sa akin yung mukhang leader nila, mukhang kinikilatis ako.

"Andito lang pala yung matagal na nating hinahanap. Buti nag pakita ka na." Maka ngisi hindi naman bagay tsk! Mukha lang s'yang janitor fish.

Naalala ko na kung sino itong mga ito yung John na sinasabi nila ay leader nila na tinangka akong halikan kaya binugbog ko at na coma. Sila nga yun yung naka away ko sa last University ko sa Korea.

"Talagang nag punta pa kayo ng Pilipinas para hanapin ako ha?" I calmly asked.

"Oo naman dapat ka pa naming pag bayarin sa ginawa mo. Alam mo bang hanggang ngayon ay nasa state of coma pa rin siya dahil sa napuruhan mo siya!" I see anger in his eyes but who cares? I'm not afraid.

"Hindi ko na alam e, wala na kasi ako sa Korea and besides wala naman akong pake." At nag lakad na kaso hindi pa ako nakakalayo ng may dalawang lalaking humarang sa'kin.

"Saan mo balak pumunta?" Akala mo malalaki ang katawan.

"Pare mali atang nandamay ka ng babae." Napatingin ako kay Terrence ng mag salita siya. Sobrang seryoso niya.

"Wag ka na lang makialam hindi mo alam ang ginawa n'ya sa amin kaya dapat s'yang mag bayad." Itutulak ko na sana yung dalawang lalaki sa harap ko ng hawakan nila ang mag kabilang kamay ko. Sh*t kahit hindi malalaki ang katawan nila ang lalakas parin nila, hindi ko maitatangging hindi ako nasaktan sa mga hawak nila.

Napatingin ako sa leader leaderan nila ngayon at nakita ko siyang may hawak na baseball bat at nakita ko sila Terrence na hawak ng mga tauhan nitong walang hiyang ito.

"Na saan na ang tapang mo ngayon? Parang nung binugbog mo kami ang lakas mo ah ngayon nang hihina ka na ba at hindi mo magawang kumawala?" Kalma lang Ashanti. Makakawala ka rin sa mga hudas na ito.

"Tama nga si John maganda ka nga pero mahina ka." Tsk! Ako mahina?

"Hindi ako mahina wag kang engot!" Galit na turan ko sa kanya. Pasalamat s'ya at hindi pa ako makawala rito mas gusto ko kasing kumawala sa tamang paraan.

"Hindi ako engot!" Ganti n'ya.

"Hindi pa rin kayo nadadala e. Natulog na nga kayo sa hospital ng matagal hindi pa rin kayo nadadala. Ano gusto n'yo? Sa hukay na kayo matutulog?" Banta ko sa kanila.

"Sa tingin mo magagawa mo 'yon? E hindi ka nga makawala." Talagang inuubos n'ya ang pasensya ko ha.

"Stupid moron. Tsk!"

"Hindi ko ata gusto tabas ng dila mo ah." Lumapit naman s'ya sa akin.

"Bakit gusto ka ba?" Naka ngisi kong sagot.

"Aba't sasagot ka pa ha?" Bigla niya naman akong sinampal.

"Malamang may bibig ako e. Na saan ba utak mo? Nasa talampakan?"

Sa sobrang inis niya bigla n'ya akong pinalo ng baseball bat sa paa. Napa luhod naman ako. Sh*t ang sakit ha.

"Hoy! Kung gusto mo gumanti lumaban ka ng patas. Sabagay kaya nga ata gumaganti ka habang hawak ako ng mga tauhan mo dahil takot kang baka maging kawawa ka na naman." Iiling iling kong sabi.

"Ako kanina pa napipikon sayo ha."

"Sino ba nag sabi sayong mapikon ka?" I just rolled my eyes. Lumapit naman s'ya sa akin at hinawakan ang baba ko, dinuraan ko naman s'ya sa mukha na siyang lalong napag painis sa kanya kaya sinuntok n'ya ako sa tyan. Dahil sa hindi na ako naka pag timpi, sinipa ko yung 'oh so precious balls' niya. Mabaog ka sana! Tsaka ko inuntog ang ulo ko sa dalawang lalaking nakahawak sa akin. Sa ginawa ko agad na ring kumawala sila Terrence at nakipag sapakan din. Lumapit ako doon sa leader leaderan nila at sinapak s'ya tsaka tinadyakan sa tagiliran pero mukhang hindi s'ya nadala at sinapak din ako. Kingina mag kakapasa na naman ako. Kukunin ko sana yung baseball bat ng bigla niyang ipulupot sa leeg ko ang braso niya kaya medyo nakaladkad ako pero hindi ko iyon pinansin at pinaikot ang kamay n'ya papunta sa likod tsaka ito tinuhod. Bigla n'ya namang kinuha 'yong baseball bat dahil sa bilis ng pang yayari hindi ko naiwasan kaya ayon nahampas niya ang paa ko. Kahit nahihirapan akong tumayo ay tiniis ko at sinipa siya sa mukha, agad naman s'yang tumayo at sinakal ako.

"PAPATAYIN KITA!" Galit na turan niya.

"Gawin mo!" Nang sabihin ko iyon ay lalo niya pang idiniin ang pag kakasakal sa akin. Halos maubo na ako dahil sa pag kakasakal sa akin. Napatingin naman sa akin si Terrence at agad na lumapit tsaka n'ya hinampas ng baseball bat ang ulo nito. Napaupo naman ako sa sahig dahil sa kinapos na nga ako ng hininga.

"You okay?" Terrence asked. I just nodded at pag tingin ko tapos na pala ang laban. Inalalayan niya naman akong tumayo. Lumapit ako sa lalaking sumakal sa akin at sinipa siya bago tuluyang umalis. Iika ika akong nag lalakad dahil sa pag palo sa akin ng baseball bat. Nang makarating kami, agad niya akong pinaupo sa kama dito sa infirmary at siya ang gumamot ng sugat ko kasama niya rin ang mga kaibigan niya.

"Ano bang pumasok sa kukuti mo at nakisali ka pa?!" Galit na turan niya.

"Hindi ako nakisali sadyang gusto talaga nila akong gantihan." Balewala kong sagot.

"At bakit naman?" Tsaka siya tumingin sa akin.

"Bingi ka ba o ano? Hindi mo ba narinig yung sinabi ng Leader leaderan nila kung bakit na coma yung boss nila?!" Hindi kasi nakikinig e.

"Binugbog mo ang leader nila kaya ito na coma, ngayon nandito sila para gantihan ka?" Yan nagets mo rin? Yung mga sumugod kanina pati yung mga yun binugbog ko mga na injury nga daw sila dahil sa kagagawan ko e pero yung leader nila ang mas napuruhan.

"Sino ka ba talaga ha?" He asked. I just shrug tsaka tumayo at palabas na ng infirmary ng biglang nag salita si Ivan.

"Teka Ms. Transferee mag pahinga ka muna."

"Okay na ako. Gamutin n'yo na mga sugat niyo tsaka hindi Ms. Transferee name ko kundi Ashanti." Tsaka ako lumabas ng tuluyan.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon