Chapter 23

5.3K 107 6
                                    

Cindy

Nandito ako sa labas ng rest house nag papahangin.

"Ang lamig." Sabi ko sa sarili ko. Agad naman akong napatingin sa kung sino ng may nilagay s'yang jacket sa akin.

"Oh Ivan?" Oo, tama si Ivan nga ang nandito.

"Hindi ka makatulog?" He asked.

"Yes." Actually simula ng pageant naging close kami ni Ivan ang kaso palagi kaming nag aaway o nag aasaran.

"Ah, Cindy I just wanted to say something." Napatingin ako sa kanya.

"What is it?" Napa buntong hininga naman s'ya.

"Well, I don't know when did it start. Basta pag kasama kita masaya ako. I'm happy pag nakikita kitang napipikon sa pang aasar ko sayo." Para naman akong kinabahan sa sinabi niya.

"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko.

"Alam kong playboy ako, I do have many girlfriends pero nang dumating ka parang sayo na lang umikot 'yong mundo ko." I was stunned because of what I heard.

"I-I like you Cindy and I want to court you." Nakayuko niyang sabi. Halos hindi ako makapag salita dahil sa narinig ko. S-si Ivan, ang isang Ivan Calix Madrigal liligawan ako?

"S-seryoso ka?" Gulat na tanong ko.

"Do I look like I'm kidding?" Hindi, seryoso nga s'ya e. Ngayon ko lang s'ya nakitang ganyan ka seryoso.

"E kasi--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mag salita s'ya.

"I know you don't trust me but please let me prove to you that I want to court you and I am ready to do everything for you." Then he hold my hand.

"Please?"

"S-sige." Pag payag ko.

"Talaga?" Nakangiting sabi niya. Tumango naman ako.

Nagulat kami pareho ng may nag salita, ang boses na iyon ay galing sa taas ng puno. Parehas kaming napatingin doon ni Ivan.

"Tapos na ba kayo mag landian?" Nakita namin si Asha na nakatingin sa amin, tumalon siya pababa at lumapit sa amin.

"H-hindi kami n-nag lalandian ha." Napangisi s'ya tsaka lumapit sa akin na ikinaatras ko. Inilapit n'ya ang bibig n'ya sa labi ko, na para bang hahalikan ako. Tangina Asha anong trip mo?

"Hindi daw! Tsk! Narinig ko lahat ng pinag usapan n'yo." Tsaka s'ya lumayo.

"Ah, Asha hindi ka naman tomboy 'no?" Napatawa ako sa tanong ni Ivan kay Asha kahit ako nag tataka kung ano ba talagang sexuality niya, babae ba o tomboy. Kasi minsan' yong mga ginagawa n'ya sa amin like nung kanina e, gawain ng lalaki.

"Hindi ako tomboy." May diin na wika ni Asha.

"Nag tatanong lang naman ako hehehe."

"Bakit selos ka? Wag ka mag alala hindi ko aagawin yang soon to be baby mo. Kung tomboy man ako hindi si Cindy ang type ko sobrang ingay n'yan e. Daig pa sirena ng ambulansya." Nakangiwi niyang sabi. Aray ha Asha! Kung hindi lang kita bestfriend.

Ashanti

Nandito kami sa dining, hinihintay si Cindy tsaka Ivan, nag liligawan na ata. Tsk!

"Where are they? I'm hungry na ha." Naka pout na reklamo ni Janna.

"Hay naku Janna, wag ka na nga muna mag reklamo d'yan. Parating na sila." Saad ni Phoebe.

Napatingin sila sa akin ng mag ring ang cellphone ko. Tinignan ko sila tsaka ako tumikhim at tumayo.

"Oh?"

"Kahit kailan talaga si Asha hindi marunong mag hello." Narinig kong bulong ni Jhed kaya sinamaan ko s'ya ng tingin nag peace sign lang siya sa akin.

[Wala man lang talagang Hi or He---]

"Na saan na ba kayo?!" Pagalit kong turan kaya napatingin sila sa akin.

[Ah sorry Asha. Kasi ano e, ah ano.]

"Ano?!" Hindi ko napigilan ang sumigaw.

"Galit na naman s'ya." Iiling iling na sabi ni Xyril.

[Asha calm down, okay?]

"How could I calm down?! E kanina pa namin kayo hinihintay gutom na kami." Itong Cindy na 'to.

[Sorry talaga nakalimutan ko mag text ng maaga na kasama ko si Ivan ngayon ts---]

"Tapos?"

[Tapos, tapos ano ku-kumain kami sa labas.]

Sa inis ko pinatay ko ang tawag at bumalik sa pwesto ko. Nakatingin naman sila sa akin ng nag tataka pero hindi ko sila pinansin, nag sandok na ako ng pagkain ng makita nila ako gumaya na rin sila.

Nang matapos kaming kumain pumunta kami sa beach. Naka upo lang ako sa white sand ng may lumapit sa akin at hingal na hingal. Isa lang pala sa mga kaklase ko.

"A-ashanti."

"Why?" I asked.

"S-si S-shawn tsaka Liam nag susuntukan." Bigla akong napatayo ng marinig ko 'yon at dali dali akong tumakbo papunta sa kanila. Nakita ko si Klay at Kyle na parehong nakatingin kay Liam at Shawn na nag susuntukan, Si Klay na nakaupo lang sa isang tabi at si Kyle na nakatayo naman habang umiinom ng tubig. Inaawat naman sila ng iba naming mga kaklase.

"Tigilan mo bestfriend ko. Hayop ka! Pag katapos mong saktan babalikan mo?! Anong tingin mo sa bestfriend ko barbie doll na pag sawa ka na pwede mo ng iwan at balikan!" Kita sa mukha ni Shawn ang galit.

"Oo, nag kamali ako pero papatunayan ko sa kanya na nag bago na ako. Kukunin ko ulit siya." Ganoon din si Liam.

"Kung babalik pa siya sayo." Nakangising wika ni Shawn.

"Bakit ba galit na galit ka?! Ano naman sayo kung ligawan ko siya ulit? Wag mong sabihing may gusto ka rin kay Elle." Usal ni Liam habang hawak s'ya ng dalawang estudyante.

"Ano naman ngayon kung gusto ko siya?" Halos magulat ako sa sinabi ni Shawn pero hindi ko iyon pinahalata. Napatingin ako sa mga kaibigan ko, nakita ko sila na nakatingin na pala sa akin lalo na si Kyle at Klay. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanila. Hanggang ngayon nag susuntukan pa rin sila. Sa kakaawat ko ako ang nasuntok ni Liam. Tangina 'yong sugat ko.

"Oh my gosh Ashaaa!" Tarantang sigaw ni Cindy ng mapaupo ako gawa ng pag kakasuntok ni Liam, napasuka rin ako ng dugo dahil doon.

Nang sumigaw si Cindy napatingin sa gawi ko si Shawn at Liam. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatayo si Klay at napa tiim bagang si Kyle.

"Sh*t/F*ck" Sabay na mura nila. Kahit masakit ang tyan ko ay pinilit ko pa ring tumayo. Hawak ko ang tyan ko ng ako ay tumayo, buti ag maayos akongnakatayo. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko tsaka ako lumapit sa kanila.

"A-asha are you okay?" Tanong sa'kin ni Shawn.

"E-elle I-I'm sorry, I didn't m-mean to p-punch you." Napahawak ako sa sugat ko ng kumirot ito.

"Mag away kayo kung kailan n'yo gusto hindi ko na kayo aawatin. Tangina." Tsaka ko sila nilampasan habang nakahawak sa sugat ko.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon