Chapter 34

4.6K 76 0
                                    

Nandito ako ngayon sa classroom. Anong oras na kaming dumating galing sa mansyon kaya 4th subject na kami naka pasok. Wala rin namang mga teacher kasi nga may meeting.

Nakatingin ako sa labas habang iniisip ang napag usapan namin ni Phoebe, Vanessa at lalo na ni Klay. Damn! Ang daming gumugulo sa isip ko kainis.

Phoebe

Lahat kami nandito sa classroom. Sila Rence at ang mga kaibigan niya nag kukwentuhan kasama si Shawn at Kyle tapos si Cindy at Jhed nag aaway na naman, lagi naman e. Samantalang si Asha nakatingin sa labas ng bintana na tulala parang may iniisip.

"Manahimik ka na nga Cindy ang ingay mo e." Galit na usal ni Jhed.

"E totoo naman kasi mamamatay si Jack!" Tsk! Pinag tatalunan nila kung mamamatay ba si Jack o hindi. Si Jack ng Titanic.

"Hindi nga. Bida 'yon kaya hindi siya mamamatay!" Hay naku. Ganyan sila palaging manonood tapos mag aaway kung ano mangyayari sa bida.

"Tanga hindi lahat ng bida nabubuhay tsaka true story' yan kaya wag kang mag expect na may happy ending si Rose. Kahit itanong mo pa kay Asha mamamatay si Jack!" Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

Dinamay pa si Asha, e hindi naman sila pinapansin, parang wala nga yung diwa niya dito e.

"Sige ha." Pang hahamon ni Jhed.

"Asha namatay si Jack 'di ba?" Tanong ni Cindy kay Asha. Hindi naman sila pinansin nito.

"Asha 'di ba hindi namatay si Jack." Nag katinginan sila ng hindi sumagot si Asha sa pangalawang pag kakataon.

"Asha." Sabay nilang sabi with matching kalabit pa kay Asha.

"Asha." Nag tinginan ulit sila sabay ngumiti sa isa't isa.

"ASHA!!!" Sigaw nilang dalawa sa tainga ni Asha tsaka nila ito sabay na sinapak. Kaya ayon si Asha nahulog sa upuan. Kaya lahat ng kaklase namin napatingin sa kanilang tatlo kahit sila Kyle.

"Hala yari ka Jhed." Paninisi ni Cindy kay Jhed, masama kasi ang tingin sa kanila ni Asha kaya nag sisisihan na.

"Anong ako? Ikaw kaya nakaisip nun." Paninisi pabalik ni Jhed.

"Tumingin lang ako sayo tapos ngumiti ka." Usal naman niya.

"Ano? Ikaw kaya 'yong--" Hindi natapos ang sasabihin ni Jhed ng tumayo si Asha at pinag pag ang sarili bago humawak sa sintido tsaka---

"ANO BANG PROBLEMA N'YO HA?!" Nagulat kaming lahat ng biglang sumigaw si Asha.

"Hala totoo ba ito? Si Ashanti sumigaw?" Gulat na sabi ng kaklase namin.

"Oo. Grabe first time ko siyang nakitang sumigaw." Gatong ng isa ko pang kaklase.

"Mas nakakatakot pala s'ya pag sumigaw, grabe." Hindi makapaniwalang sabi niya pa.

Tama sila first time ni Asha sumigaw. Palagi kasing malamig at kalmado 'yan kapag nag sasalita. Kahit galit o naiinis kalmado pa rin pero ngayon kakaiba kasi sumigaw s'ya sa unang pag kakataon. Ano bang iniisip niya at natulala s'ya.

"Hala, Asha sorry." Pag hingi ng tawad ni Jhed.

"Oo, sorry kasi naman e. Tinatanong ka namin hindi ka nasagot tulala ka d'yan." Paliwanag ni Cindy.

"Tsk!" Tapos humakbang kaso napa hawak s'ya sa upuan sa gilid niya.

"Aww!" Daing niya. Mukhang na injured pa ata si Asha sa pag kahulog niya sa upuan.

"Asha!" Sigaw ng dalawa.

"Wag kayong susunod." Madiin at malamig na saad ni Asha tsaka paika ikang umalis. Iiling iling akong lumabas. Pupunta na lang nga ako sa garden.

Habang nag lalakad ako nagulat ako ng may tumabi sa akin sa pag lalakad.

"Oh Luhan, anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Sinundan ko kasi ang girlfriend ko." Nang sabihin niya iyon ay parang may kung anong bagay na tumusok sa puso ko.

"Girlfriend? May girlfriend ka na pala hindi mo naman sinasabi sa amin. Ang daya mo ha." Biro ko sa kanya. Napa kunot ang noo ko ng makitang nakatingin s'ya sa akin.

"Bakit?" Tanong kong muli.

"Alam mo ako lang ang nakaka alam na girlfriend ko s'ya." Mas lalong nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano? Girlfriend mo s'ya pero hindi niya alam na boyfriend ka niya? Ang gulo ha." Meron ba nun.

"Oo ang pangalan niya ay Phoebe Denise Vargas." Napahinto ako sa pag lalakad sa sinabi niya.

"A-ano?" Utal kong tanong.

"Oo. Tama ang narinig mo Phoebe." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. I didn't know that he have this side. Hindi ko alam na ako pala 'yong sinasabi niyang girlfriend niya.

"Gusto mo rin ba ako?" Alanganing tanong niya. Umiling ako.

"Ang sakit. Ang daya mo mahal kita pero ako hindi mo gusto hindi ka marunong mag bayad ng utang na loob." Napatawa ako sa sinabi niya.

"Bakit ka natawa? Kahit sana gusto lang okay na e. Kahit hindi mo ko mahal okay lang basta gusto mo ko kaso tsk! Ang daya mo." Malungkot niyang sabi. Napangiti ako sa kacutan niya.

"I don't like you Luhan because I love you." Napatingin s'ya sa akin ng sabihin ko iyon tsaka napangiti.

"Really?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes." Lumapit s'ya sa akin at bigla akong niyakap. Niyakap ko rin siya pabalik.

Hindi ko man lang alam na ang taong mahal ko ay mahal rin ako. Sobrang saya ko dahil dito, akala ko kanina ay may girlfriend na siya pero hindi ko akalain na ako ang tinutukoy niya.

Siguro kung hindi ako ang taong mahal ni Luhan masasaktan ako at mamahalin na lang siya sa malayo pero thankful ako dahil ako pala iyon. Hindi ko ugaling mag saya pero parang gusto ko mag saya ngayon, sa sobrang tuwa ko hindi ko na alam ang gagawin ko.

Akala ko wala na akong pag kakataon na masabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko pero heto ako nasabi ko na sa kanya na mahal ko siya.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon