Ivan
Nandito kami ngayon sa may halamanan nag tatago, curfew hour ngayon at ngayon din ang labas ng miyembro ng D13, ngayon rin namin naisipan na alamin kung nandito na ba talaga sa LHU si Uno.
Nakita namin ang buong D13 maliban kay Uno, para silang may pinag uusapan.
"I thought si Uno lang ang nandito? Pati rin pala sila Dos, Six, Ten at Dosze?" Tanong ni Liam.
"Isa lang ibig sabihin nito kung nandito silang apat malamang nandito rin si Uno, tutal silang apat ang kasama ni Uno sa korea." Luhan has a point pero bakit hindi namin makita si Uno? Where is she?
"Sinusundan n'yo ba kami?" Napatingin kami sa likod ng may mag salita. Lagot ang buong D13. Napatingin ako sa pwesto nila kanina.
"Paanong--" Sabi ko habang nakaturo sa pwesto nila kanina at sa harap namin.
Lumapit sa amin si Dos, Six, Ten at Dosze tsaka kami hinila sa kung saan.
"Saan n'yo kami dadalhin?" Rence asked pero niisa sa kanila walang sumagot. Lalabanan na sana namin sila ng mag salita si Dos.
"Wag na kayong lumaban kung gusto n'yo pang mabuhay." Seryosong sagot ni Dos.
"Hindi naman namin kayo sasaktan e, may itatanong lang." Seryoso ring saad ni Tres. Grabe napaka seryoso naman nilang lahat.
"Piringan na yan." Utos ni Seven. Sinunod naman nila iyon.
Wala akong makita pero ang nararamdaman ko ay may mga damo at hagdan.Tinanggal nila ang piring namin, harap kami ngayon ng isang pinto. Malaking pinto.
"Pasok." Utos ni Thirteen.
Agad naming sinunod ito.
Namangha ako ng makita ko ang itsura sa loob, grabe ang ganda, malinis s'ya at wala ka talagang makikitang bakas na alikabok dahil sa kintab. Kung sa labas mukhang maliit lang ang lugar na ito. Kabaliktaran naman ang sa loob.
"Maupo kayo." Pag anyaya samin ni Nine. Paano namin nalaman kung sino sila? Well, madali lang dahil sa maskara nila.
Ang D13 o Death Thirteen ay binubuo ng Thirteen members. Halata naman sa pangalan 'di ba? Ang 6 sa kanila ay babae samantalang ang 7 naman ay lalaki.
Ang babae ay sina Uno, Tres, Six, Eight, Ten at si Dosze. Si Dos, Fourth, Fifth, Seven, Nine, Onsze at Thirteen naman ang lalaki. Lahat ng students ng LHU ay curious sa itsura ng D13 kasi nga niisa wala pang nakakakita sa mukha nila, kung meron man pinapatay nila kaya wala ng nangahas na alamin ang itsura nila. Si Uno ang leader nila babae siya pero siyang ang pinaka malakas sa kanila, siya rin ang pinaka matalino at wala rin siyang kinakatakutan. Kaya hindi na nakakapag taka na siya ang leader ng grupo.
"Anong ginagawa n'yo doon? Bakit n'yo kami sinusundan?" Tanong ni Onsze.
"Bakit namin sasabihin?" Walang hiya ka Rence, gusto mo na ba mamatay.
"Dahil sa tinanong ko." Sagot rin ni Onsze.
"Sabihin mo na lang, baka umabot pa sa patayan." Usal ni Fifth na may hawak na kitchen knife.
"We have a visitors?" Napalingon kami nang may nag salita, nakita namin si Uno. Totoo nga nandito si Uno at nakakatakot nga s'ya dahil sa sobrang lamig ng boses n'ya.
"Totoo nga nandito ka nga." Nakangising wika ni Rence.
"So, sinusundan n'yo nga kami dahil gusto nyo malaman kung nandito si uno?" Inosenteng saad ni Ten.
"Ah, Yeah! Usap usapan kasi si Uno ng mga estudyante dito, kahit kayong mga kasama ni Uno sa korea usap usapan rin." Wika ni Liam.
"Chismoso pala." Fourth.
"Hindi kami chismoso, curious lang kami." Usal ko.
"Masyado kayong curious, hindi niyo ba alam na 'yan ang pwedeng pumatay sa inyo?" Tanong ni, Tres.
Yung boses ni Tres familiar sa akin, kahit na ganoon iyon ka seryoso. Ang kaso hindi ko maalala kung sino ang may nag mamay ari ng boses na yun.
"Ano boss? Patayin ko na ba?" Tanong ni Dos."Bakit n'yo kami papatayin? E hindi naman namin nakita ang mukha n'yo ." Sagot ni Liam.
"Edi tatanggalin ko maskara ko. Para mapatay na kayo." Wika ni Nine at agad na tinanggal ang maskara n'ya. Ikimagulat naming apat ng makita namin ang mukha ni nine.
"I-ikaw? I-isa ka sa mga nerd na binubully 'di ba?" Nauutal kong tanong.
"Oo." Sabay ngisi n'ya.
"Boss patayin na natin nakita na mukha ni Nine e." Yung Nine na sinasabi nila ay si Warren Kim ang nerd na half filipino and half korean.
Hindi ako makapaniwala na parte siya ng pinaka malakas na gangster. Kung titignan mo siya ngayon? Nakakatakot siya parang hindi siya 'yong nerd na palagung binubully.
"Hayaan n'yo sila. Tutal nandito na ako babantayan ko na lang sila." Usal ni Uno tsaka lumabas.
"Oh narinig n'yo? Sabi ni Uno hayaan na daw natin." Sabat naman ni Six.
Kaya wala na silang nagawa. Lumabas na kami kaso napahinto kami dahil may piring ang mata namin kanina.
"Ihahatid ko na kayo." Nagulat kami ng sumulpot si Uno sa harap namin.
"Masyado kayong magugulatin. Nasobrahan ata kayo sa kape." Wika n'ya sa malamig na tono.
"Ngayong alam n'yo na na nandito ako. I want the four of you to shut up. Ayokong may makaalam nito na ibang tao na nakausap n'yo kami." Usal n'ya.
"Nakita namin ang mukha nung isa sa mga miyembro n'yo ah? Hindi mo ba kami papatayin?" Umiling naman si Uno.
"May tiwala ako sa inyo. Alam kong alam niyo na pwede niyong ikapahamak 'to kapag sinabi niyo sa iba na nandito ako." Tsaka na s'ya nag umpisang mag lakad.
"Sino ka ba talaga?" Napahinto si Uno sa tanong ni Rence.
"Malalaman n'yo rin." Tuluyan na nga s'yang nawala sa paningin namin.
Ang kilala kong uno brutal at walamg kinakaawaan pero bakit hindi niya kami pinatay? Nakita namin ang mukha ni nine ah? Ang alam ko hindi nila pwedeng ipakita kahit kanino ang mukha nila, kung sakali man na may makakita noon ay pinapatahimik nila.