Chapter 47

3.7K 70 0
                                    

Ashanti

Nakalabas na si Klay ng hospital at ngayon nandito kami sa school mag t-take ng exam kasi ngayon na ang midterm namin at pag katapos nun ay sembreak na. Hay salamat makakapag pahinga na ako.

Pag pasok ko sa room nakaayos na ang mga upuan kaya umupo na ako sa sarili kong upuan.

"Good morning class." Saad ni Mrs. Villalon pag dating kaya nag greet din kami sa kanya pabalik.

"Okay. Ready na ba kayo?" She asked.

"Yes." They answered, hindi na ako nag abalang sumagot dahil bored na ako.

Namigay na si Mrs. Villalon ng test paper kaya nag umpisa na kaming sumagot.

Natapos ang exam namin ng marami ang nag rereklamo. Kesyo daw sumakit ang ulo nila, sumabog daw utak nila. Tanong may utak ba?

"Asha nahirapan ka ba sa exam?" Tanong ni Jhed.

"Hindi." Sagot ko.

"Wow! Iba talaga pag matalino." Iiling iling niyang saad kaya napa ismid ako.

"Ang daya hindi man lang tayo pinakopya." Reklamo ni Cindy.

"Sa tingin n'yo ba makakakopya kayo? E ang layo natin sa isa't isa bukod pa doon yung mata ni Mrs. Villalon luluwa na sa kakabantay." Saad ni Phoebe kaya natawa ako.

"Guys may pasok pa ba bukas?" Tanong ni Liam.

"Ahm? Oo, kasi may aasikasuhin pa tayo. Hanggang friday pa tayo, sa friday kasi malalaman ang results ng pasok sa top 10." Sagot ni Luhan.

"Bakit meron pa nun? E midterm pa lang naman, hindi pa naman yung final exam natin. Bakit may top 10 pa?" Wala sa sariling tanong ni Shawn.

"Kasi sa final exam top 3 na lang kasama na ang magna cum laude, summa cum laude at cum laude. Duh! Graduating na tayo 'no." Saad ni Janna.

"Ah." Maiksing saad ni Shawn.

"Tara na gutom na ako." Saad ni Kyle.

"Lagi ka namang gutom." Asar ni Janna.

"Ano? Lunch na! Natural lang kumain ka tsaka nakakagutom kaya ang exam." Sagot ni Kyle. May something talaga sa kanila.

"Kahit naman hindi Lunch gutom ka." Pananaray ni Janna.

"Manahimik na nga kayo baka kayo kainin ko d'yan e." Saad ko at nauna ng mag lakad.

"Astrielle!" Sigaw ni Klay.

Nakarating ako sa cafeteria na nakasunod sa akin si Klay, iyong iba ewan ko ang babagal mag si lakad.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon