Lumipas ang isang linggo at ganoon pa rin ang ginagawa namin nag r-review para sa midterm exam at ito namang si Klay lalong lumalandi. Ang clingy at possessive grabe. Kulang na lang pag bawalan niyang lumapit sa akin sarili kong pinsan e.
"Astrielle." Tawag niya sa akin.
"Hmm?" Sagot ko pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. Nandito kasi kami sa library at nag aaral pa rin.
Nakakasawa na nga e. Kasi tuwing weekend nag aaral pa rin kami. Matalino ako, Oo. Pero nag sasawa rin ako mag aral 'no. Lalo na kapag puro review.
"I'm sleepy." Malambing niyang turan. Tumingin ako sa kanya.
"Then?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.
Bigla naman siyang nag pout. Kaya natawa ako. He's cute I admit it.
"Sleep now. Gigisingin na lang kita." Turan ko tsaka tinap ang balikat ko.
Agad naman niyang pinatong ang ulo niya doon at hinawakan ang kamay ko."I love you." Saad niya kaya namula ako.
"I love you, too." Saad ko rin.
Terrence
"Klay." Naalimpungatan ako ng may tumapik sa pisngi ko at nakita ko ang mukha ni Astrielle na nakatingin sa akin.
"Bakit?" Antok na tanong ko.
"Ahm. Kasi pupunta ako sa restroom. Hindi ako makaalis kasi nakasandal ka sa'kin. Baka kasi mauntog ka pag bigla akong umalis." Nakatungong saad n'ya. Napangiti ako dahil para siyang batang nakikiusap sa daddy niya.
"Sige na mag restroom ka na." Saad ko tsaka s'ya kiniss sa lips pero smack lang. Ngumiti naman s'ya kaya napangiti na rin ako. Mas maganda s'ya kapag nangiti. Masaya ako kasi ako ang dahilan ng pag ngiti niya, alam kong may mga hahadlang sa amin at alam ko rin na may mag tatangka sa buhay niya, kaya hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kanya. S'ya ang una at huling mamahalin ko kaya hindi ko hahayaan na mapahamak s'ya. Handa akong isakripisyo ang buhay ko basta maging ligtas lang s'ya.
"Babalik ako ha." Napatingin ako ng mag salita s'ya. Akala ko ba lumabas na s'ya. Tinanguan ko na lang s'ya at tuluyan na nga siyang umalis.
Ashanti
Nang matapos kong mag paalam sa kanya agad na akong lumabas ng library at nag punta sa restroom.
Pag katapos ko ay lumapit ako sa sink at nag hugas ng kamay. Habang nag lalakad pabalik ng library may nakita akong mga estudyanteng nag kukumpulan.
"Tabi."
"Tabi." Bawat estudyanteng nakaharang ay pinapatabi ko.
"Na saan si Mendez?!" Rinig kong sabi ng kung sino.
"Mendez?"
"Sinong Mendez kaya ang hinahanap niya?"
"Oo nga dalawa lang naman ang Mendez dito yung mag pinsang si Xyril at Janna." Rinig kong bulungan ng mga estudyante.
"Tabi." Pag papatabi ko sa isang estudyante agad naman siyang tumabi.
Nag tiim bagang ako sa nakita ko. Hawak ng dalawang lalaki si Klay habang binubugbog s'ya nung isa.
Nakita ko naman sila Ivan, Liam at Luhan na naka higa sa sahig pero mga dilat pa ang mga mata at hindi sila masyadong napuruhan. Sa kanilang apat si Klay ang pinaka napuruhan.
"Na saan na sabi e?!" Saad niya at sinuntok sa tyan si Klay. Ang tatanga ng mga 'to wala ng malay 'yong tao kinakausap pa tapos pag hindi sumagot magagalit. Bobo.
Masakit sa akin na makitang ganito si Klay, natatakot rin ako para sa kanya pero hindi ko dapat ipakita ang takot ko ngayon.
"Hanap niyo ako?" Saad ko habang nakakuyom ang kamao. Nagulat naman lahat ng estudyante sa narinig nila.
"Si Ashanti? Mendez ba siya?"
"Seryoso? Isa siyang Mendez?"
"Kaya pala may pag kahawig siya kay Lucas Mendez." May away na lahat lahat bulungan pa rin sila ng bulungan.
"Buti naman nag pakita ka na Ashanti Mendez!" Madiin at galit niyang turan.
"Anong kailangan mo?" Malamig kong turan.
Walang sumagot sa kanila niisa at sumugod na lang sa akin. Pinag sasapak ko naman ang mga ito.
"Pahiram." Saad ko sa baseball player at kinuha ang bat niya.
Lumapit sa akin ang isang lalaki para sana sapakin ako pero bago mangyari iyon sinipa ko s'ya sa tyan at pinalo ng bat ang likod niya. Anong akala niya sa'kin duwag!
Tumba na silang lahat maliban sa boss nila.
"Lapit." Nakangising saad ko. Sumugod naman s'ya, binitawan ko ang baseball bat na hawak ko.
Sasapakin n'ya sana ako ng kunin ko ang kamay n'ya at pinilipit 'yon papunta sa likod n'ya at sinipa siya sa tyan tsaka inuntog ang ulo niya sa tuhod ko. Agad siyang napahiga pero hindi pa bagsak kaya ang ginawa ko ay malakas kong tinapaka ang tyan niya at sinapak siya. Kaya ayon tulog. Mahihina naman pala.
Nang tumumba na sila ay agad akong lumapit kay Klay.
"Klay." Tawag ko.
"Klay!" Tawag ko ulit pero wala talaga siyang sagot. Sh*t.
Kapag may nangyaring masama kay Klay, sisingilin ko ng mahal ang mga 'to. Humanda sila sa akin.
Klay ano ba kasing nangyari? Bakit ka hawak ng mga gunggong na iyon.
"Luhan?!" Gulat na sigaw ni Phoebe tsaka lumapit sa kanila. Tinulungan nila Jhed na makatayo silang tatlo habang ako ay tumawag ng ambulansya para kay Klay.
May malay pa sila Liam kumpara kay Klay pero kagaya ni Klay ay kailangan din nilang gamutin sa hospital.
Hanggang dito ba naman sinusundan ako ng mga taeantadong 'yon? Kailan ba nila ako titigilan?!
So, hindi talaga nila ako titigilan hangga't hindi nila ako napapatay ha? Masyado silang takot na maging pinuno ako ng MZ Empire dahil alam nilang sa akin lalakas ang empire namin ay kapag mangyari iyon. Hindi na nila kakayanin.
Gustong gusto talaga nilang pabagsakin sila daddy kaya ngayon palang ako na ang pinupunterya nila para hindi sila mahirapan pabagsakin sila daddy.
Matagal mamatay ang masamang damo, kaya kung akala nila ganoon lang kadaling patayin ako, nag kakamali sila. Sila unang mamamatay sa mga kamay ko.
Humanda sila sa akin, sa oras na ako na ang maging pinuno ng MZ empire. Sisiguraduhin kong lahat ng kalaban namin babagsak, wala akong ititirang buhay.
Tangina bakit nila dinadamay si Klay! Lalong nag iinit ang dugo ko dahil sa ginawa nila kay Klay.