Chapter 32

4.5K 81 0
                                    

Ashanti

Nandito kami ngayon sa dining tahimik na kumakain ng mag salita si dad.

"Astri mamaya mag usap tayo sa office ko." Napatingin ako sa kanya tsaka bored na tumango.

Matapos kumain kasama kong pumunta sa office ni dad si Janna at Xyril.

"What is it dad?" Bungad ko sa kanya tsaka naupo sa couch. Nangunot ang noo ko ng makita ko si Terrence, Kyle at Vanessa sa loob.

"Tito anong ginagawa nila dito?" Naguguluhang tanong ni Janna.

"May ipapagawa ako sa inyong tatlo at kasama sila doon." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Why?" Bored kong tanong.

"Bago ko pala makalimutan. Siguro naman kilala n'yo na ang isa't isa 'di ba? Pero ipapakilala ko sila sa inyo ng mas maayos. He is Terrence Klay Imperial the Heir of Imperial Empire, Kyle Gomez the Heir of Lion Empire and this is Vanessa Lopez from Lopez Empire anak ni Felix Lopez " Napatingin ako kay Vanessa.

"Lion Empire? Anak ka ni Benedicto Gomez? And you're from a mafia family also Vanessa?" Gulat na tanong ni Xyril. Hindi na ako magugulat dahil mag kamukha sila ni Benedicto Gomez.

"That explains everything." Tatango tangong sagot ko.

"Explains what Astri?" Tanong ni Janna.

"She knows everything about the Empires and gangsters."

"Anak ni Benedicto Gomez Si Kyle at ang Empire nila ay kaanib natin. Pati ang Imperial Empire." Paliwanag ni dad.

"Anong ipapagawa mo?" Bored kong tanong.

May nilapag naman s'yang folder sa table niya kaya agad akong tumayo at kinuha iyon.

"Who's this?" May picture kasi ng lalaki sa gilid.

"S'ya ang papatayin n'yo." Napatingin ako sa kanya at ngumisi.

"To straightforward ha?" Saad ko habang nakatingin sa papel.

"Is this another mission of yours dad?" I added.

"Yes and to tell you pumayag na silang tatlo, kayo na lang ang hinihintay ko." Napatingin ako kay Xyril at Janna.

"P-payag k-kami Tito." Napangisi ako dahil sa pag payag nila. Masyado silang takot kay daddy. Tsk!

"This is such a bullsh*t mission."

"Your words Ashanti." Saway ni daddy sa akin.

"I'm out." Kalmadong turan ko.
Napatingin naman silang lahat sa akin.

"Ashanti they need you." Napahawak ako sa sintido ko.

"Yes, I know. But I'm tired of following everything you ask me to do, I'm not a robot that you'll use in everything you plan. I am your daughter and not your successors." Saad ko tsaka tumingin ng malamig sa kanya.

"Ashanti what's wrong with you?! This is the first time you said no to me." Natatawa akong tumayo at pinalo ang mesa niya.

"All my life I have always obeyed everything you commanded me to do, I'm not your dog na hahawak hawakan mo sa leeg para gawin lahat ng utos mo."

"Hindi kita pinalaking ganyan Astri, kailangan mong matuto kung paano i-manage ang emipre dahil sa susunod ikaw na ang mamumuno nito." Mahabang paliwanag niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo gagawin mo ang inuutos ko." Dagdag pa niya.

"Do I always need to kill? Ayokong makapatay na naman ng inosenteng tao dahil lang sa utos mo."

"You are the heiress of this empire Ashanti! Obey everything I said!" Galit na sigaw niya.

"Do I look like your pet?" Saad ko habang pinag lalaruan ang kitchen knife ko.

"Kill Jonas Martinez or bring him to me. Isa siyang traydor!" So, Jonas Martinez betrayed us ha? Hindi ko siya masisi, ang alam ng lahat sa mga mafia ay masama pero hindi ko alam bakit tumutulong pa din sila daddy sa gobyerno sa kabila ng lahat ng 'to. Pero mali rin naman na traydurin kami.

"Edi ikaw ang gumawa." Inis na saad ko.

"Ashanti kaya ko ginagawa ito dahil para ito sa ikabubuti ng empire natin at ng iba pa nating kaanib. Ikaw ang susunod na mamumuno, patayin mo lahat ng haharang at sisira sa plano natin." Nag pipigil sa galit na saad niya.

"Just do what I want." Saad ulit nito.

"I. Won't. Do. That." May diing sabi ko habang ngumunguya ng bubblegum.

"Come on Ashanti! I already told you! Pwede ba wag mo ng pairalin ang katigasan ng ulo mo?!" Okay, old man is mad.

"Anong makukuha ko kung sakaling gagawin ko ang gusto mo?" I asked.

"Makukuha mo lahat ng gusto mo."

"What If I don't?" Tanong ko ulit.

"Ibabalik kita sa korea." Napatawa ako ng peke sa sinabi ni dad.

Napatingin sa akin sila Janna, Xyril, Kyle at Klay.

"Nakakatawang isipin na ikaw ang nag padala sa'kin dito tapos ibabalik mo ko sa korea? I don't get it. Do you really think I'm your pet? Lalo ko lang iniisip na wala ka talagang kwentang--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla n'ya akong sinampal.

"Hindi kita pinalaki ng ganyan Ashanti!" Galit na sigaw n'ya.

"But surprisingly lumaki pa rin akong ganito dahil sa mga pinapakita mo!" Nilabas ko ang baril ko at kinalas ang mga parte nito sa harap niya.

"I have my own life! I can do anything I want without your commands!" Nag lakad na ako palabas at narinig ko pa ang pag sigaw niya, paulit ulit niya ring tinatawag ang pangalan ko.

Pag baba ko bumungad sa harap ko si mom.

"Oh my gosh! Sweetie what happened to your lips?" Gulat na tanong ni mom.

"It's nothing mom." Nilampasan ko na s'ya. Nakarating naman ako sa sala at nakita ko sila doon.

"Asha what happened? Bakit nadugo labi mo?" Tanong sa akin ni Liam. Pinunasan ko lang iyon at mag lalakad na sana palabas ng sumalubong sa akin si Kuya Axel.

"Astri?" Tumingin ako sa kanya ng malamig.

"Anong nangyari sa labi mo?" Umiling lang ako tsaka lumabas na.
Pumunta ako sa kotse ko at dali dali iyong pinaharurot.

Hindi ba masama naman talaga ang mga mafia? Bakit sila natulong sa gobyerno, wala namang magagawang tulong sa amin ang gobyerno.

Hindi ako tutol na natulong sila sa gobyerno pero tama ba na kami ang ginagamit niya? I'm his daughter for pete's sake! Hindi niya ako utusan para gawin lahat ng gusto niya, pwede siyang umaksyon without using others. Sinusunod ko lahat ng gusto niya pero hindi kasama doon ang pumatay. Oo, pumapatay ako pero sariling desisyon ko iyon tsaka ang mga pinatay ko ay yung mga gangsters na walang nadudulot na maganda sa lipunan at isa pa humaharang sa daan ko. Kung gusto niyang malinis ang empire namin siya mismo kumilos. Tsk!

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon