Ashanti
Nandito kami ngayon sa Pampanga. Naisipan kasi namin na mag bonding lahat. Kompleto kami buong mag babarkada. Kasama rin ang mga anak namin. Kasama rin sila Ate Kate, Kuya Ace, Astrid, Axel at Ken kasama ang mga pamilya nila. Nandito rin ang mga magulang namin ni Klay.
Ang saya kasi dati ako lang mag isa ngayon ang dami ko ng kasama. Nawala man si Lolo at si Shawn may mga tao namang pumalit.
Ang dami naming pag subok na pinag daanan pero heto kami ngayon mag kakasama. Hindi ko lubos na maisip na aabot ako sa ganito nung nabaril ako, akala ko 'yon na ang katapusan ko pero nag papasalamat ako dahil buhay pa rin ako kasama ang pamilya ko.
Nandito ako sa kubo, pinapanood sila habang masayang naliligo sa dagat. Habang pinapanood ko sila may narealize ako. Hindi naman pala masama kung tumanggap ka ng taong gustong pumasok sa buhay mo e.
Wala namang mawawala kung susubukan mo. Sabi nga nila the more the merrier.
Akala ko hindi na ako mag babago e. Pero simula ng pumasok si Klay sa buhay ko nag bago ang lahat ang dating cold at tahimik naging palangiti at madaldal, ang dating gustong mag isa, takot ng iwan, ang dating sobrang seryoso naging makalokohan na may pagka childish.
Ang daming nag bago sa buhay ko simula ng dumating sila pero hindi ko 'yon pinag sisihan. Hindi maganda ang unang pag sasama namin pero tingnan mo lahat nauwi sa ganito.
Alam kong marami pa kaming pag subok na nag hihintay sa aming lahat pero hangga't mag kakasama kami, malalampasan namin iyon.
May mga taong nawala sa akin pero alam kung masaya na sila ngayon at ginagabayan kami, ang tanging bagay na lang na dapat kung gawin ay maging masaya rin.
Nothings perfect everything will come to an end.
Marami akong natutunan ilan lang sa mga ito ang :
- Kung may pag subok man na dumating sa buhay mo wag mong takasan harapin mo. Manalig ka sa Diyos at gagabayan ka niya na malampasan ang mga pag subok sa buhay mo.
- You're not called best friends if you can't help or support each other.
- And once you start loving someone, it's hard to stop.
Yeah! That's true. I start loving Klay na halos sigurado na akong siya na ang makakasama ko habang buhay.
Ito ang buong kwento ng buhay ko
At
Mukhang dito na mag tatapos ang kwento ko.
I'm Ashanti Astrielle Mendez-Imperial and I'm deeply inlove with Mr. Terrence Klay Imperial.
I'm a gangster and a Mafia Empires Heir na nag sasabing habang may buhay may pag aasa.