Dalawang linggo na simula ng kidnapin si Astrielle, hindi pa rin namin alam kung saan namin siya hahanapin. Nakakabwisit ang Crimson na yun!
"Ano ba yan! Miss ko na si Asha." Nakasimangot na saad ni Vanessa. Paano pa akong boyfriend ni Astrielle?
Damn! I really miss her. Para akong mamamatay kapag hindi ko siya nakikita. This is making me crazy.
"Oo nga e. Dalawang linggo na tayo nag hahanap wala parin. Kinginang Crimson yun!" Saad naman ni Janna.
"Mahahanap natin siya." Kampanting saad ni Phoebe.
"Teka? Oo nga! Yun nga!" Napatingin kami ng mag salita si Astrid.
"What is it Ate?" Tanong ni Axel."Yung kwintas ni Astri, may tracking device ang kwintas ni Astri. Bakit ngayon ko lang yun naisip!" Nangunot ang noo ko sa narinig.
"Tracking device ba kamo?" Paninigurado ko, agad naman siyang tumango.
"Yes! Kuya nakalimutan mo na?!" Tanong niya kay Kuya Ace.
"Hindi ba si Lolo ang nag bigay nun. Lahat tayong Mendez meron ng kwintas na 'yon." Saad niya kaya napatingin si Janna sa kanya.
"Ano kamo?" Gulat na tanong niya.
"Damn! Yung kwintas na niregalo sa atin ni Lolo nung birthday natin ay hindi isang ordinaryong kwintas." Wala sa sariling saad ni Kuya Ace.
"Exactly! Binigay niya sa atin 'yon, on purpose!" Saad naman ni Xyril.
"Bawat kwintas niyo ay may tracking device para kung sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon mahahanap niyo agad ang bawat isa." Napatingin kami sa nag salita.
"L-lolo?" Gulat na saad ng mag pipinsan.
"Pasensya na at hindi ko sinabi sa inyo, akala ko kasi malalaman niyo rin agad." Saad ni Lolo Felipe.
"Kung ganoon itrack na natin si Asha." Sagot naman ni Luhan. Agad kaming napatango sa sinabi niya.
"Hindi kayo pwede sumugod doon na kayo lang. Ipapadala ko ang kalahati ng MZ Empire." Saad ni Lolo Felipe. Tumingin siya sa akin at tinapik ako sa balikat.
"Wag kang panghinaan ng loob. Makikita niyo rin siya. Alam ko rin kung gaano mo kamahal ang apo ko." Nakangiting saad niya at lumabas.
"Aalis na ako." Saad niya.
Nandito na kami ngayon sa harap ng isang abandonadong gusali kung saan nakatago si Astrielle.
"Ano pasukin na natin? Kating kati na ako e. Gusto ko na ulit pumatay ng mga kriminal e." Nakangising saad ni Xyril.
"The f*ck! Agad tayong pumunta dito ng wala man lang plano?!" Inis na saad ko.
"Wala ng plano plano Rence." Nakangising saad ni Phoebe. Iba ring Phoebe ang kaharap ko ngayon hindi yung tahimik at maamo, kahit mga kaibigan niya ay ganoon din, sila Cindy at Jhed hindi ko makilala kung sila pa ba ang kilala ko."Mag plano muna tayo." Kalmadong saad ko kahit gusto ko ng pasukin 'yan at gilitan sila sa leeg.
"What?! Can't we just go inside and break there f*cking necks?!" Nauurat na saad naman ni Cindy. I know what they feel pero hindi kami pwedeng sumugod basta basta dahil baka marami sila at baka malagay sa alanganin si Astrielle.
"Rence is right, we need a plan before rushing inside." Pag sang ayon sa akin ni Kuya Ace.
"Then think a better plan now." Saad naman ni Astrid.
"I'll go inside, I'll check if how many they are inside. May mga earpiece naman tayo for communications e." Saad naman ni Axel.
"Bilis makaisip ng plano ha." Nakangising saad ni Astrid.
"Mag handa na lang kayo. I'll go with you Axel." Saad ko. Tumango siya kaya tahimik kaming pumasok sa loob. May nakita kaming dalawang lalaki kaya nag senyasan kami gamit ang mata. Lumapit ako sa isang lalaki at pinilipit ang leeg niya dahilan para matumba siya at mawalan ng malay, ganono din ang ginawa ni Axel.
Mukhang sanay na sanay ang batang 'to sa pakikipag laban. What do you expect Terrence? Mendez yan kaya natural na bihasa na siya.
[Ilan ang nasa loob?] Tanong ng kung sino.
"Mga 10. Pumasok na kayo at tulungan niyo kami rito." Sagot ni Axel. Sa totoo lang hindi lang naman kami ang nandito e. Pati yung ibang member ng D13 at kalahati ng MZ Empire nandito, kaya may laban rin kami.
Kanino bang lugar 'to? Hindi ito ang lugar na pinuntahan namin nung sinugod namin si Crimson, so nag sasabi talaga ng totoo si Crimson na hindi na siya ang may hawak sa girlfriend ko? Kung ganoon sino? Malaman ko lang kung sino may hawak kay Astrielle gigilitan ko siya ng leeg kahit sino pa siya.
Sa oras na saktan niya ang girlfriend ko hindi ako mag dadalawang isip patayin siya.
I'll do everything para kay Astrielle, kahit pa isugal ko ang sarili kong buhay para sa kanya gagawin ko. Don't try me.
Once the demon in me wakes up, no one can stop me.