Chapter 49

3.7K 64 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko nag kukulong. Sembreak na namin at isang linggo na rin akong nakatambay sa kwarto ko at ang mga kaibigan ko? Aba! Ewan ko bahala sila sa mga buhay nila.

Napalingon ako ng bumukas ang pinto

"Astri, Anak? Bumaba ka na d'yan at may bisita ka. Nandito ang mga kaibigan mo tsaka si Terrence." Saad ni mom habang nakangiti sa akin.

"Ayoko lumabas mom." Saad ko at nag talukbong ng kumot.

"Sweetie? Masama ba ang pakiramdam mo?" She asked.

"Yes mom." I answered.

"Oh sige, sila na lang ang papapuntahin ko dito sa kwarto mo." Saad ni mommy kaya agad akong napabalikwas ng tayo.

"Oh? I thought you're not feeling well?" Tanong nila sa akin.

"Ako na lang ang baba mom." Saad ko kinapa niya naman ang noo ko.

"Wala ka namang lagnat." Saad niya, hindi ko na siya pinansin at bumaba na lang.

"Oh? Bakit kayo nandito?" I asked.

"Buti namam at lumabas ka na?! Isang linggo na mula ng mag sembreak at isang linggo ka na ring nag kukulong sa kwarto mo! Kung mag kaaway kayo ni Klay ayusin niyo na. Halos umiyak na 'yan dahil sa kalokohan mo." Sermon sa akin ni Phoebe.

"I didn't do anything." Saad ko pero hindi sila nakinig.

"Doon muna kami sa dining area ha. Usap kayo d'yan." Saad naman ni Jhed at hinila na si Liam.

Napangiwi na lang ako at umupo sa tabi ni Klay.

"Damn! I miss you so much Astrielle." Bakas sa boses niya ang lungkot.

"Nag tatampo ka pa rin ba sa akin?" He asked.

"Look, I'm sorry. Okay? I'm sorry." Saad niya. Niyakap ko naman siya.

"I miss you. I'm sorry for being childish." I said. He hugged me and kiss me passionately.

"I love you." Saad niya ng mag hiwalay ang labi namin.

"I love you, too." Nakangiting saad ko. Damn! I miss this guy so much!

Tumayo ako, nangunot naman ang noo niya.

"Where are you going?"

"May kukunin lang ako sa labas." Saad ko at lumabas na.

May naalala ako na may binili nga pala ako para sa kanya, si Axel ang pinabili ko dahil nga tinatamad ako noong lumabas. Nasa backseat 'yon ng sasakyan ko dahil kotse ko ang ginamit ni Axel, kaya naman naiwan iyon sa loob.

Nang makarating ako sa harap ng kotse ko agad ko iyong binuksan, bago ko makuha ang dapat kong kunin biglang may nag takip ng ilong ko.

"Hmmp!" Pilit ko siyang sinisiko kaso hindi ko magawa dahil unti unti na aking nanghihina. Then everything went black.

Luhan

Bumalik na kami sa sala para sana kamustahin ang dalawa ang kaso si Rence lang ang nakita namin.

"Na saan si Asha?" Kunot noong tanong ko.

"May kukunin lang daw sa labas." Saad ni Rence.

"Ah okay." Sabi ko.

"MOM!" Sigaw ng kapatid ni Asha base sa boses parang si Axel iyon, ang bunso nilang kapatid.

"MOM! S-si A-ate Astri." Saad niya at dali daling tumakbo papunta sa dining area.

Nangunot ang noo namin kaya sumunod kami kay Axel.

"What is it Axel? What about your ate?" Tanong ni Tita Akira.

"I-I think s-she's been kidnapped." Nagulat kami sa sinabi niya.

"A-ano?!" Gulat na tanong ni Tita.
Tapos bigla siyang nahimatay.

"Mom!" Sigaw ng kakambal ni Astri.

"Mom! Wake up!" Saad naman ng kuya nila.

"Axel paanong na kidnap ang Ate mo?" Tito Lucas asked.

"Papasok na s-sana a-ako ng bahay ng m-makita ko si Ate na b-binubuhat ng isang l-lalaki pasakay sa i-isang van. Lalapitan ko sana kaso mabilis itong umalis. I-ito na-nakita ko sa sahig." Paliwanag ni Axel at may inilabas na silver bracelet na may hugis heart sa gitna.

"Teka? Rence hindi ba ito ang bracelet na binigay mo kay Astri?" Takang tanong ni Xyril.

"O-oo." Saad niya at kinuha ang bracelet kay Xyril.

"Tito? Aalis po muna kami. Hahanapin namin si Asha." Saad ni Kyle at niyaya na kami kaya sumunod kami sa kanila.

"Sasama kami." Napatingin kami sa nag salita. Sila Kuya Ace, Axel at Astrid pala ang nag salita, tumango na lang ako bilang pag payag.

Dali daling pinaharurot ni Kuya Ace ang van. Papunta kami ngayon sa hideout ng MZ empire, doon namin pag pa-planuhan kung paano namin mahahanap at makikilala kung sino ang dumukot kay Asha.

Kaibigan ko rin si Asha kaya nag aalala rin ako para sa kanya, isa pa, girlfriend siya ng best friend ko. Simula ng maging sila ang laki ng pinag bago ni Rence at ayokong maging miserable na naman siya kapag nawala si Asha.

Rence became happy, every time na titingin siya kay Asha nakikita namin sa mga mata niya kung gaano siya kasaya at alam rin naming ayaw niyang mawala si Asha. Ramdam namin ang sobrang pag mamahal niya kay Asha.

Flashback

Nandito kami sa rooftop nag aasaran ng biglang pumasok si Rence na malapad ang ngiti.

"Oh Rence? Lapad ng ngiti ah? Ano meron?"

"Wala."

"Sus 'yang ngiting 'yan wala? Hindi ako naniniwala." Saad.

"Oo nga, imposibleng wala reason. Sabihin mo na sa amin kung ano yang pag ngiti ngiti mo." Saad ni Liam

"In love ka Rence 'no? Pang huhula ni Ivan, gulat namang napatingin sa amin si Rence.

"Gago in love ka nga?" Saad ko.

"Sino yang lucky girl Rence?" Tanong ko pa.

"I don't know. I just you know? Every time na nakikita ko siya parang hindi ko na matanggal yung tingin ko sa kanya. Gusto ko siya laging kausap, she always made my days special. Ginaganahan ako mag aral dahil sa kanya." In love nga ang gago. Ngayon lang naman naging ganyan si Rence.

"So sino nga?"

"I hate her so much. Naiinis ako sa kayabangan niya noon pero hindi ko akalain na aabot ako sa ganito."

"So you are in love with Ashanti Astrielle?" Tanong ni Luhan.

"I guess I'm really in love with her. Ayokong mawala siya sa paningin ko. My days are better because of her, I always think of her." Saad niya habang nakangiti.

"Gago! In love na in love ka doon ah."

"Liligawan mo ba?" Tanong ni Liam.

"Yes." Ngayon lang siya ka pursigedo ng dahil sa isang babae.

End of flashback

Mula noon nakita namin yung isang side ni Rence, ayon ay ang pagiging mapag mahal niya. He never love someone like how he love Asha, masyado siyang whipped kay Asha.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon