Chapter 7

7.3K 131 0
                                    

I'm in the dorm now, resting. Our class is over, kaya may karapatan na akong mag pahinga. I was thinking when the door suddenly opened.

"Oh? Asha nandito ka na pala kanina pa kita hinahanap, saan ka ba galing?" Sabay upo niya sa tabi ko.

"Rooftop." Tsaka ako lumingon sa kanya, bakas naman sa mukha niya ang gulat. Problema nito.

"R-rooftop? G-galing ka sa rooftop? Ano okay ka lang ba? Wala ka bang sugat? Ano ginawa nila sayo?" I frowned at her series of questions.

"Wag kang OA." Sagot ko sa kanya.

"E kasi naman galing kang rooftop. Bawal ang ibang estudyante doon, para lang sa Dark Souls ang rooftop na 'yon at kapag may pumasok doon na hindi Dark Souls member bubugbugin nila, kaya walang nag tatangkang pumasok doon except sayo."

"Dark Souls?" I asked.

"Yep!" So, gangster pala ang lalaking iyon huh. Napangisi ako, bago palang ako pero may nalaman na agad ako. Now I'm curious.

"Sino-sino sila?" I asked.

Kinuha niya naman ang cellphone niya at may sinearch.

Pag katapos niya mag search ay ibinigay niya sa akin ang phone niya.

"That is Ivan Calix Madrigal ang dakilang playboy sa grupo. Ang gwapo nya 'no? S'ya ay anak ng isang kilalang business man na nag mamay-ari ng iilang restaurant sa buong mundo." Well yeah! Gwapo nga s'ya, maputi, matangos ang ilong, maganda ang mga mata at may mapupulang labi pero playboy. Iniscroll niya naman pataas at may nakita pa akong isang lalaking gwapo, medyo bilugan ang mata, may manipis na labi at may suot na salamin na bumagay naman sa kanya, mukhang s'ya ang pinaka matino sa grupo.

"This is Luhan Gabriel De Leon anak ng isang kilalang business man na nag mamay-ari ng iilang modeling agency, gwapo rin s'ya gaya ni Ivan kaso 'yan naman ang pinaka matino. Wala siyang interes sa babae dahil puro libro ang hawak niya ayaw rin noon na iniisturbo siya kapag nag babasa siya, s'ya rin ang laging kaaway ni Ivan pa'no napaka pilosopo kasi ng lalaking 'yon." Ako naman ang nag scroll up at nakita ko ang mukha ni Liam.

"Iyan naman si Liam Wayne Perez ang kanang kamay ni Terrence s'ya rin ang pinaka mabait sa grupo, anak s'ya ng may-ari ng Perez Company and he's also the heir of his parents' property. Matalik na kaibigan ni Terrence dahil simula bata palang sila na ang mag kasama, mag kaibigan din ang parents nilang dalawa, mukha s'yang anghel 'no? Pero pag dating sa mga gang fights nawawala ang pagiging anghel n'ya. " Hindi ko na itatanggi mabait nga siya. Kagaya ng dalawa gwapo rin s'ya pero katamtaman lang ang kulay niya hindi gaano maputi at hindi gaano kaitim kumbaga moreno, sakto lang rin ang laki ng mata niya, may mapupula rin siyang labi, matangkad at may mala anghel na mukha.

"At ang huli ay si Terrence Klay Imperial ang anak ni Mr. And Mrs. Imperial s'ya ang Leader ng Dark Souls. He is the heir of the Imperial Corp. and the next ruler of the Imperial Empire. Magaling s'ya sa pakikipag laban kaya nga siya ang leader ng DS e, bukod doon magaling din s'ya mag basketball kaya siya ang MVP at captain ng grupo, matalino rin siya pero pasaway at tamad kaya ayon. Kaso mo nga mayabang at suplado pero kahit ganoon marami pa ring mga kababaihan ang kinikilig sa kanya dahil nga sa charismang mayroon siya." Well gwapo nga siya, medyo singkit ang mata, gaya ng tatlo ay mapula rin ang labi niya, matangkad at may magandang hubog ng katawan kaso mayabang. Tsk!

"Ayaw na ayaw nila na may pumapasok sa mga teritoryo nila at ayaw din nila ng may kumakalaban sa kanila. Buti ka nga hindi nabigyan ng red card e."

"Red card?" I'm confused.

"Oo, pag may red card ka. Yari ka, ibig sabihin ay paparusahan ka nila hanggang sa mapilitan kang umalis dito dahil sa takot. Marami ng nabigyan ng red card at umalis dahil sa takot. Kaya ikaw mag iingat ka sa kanila baka kung ano gawin nila sayo." I'm not afraid.

"Saka lahat kami dito takot sa kanila." Napatingin ako sa kanya.

"Why?" Bakit naman sila natatakot sa mga 'yon, kaya lang naman ng mga iyon manakit pero hindi naman nila kaya pumatay. Tsk!

"Kasi nga papahirapan ka ng DS, nakakatakot naman kasi talaga sila e." Bumuntong hininga naman siha. Iyon lang. Tsk! Wala nga iyong mga ginagawa nila sa kaya kong gawin e.

"Ang dami mong alam sa kanila 'no?" Nacu-curious ako sa Vanessa na ito kasi ang dami niyang alam.

"Lahat naman kasi maraming alam tungkol sa kanila e." Tumayo naman siya sa pag kakaupo tsaka pumunta sa pinto.

"Tara na kumain na tayo baka maabutan pa tayo ng curfew." Kaya sumunod na lang ako sa kanya.

We're now in the cafeteria eating peacefully, when suddenly four men entered. One of them is Mr. Arrogant.

"Grabe nakakatakot talaga sila." Sabi naman ng kaharap ko, sino pa nga ba edi si Vanessa.

"Kumain ka na nga lang! Ingay mo e."

Napatingin naman kaming lahat ng may nag salita.

"Hoy Xyril ibalik mo cellphone ko!" Si Janna lang pala. Napaka ingay talaga ng babaeng 'yon.

"Alam mo nakakainggit si Janna." I looked at her.

"Kasi maganda s'ya, maputi, matalino, mabait at wala ring nag tatangkang mambully sa kanya dito, kasi nga apo siya ng may-ari ng school na 'to." Sa tono ng pananalita niya mukha s'yang malungkot.

"Mukha lang 'yang mabait pero demonyita iyan." Napatingin s'ya sa akin ng sabihin ko 'yon. Totoo naman kasi pinsan ko 'yan kaya alam ko.

"Demonyita?" Ang hina n'ya pumick up.

"Oo." Tsaka uminom ng juice.

"Paano?" Hindi ko na lang s'ya pinansin at tumayo na. Babalik na lang ako sa dorm.

Habang nag lalakad may naramdaman naman akong nakamasid sa akin, hinayaan ko na lang kasi baka guni-guni ko lang pero hindi e.

"Lumabas ka na d'yan." At tama nga ako, may nag mamasid nga sa akin, kasi may lalaking lumabas sa likod ng halaman. Teka s'ya 'yong lalaking member ng DS ah? Sino nga ba ito?

"Hi? I'm Ivan, Ivan Calix Madrigal." Ah, oo s'ya nga.

"Kailangan mo?" Halatadong playboy e.

"Ang sungit mo naman makikipag kilala lang."

"Wala akong oras para makipag kilala sayo." Tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko.

Tinignan ko naman siya ng masama.

"S-sorry." Binitawan n'ya naman iyon ng nakangiti saka kumamot sa batok.

"Playboy." Usal ko.

"Teka ano? Playboy? Sino? Ako?"

"Oo."

"Ang judgemental mo naman hindi ako pl--."

"I am not. I'm just telling the truth, I say what I think is true and what I observed." I left him dumbfounded.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon