Ace
Matapos kong mag paliwanag tumunog ang phone ko kaya napatingin ako doon. Kumunot ang noo ko ng unknown number ang tumawag.
"Sino yan Kuya Ace?" Tanong sa akin ni Jhed.
"I don't know, it's unknown number." I said.
"Answer it baka yan ang kumuha kay Asha." Saad ni Phoebe. I nodded then answered the call.
"Hello?" I asked.
[Hi, my best friend. Long time no call.]
Saad sa kabilang linya tsaka siya tumawa."Anong kailangan mo Crimson." Saad ko sa malamig na tinig.
'Loud speaker mo.' Bulong ni Xyril kaya ginawa ko ang sinabi niya.
[Well, I just want to say na hawak ko ang kapatid mo.] Saad niya.
"Wag mong sasaktan ang kapatid ko." Madiing saad ko.
[Ow, I'm sorry pero huli na kanina pa siya sinasaktan ng mga tauhan ko.... Aaaaaah! Sh*t! Argh! P*ta! Tandaan mo 'to Crimson! Papatayin kitaaaa! Aaaaaah!]
"Sh*t" Bulong ni Terrence na nasa tabi ko. Naikuyom ko lang ang kamao ko.
[Kung gusto mo pang mabuhay ang kapatid mo, pumunta ka dito... Ng ikaw lang.]
[Wag kang pupunta Kuya Ace!] Malamig na turan ni Asha.
[Edi papatayin na lang kita.... Matagal mamatay ang masamang damo. Kung mamamatay man ako isasama kita sa impyerno!]
"I'll come." Saad ko.
[Okay. I'll text you the address. Aaaaah! Tangina! Kanina niyo pa ako nilalatigo! Pag ako nakawala dito pati kayo isasama ko sa impyerno!]
Narinig ko ang sinabi ni Astri kahit ako natatakot dahil sa sobrang lamig mg boses niya bakas rin ang galit doon. Pinatay niya na ang tawag.
Nag hintay muna kami ng ilang minuto bago tumunog ang phone ko.
'Sa Greenhills Village.' Basa ko sa text.
"Ano sabi?" Tanong nila.
"Greenhills Village." I said tsaka tumayo.
"T-teka? Lugar ng sindikato yun ah?" Saad ni Cindy.
"Yes, that's it sindikato ang tatay ni Crimson kaya malamang s'ya rin." Saad ko.
Terrence
Nung malaman namin ang lugar ni Astrielle agad kaming pumunta doon.
Pag punta namin doon agad naming pinasok ang isang malaking mansion.
"Sh*t! Naloko tayo! Wala sila dito." Sigaw ni Luhan.
Hinalughog namin ang buong mansion pero damn it! Wala talaga. Naloko kami ng Crimson na 'yon.
"Masyado naman kayong nag mamadaling makita siya." Napatingin kami sa nag salita.
"H*YOP KA CRIMSON! SAAN MO DINALA ANG KAPATID KO!" Galit na sigaw ni Kuya Ace.
"Hmm? Let's say sa impyerno?" Saad niya habang nakahawak sa baba na akala mo'y nag iisip.
"Anong ginawa mo sa ate ko?" Kalmading saad ni Axel pero bakas rin ang galit.
"Hmm? Wala naman. Pinabugbog ko sa mga tauhan ko? Ah hindi pinagalaw ko sa isa sa mga tauhan ko." Sa sobrang inis ko sinugod ko siya.
"H*yop ka! Wag mong galawin ang girlfriend ko!" Saad ko habang sinasapak siya.
Nang makuntento na ako umalis ako sa harap niya.
"Dapat nga ako yun e. Ang kaso busy pa akong paglaruan kayo kaya mamaya ko na siya gagalawin kapag tapos na---" Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng barilin siya ni Astrid sa paa.
"Where the hell is she?!" Saad ni Astrid habang nakatutok ang baril sa ulo ng Crimson na ito. Susugod sana sa kanya ang mga tauhan ni Crimson pero sinenyasan sila ni Crimson.
"Na saan sabi siya e!" Saad niya at idiniin ang baril sa ulo nito.
"Wala sa akin ang hinahanap niyo." Saad niya habang nakangisi.
"One lie. One bullet." Kalmadong saad ni Astrid.
"Kahit gaano pa karaming bala ang ilagay niyo sa katawan ko hindi ko pa rin sasabihin sa inyo kung na saan siya dahil hindi ko na alam!" Nangunot ang noo ko sa narinig.
"What do you mean?" I calmly asked but deep inside I wanted to kill this bastard.
"May isang babae ang kumuha sa kanya sa akin." Saad niya.
"Mukhang hindi lang pala ako ang gustong sumira sa pamilya mo Ace Mendez ah." Nakangisi niyang saad habang nakatingin kay Ace.
"Tara na wala tayong mapipiga d'yan. Mas maganda kong tayo na lang mismo ang mag hanap." Saad ni Axel at umalis na.
Damn Astrielle! Where the heck are you?! Masyado na akong nag aalala, gustong gusto ko na siyang makita pero hindi ko alam kung na saan siya. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya.
"Wag kang mag alala Rence mahahanap din natin ang kakambal ko." Saad ni Astrid at tinapik ang balikat ko.
"Malakas siya, hindi siya mamamatay." Saad din ni Janna.
Alam kong malakas siya at kaya niya ang sarili niya pero knowing na pinapahirapan siya ng taong may hawak sa kanya. Ayokong may mangyaring masama sa kanya, makita ko lang siya na nahihirapan hindi ko na kaya.
Gustong gusto ko ng umiyak pero hindi ito ang tamang panahon para maging mahina ako, kailangan kong maging malakas para kay Astrielle.
"You can cry if you want too Rence." Nakangiting saad ni Vanessa.
"This isn't the right time para maging mahina ako, I need to be strong para kay Astrielle." Seryosong saad ko.
Kung nasaan man si Astrielle I hope she's fine. Just wait for us Astrielle, we'll rescue you. Magiging okay din ang lahat.
Kaya mo 'yan, alam kong kaya mo 'yan. Please just hold on.
"Just be strong Rence, makikita din natin si Asha." Nakangiting saad ni Shawn.
Maswerte ako na nand'yan sila para sa akin, kahit papaano ay nababawasan ang pag aalala ko.
Damn! Miss ko na siya sobra. Hindi pa sapat sa akin na saglit ko lang siyang nahawakan at nakita kanina, gusto ko siyang makasama ng matagal.
Dapat pala pinatay ko na si Crimson pero wala rin mangyayari dahil hindi siya ang may hawak kay Astrielle, masasayang lang rin ang oras namin sa kanya. Mas importanteng mahanap agad namin si Astrielle.
"Tangina malaman ko lang kung sino may hawak sa kakambal ko, papatayin ko talaga siya." Galit na saad ni Astrid.
When it comes to her twin sister nagiging demonyo siya, bakit hindi? Kapatid niya si Astrielle, masakit isipin na pinapahirapan ng kung sino yung taong importante sayo. Alam kong ganoon din ang nararamdaman nila pero hindi lang nila pinapahalata.