Maaga akong nagising kaya maaga rin akong pumasok.
"Tsk! Ang boring naman." Bulong ko sa sarili ko dahil kunti palang kaming nandito.
Dahil sa bored na ako nag salpak na lang ako ng earphone at dumukdok sa desk tsaka umidlip.
"Astrielle." Nagising ako sa malambing na boses na naririnig ko.
"Astrielle. Wake up." Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Klay sa tabi ko.
"Bakit nandiyan ka nakaupo?" Kunot noong tanong ko.
"Nakipag palit ako ng upuan kay Vanessa." Nakangiti niyang saad.
"Okay class dalawang linggo na lang at midterm exam niyo na. Kaya sa loob ng dalawang linggong iyon, mag aral na kayo okay? After midterm exam sembreak niyo na. Kaya mag focus kayo sa midterm niyo." Saad ni Mrs. Villalon.
"Hay! Ano ba yan." Reklamo ng ibang estudyante.
"Okay class dismiss." Saad ni Mrs. Villalon at lumabas na.
Tumayo na ang mga kaklase namin at lumabas na kaya lumabas na rin kami.
Nandito kami sa cafeteria.
"Ako na oorder." Saad ni Xyril kaya tumango ako. Sinamahan naman siya ni Shawn at Kyle.
Naka bili naman agad sila ng pagkain namin.
Habang kumakain may napansin akong lalaking nakatayo sa hindi kalayuan at nakatingin sa amin. Naka all black siya. Hindi ko rin masyadong makita ang mukha niya dahil naka hood siya.
"Astri anong tinitignan mo sa labas?" Napatingin ako kay Xyril ng mag salita siya.
"Ahm, nothing." Maikling saad ko at kumain na pero sila nakatingin lang sa akin.
"What?!" I asked full of irritation.
"Wala." Sabay sabay na saad nila.
After ng ilang minuto natapos na akong kumain kaya naisipan ko ng tumayo.
"Where are you going?" Tanong ni Kyle.
"Library. Mag rereview." Saad ko.
"Sasama ako." Napatingin ako kay Klay ng mag salita siya.
"What? Mag rereview rin ako, malapit na ang midterm exam remember?" Nakangiti niyang saad. Umiling na lang ako tsaka nag simulang mag lakad, nakasunod naman siya sa akin.
Nang makarating kami sa library agad akong nag hanap ng libro.
"Seriously? Babasahin mo yan lahat?" Hindi makapaniwalang tanong niya, habang nakatingin sa anim na librong hawak ko.
"Hindi ba obvious?" Taas kilay na tanong ko.
"Tsk! Amin na nga ako na hahawak niyan." Saad niya at kinuha sa akin ang mga libro.
Nag hanap naman ako ng upuan at naka hanap nga kami ng upuan sa isang gilid. Medyo mainit pero kaya naman, no choice e. Puno ang library ng mga estudyante dahil nag rereview rin siguro kasi nga malapit na ang midterm exam at dalawang linggo iyon mula ngayon.
Terrence
Tahimik akong nag babasa ng mapansin kong tulog na ang katabi ko. Napangiti ako ng makita ko siyang mahimbing na natutulog.
Agad akong kumuha ng libro at binuksan iyon tsaka itinayo sa harap niya para matakpan siya mula sa sikat ng araw.
Hindi ko na lang siya gigisingin dahil mukhang antok na antok siya.
Sumulat ako sa isang maliit na papel at idinikit iyon sa noo niya bago ako umalis ng library."Where is she?" Bungad sa akin ni Shawn ng makapasok ako sa classroom.
"Nasa library." Maikling turan ko.
"E bakit hindi mo pa sinama papasok?" Tanong naman ni Cindy.
"She's sleeping." Napangiwi naman sila sa sagot ko.
"Hindi mo man lang ginising at patulugin sa dorm namin. Mangangawit si Asha doon." Saad naman ni Vanessa.
"Mukha siyang pagod na pagod kaya huwag na natin istorbuhin. Pupuntahan ko siya mamaya." Saad ko.
Dumating na ang teacher namin kaya tahimik na kaming nakinig sa kanya.
Ashanti
Nagising ako dahil sa sakit ng batok ko.
"Argh! Ang sakit ng batok ko!" Inis na sabi ko.
Napatingin ako sa wristwatch ko. 7:30 na pala. Tapos na ang klase, nakakainis hindi man lang ako nakapasok sa 4th subject namin. Tumayo na ako at binalik ang mga libro sa shelf.
Nangunot ang noo ko ng may maramdaman akong kung ano sa noo ko, agad ko iyong kinuha.
'Pumunta ka sa rooftop after class.
-Klay❤'
Nakita kong nakasulat sa papel. Ano ba yan, may pa puso pa.
After class? Hala! Kanina pa yung after class ah. Edi kanina pa siya nag hihintay doon? Gosh! Hindi na nga lang ako pupunta baka wala na siya doon, ay hindi pupunta na lang ako baka nag hihintay pa siya doon. Aish! Bahala na nga.
Lumabas na ako ng library at nag umpisang mag lakad papuntang rooftop.
"The f*ck!" Saad ko ng may biglang nag takip sa mga mata ko.
"Damn you! Asshole. I will f*cking kill you." Usal ko at pilit na kinakapa yung mukha nung taong nag takip ng mata ko.
Darn! Pag talaga nalaman ko kung sino 'to, papatayin ko 'to.
"Let go of me bastard!" Usal ko pero hindi ko siya mahawakan. Yung braso niya lang ang nakapa ko kaso hindi ko alam kung kanino braso iyon.
"Aww!" Angal ko ng ma bangga ako sa isang matigas na bagay. Sh*t yung paa ko ang sakit.
"Darn! Yung paa ko!" Sigaw ko sa kanya.
Mag sasalita pa sana ako ng may tumakip ng bibig ko.
"Hmmmp!" Darn! Ano bang klaseng. Argh! Papatayin ko talaga ang mga 'to.
"Tanggalan mo ng takip sa bibig! Hayaan mo siyang mag salita!" Salita ng lalaking kung sinong nakahawak sa akin.
"Sorry." Paumanhin ng isa. Takte! Dalawa pala sila ha.
Humanda talaga kayo sakin. Ang sakit na noo ko sa ilang beses na pag kakabangga.
Ewan ko kung masama sila pero lung masama sila dapat kanina pa nila ako pinatay pero bakit ganito lang ang ginagawa nila? Nakakapag taka naman.
Nasaan na ba kasi si Klay? Pag gising ko wala na siya sa library, hindi man lang ako ginising at sinabihan na papasok na siya, edi sana nakapasok din ako 'di ba? Nakakainis naman 'to si Klay.
Maski sila Xyril hindi man lang ako hinanap? Seriously?! Busy makipag landian. Tsk!
Humanda sila sakin mamaya, nakakainis talaga sila. Dati hindi ako nakakalimutan, lagi akong hinahanap? Tapos ngayon, hay ewan ko sa kanila.
"HMMMP!" Saad ko at nag pupumiglas
"S-sorry talaga Ashanti." Saad nila.
Nakakailang bangga na ako, ang sakit sakit na ng ulo ko. Humanda talaga 'tong dalawang 'to sa akin kung sino man sila.