Chapter 31

4.7K 86 0
                                    

Nakarating na ako sa rest house.

Napatingin ako ng may tumawag.

"Oh?" Bungad ko.

[Anak?] Nangunot ang noo ko.

"Mom?" Naguguluhang tanong ko.

[Yes it's me. Balita ko nasa Baguio ka pa daw? Why?]

"May inaasikaso lang po." Huminga naman s'ya ng malalim.

[Okay, bumalik ka na sa LHU baka kailanganin ka na nila, okay? Take care. I love you sweetie.]

"Yes Mom. I love you, too Mom." Pag baba ko ng tawag agad naman bumukas ang pinto.

"Gosh Asha. Hindi mo man lang kami hinintay." Nag kibit balikat lang ako sa sinabi ni Cindy at pumunta na sa kwarto para linisin ang katawan ko.

Pag katapos ko gamutin ang sugat ko ay bumaba na ako.

"Babalik na tayo sa LHU bukas." Maikli kong turan.

"Ah sige." Sagot naman ni Vanessa.
Pumunta ako sa kitchen para uminom ng tubig.

Nakabalik na ang ibang estudyante sa LHU tanging kami na lang ang natira dito dahil nga may inasikaso kami kaya nakiusap muna kami na hindi muna kami sasabay sa kanila, na agad naman nilang pinag bigyan.

Maaga akong nagising dahil ngayon na ang balik namin sa LHU. Agad akong nag ayos.

Matapos kong mag ayos ay bumaba na ako at bumungad sa harap ko si Terrence.

"Good morning." Naka ngiti niyang turan. Kinunutan ko naman s'ya ng noo. Hindi ko na s'ya pinansin at nag lakad na papunta sa dining.

"Hi Asha." Bati sa akin ni Vanessa. Tinanguan ko lang s'ya bilang sagot.

"Kumain na tayo at aalis na tayo." Sinunod naman namin ang sinabi ni Shawn.

Nang matapos ay lumabas na kami papunta sa van at ako papunta sa kotse ko.

Pero bago iyon, napatingin kami kay Xyril ng tumunog ang cellphone niya. 

After ng ilang minuto bumalik na si Xyril.

"Sino 'yon?" Tanong ni Janna.

"Si Lolo gusto niya na pumunta tayo sa mansion bago bumalik sa LHU." Nangunot ang kilay ko sa narinig.

"Why?" Janna asked.

"I don't know pero ang sabi niya isama na daw namin sila Kyle." Tumango na lang ako tsaka sumakay na sa kotse ko.

Xyril

Pag katapos ng ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa mansyon ni Lolo.

"Woah! Dito kayo nakatira?" Manghang tanong ni Vanessa kay Janna.

"Yes, bata palang kami ni Janna dito na kami nakatira." Napatango naman s'ya sa sinabi ko.

"Ang ganda." Usal niya. Nginitian ko na lang siya.

"Mga apo." Napatingin kami ng may nag salita.

"Lolo?" Masayang wika ni Janna. Actually may sari sarili kaming ugaling tatlo. Si Janna masayahin tapos sobrang ingay, mahilig mag shopping. Ako naman tahimik lang at mas gusto kong mag basa ng libro, hindi rin ako masyadong nakikipag usap pero mabait ako. Si Astri yelo, lahat takot sa kanya paano kasi kung umasta akala mo mangangain e. Palaging seryoso o kaya walang emosyon. Ayaw pa makipag kaibigan, gusto laging mag isa. Gusto rin laging matutulog kung hindi man makikipag sapakan. Hay naku.

"Kamusta Janna? Namiss ka ni Lolo." Tanong ni Lolo sa kanya.

"I'm fine lo. Still beautiful." Nakangiti niyang saad.

"Tsk!" Saad ni Astri at lumapit kay lolo tsaka para mag mano. Ganoon rin ang ginawa ko tsaka ng iba pa naming kasama

"Tara na sa loob baka naiinip na mga kaibigan niyo." Pag yaya ni Lolo. Agad naman kaming pumasok sa loob at bumungad sa amin ang mga frame namin. Yung family frame namin na buong Mendez kasama. Tapos yung mga picture nila Dad at tito ang mga nakalagay. May frame pa nga ng bawat isa sa kanila e na kasama ang bawat pamilya nila.

Lima ang anak ni Lolo. Si Vicente Mendez which is my dad ang panganay sa limang mag kakapatid. Si Wilson Mendez, si Alfonso Mendez which is ang dad ni Janna, si Lucas Mendez which is ang dad ni Astri at ang bunso ay si Philip Mendez. May frame pa nga na kaming mag pipinsan lang ang mag kasama at may frame din naming tatlo ni Janna at Astri.

Si Janna noong nag champion sila sa Volleyball may hawak pa siyang bola sa picture at nakangiti. Ako naman e nung nanalo ako ng gold sa taekwondo. Tapos si Astri na naka suot ng pang racing tapos may kotse sa likod niya at may hawak na helmet may suot din siyang gold medal. Actually Lahat kami marunong sa mga martial arts kaso mas magaling si Astri. Magaling s'ya mag Taekwondo, Judo, Jujitsu, Wrestling at marunong din s'ya gumamit ng Arnis. Active s'ya sa kahit anong sports.

"Is this Astri?" Tanong ni Luhan ng makita ang frame ni Astri. Kahit kailan talaga si Astri laging seryoso. Sa frame hindi man lang ngumiti.

"Yeah! She's into racing." Maikli kong turan.

"Lahat pala kayo sporty 'no?" Tanong ni Vanessa.

"Yes, sa lahat ng Mendez si Astri ang pinaka magaling dahil s'ya talaga ang pinaka interesado sa mga sports." Napa 'ah' naman sila sa sinabi ko.

"Ano anong mga sports ang alam niya?" Tanong ni Ivan.

"Si Astri? Marami e. Volleyball, Basketball, Baseball, Archery at Racing pero Racing at Archery ang mas pinag tuunan niya ng pansin.
Kahit Taekwondo, Jujitsu, Judo at Arnis alam niya pero sadyang wala s'ya sa mga ganoon. Sa pakikipag basag ulo lang talaga niya yun nagagamit." Mahabang paliwanag ni Janna.

"Wow, grabe ang active niya talaga pag dating sa sports." Manghang wika ni Ivan.

"Active din sa pakikipag basag ulo." Itong Janna na ito. Porket hinila ni Lolo si Astri kung ano ano na sinasabi.

"Ang ingay mo naman ate Janna. Pag ikaw hinamon ni ate ng wrestling baka talo ka." Napatingin kami sa nag salita.

"Oh Axel bakit nandito ka?" Tumingin s'ya sa akin.

"Ikaw pala kuya Xyril. Umuwi kami kasi kailangan e." Napatango na lang ako sa sinabi niya.

"Nga pala Axel ito si Terrence, Liam, Ivan, Luhan, Vanessa at Kyle mga bago naming kaibigan. Guys si Axel younger brother ni Astri." Pag papakilala ni Jhed sa mga kasama namin. Tumango naman si Axel.

Nag usap lang kami ng nag usap hanggang sa makarating kami sa dining. Nakita namin si Astri na naka upo na doon na naka pang bahay na.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon