Kyle
Nang malaman namin ang nangyari agad kaming pumunta sa hospital at doon nakita namin si Phoebe, Cindy at Jhed na nakaupo samantalang si Asha nakatayo sa tabi nila Phoebe na blanko ang ekspresyon ng mukha.
Bumalik na naman s'ya sa dati yung pagiging blanko ng ekspresyon niya, nand'yan na naman. Kasi tuwing nakikita ko s'ya na kasama si Rence nakikita ko sa mata niya kung gaano siya kasaya pero ngayon para siyang papatay sa itsura niya, ang creepy katakot.
"Astri gamutin mo kaya muna ang sarili mo tsaka change your clothes, look puro dugo." Saad ni Janna.
Actually nililigawan ko si Janna. I'm in a process of unloving her cousin, sa una mahirap pero nand'yan sj Janna. Tinutulungan akong makalimutan si Asha, hanggang sa hindi ko namalayan na si Janna na ang gusto ko.
Tinignan ni Asha ang damit niya tsaka hindi na nag salita.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Vanessa.
Mag sasalita sana si Phoebe ng lumabas na ang doctor.
"Kaano-ano kayo ng mga pasyente?" Tanong ng doctor.
"Mga kaibigan po nila kami." Saad ni Shawn.
"Kamusta po sila?" Tanong ni Cindy.
"Yung tatlong pasyente hindi naman ganoon karami ang na tamo nilang sugat kaya mamaya lang ay gising na sila at mamaya o bukas pwede na silang madischarge, pasalamat tayo at hindi sila napuruhan pero 'yong isang pasyente ay napuruhan kaya baka bukas o sa isang araw pa s'ya magising dahil din sa natamo niya kailangan niya munang mag stay dito ng isang linggo." Saad ng doctor. Buti na lang at inurong ang midterm exam namin at sa susunod na linggo pa' 'yon, kaya makakaabot pa si Terrence sa Midterm.
"Now if you'll excuse me." Saad ng doctor at umalis na.
Nagulat kami ng biglang sinuntok ni Asha ang pader.
"Asha!" Gulat na saway sa kanya ni Vanessa pero hindi s'ya nag paawat hanggang sa dumudugo na ang kamay niya kakasuntok niya.
"Ashanti Astrielle enough!" Malamig na saad ni Xyril kaya agad naman siyang tumigil.
"Astri tara na muna mag palit ka muna babalik na lang tayo mamaya dito tsaka gagamutin ko ang mga sugat mo." Saad naman ni Janna.
"Sasama ako." Saad ko.
Hindi na nag salita si Asha at nag lakad na.Sumakay kami sa kotse ni Asha at ako na ang nag drive.
"Astri are you hungry? Gusto mo kumain muna tayo?" Saad ni Janna.
"Tingin mo makakakain ako? Puro nga ko dugo." Malamig na turan ni Asha. Napailing na lang ako.Maya maya lang nakarating na kami sa bahay nila. Agad siyang bumaba at pumasok sa mansion nila.
"Jusme! Young lady? Anong nangyari sa inyo?" Saad ng mayordoma ata nila. Hindi niya ito pinansin at dire-diretso lang.
Naupo lang kami sa isang couch ni Janna at hinihintay si Asha na matapos mag ayos.
"Oh apo?" Napatingin kami ng may nag salita.
"Oh Kyle hijo?" Tawag sa akin ni Lolo Felipe agad naman akong ngumiti.
"Napadalaw kayo?" Tanong niya ulit.
"Ah, sinamahan lang namin si Astri lo." Sagot ni Janna.
"Oh? where is she?" He asked.
"Nag bibihis lang po." Saad ko naman.
Napatingin kami sa likod ni Lolo Felipe ng may nag salita at doon nakita namin si Asha na walang ekspresyon."Tara na." Saad ni Asha.
"Oh apo? Kamusta? Bakit puro sugat ka?" Alalang tanong ni Lolo.
"I'm fine lo. Alis na po kami." Saad niya at nauna ng lumabas.
"Aalis na po kami Lolo." Masayang saad ni Janna at humalik sa cheeks ng lolo niya, nag mano naman ako at nag paalam na rin.
"Sige take care mga apo." Saad ni Lolo.