Chapter 9

6.7K 135 0
                                    

Buti na lang dumating kami sa tamang oras kung hindi late kami.

"Alam mo nakaka shock talaga yung ginawa ni Ms. Transferee 'no? Biruin mo sinapak niya si Sofia solid pa kaya ayon tulog." Hindi maka paniwalang wika ni Ivan.

"Kahit naman ako e, malamang kahit si Rence at Liam nabigla rin." Luhan said.

"Paano mo naging kaibigan yun? Buti nakaya mo ugali niya?" Hindi ko mapigilang itanong.

"Hindi siya ganoon dati." Maikling turan niya. Mukhang kilalang kilala ni Liam yun ah?

"E anong nangyari bakit nag kaganoon?" Tanong ni Ivan. Pag dating talaga sa chismis, in na in siya.

"Ewan ko. We're not friends anymore." Bakas sa boses niya ang lungkot.

Napatingin naman kami ng bumukas ang pinto at dumating si Mrs. Villalon.

"Good morning everyone." She greeted, we greeted back ng bumukas ulit ang pinto at iniluwa noon si Vanessa na hinihingal.

"M-ma'am s-sorry I'm late." Nakayukong turan nito.

"It's okay, you may take your sit." What happened? Parang kailan lang galit na galit s'ya sa late, hindi niya pa pinapapasok pag late pero ngayon pinapasok niya si Vanessa?

"What happened to you Ms. Lopez, bakit may mga sugat at pasa yang mukha mo?" She asked while looking at Vanessa's face.

"Ah n-naku w-ala po ito ma'am." Tumango na lang si Mrs. Villalon bilang pag sang ayon.

Nag discuss naman na si Mrs. Villalon ng bigla na namang bumukas ang pinto.

"M-ms. Ashanti." Nakangiti niyang turan. Teka? Ngiti? Bakit nakangiti s'ya? Tsk! Ano kayang nangyari kay Mrs. Villalon.

"Why are you late?"

"May nangyari lang." Yelo nga talaga s'ya, I don't think if acting lang yan o ganyan talaga s'ya kasi kahapon pa s'ya ganyan e.

"Kaya ba may mga pasa at sugat ka?" Kunot noong tanong ni Mrs. Villalon, himala at naging concern s'ya sa students niya.

Tango naman ang isinagot ni Yelo. Parang pangit sa kanya yung Astri parang mas bagay kung Yelo ang pangalan niya.

"Ah. You may take your sit." Nag lakad naman s'ya papunta sa upuan ni Vanessa mag katabi kasi sila. Nakita ko naman na puro kalmot at pasa ang braso niya, yung pisngi niya naman puro pasa rin tapos may sugat pa sa gilid ng labi, may band-aid din iyong itaas ng ilong niya.

"Mukhang napuruhan siya ni Sofia ah" Usal ni Ivan, mukha nga e.

Hindi ko na lang ito pinansin at nakinig na lang.

"Okay class dismiss." She dismissed us and left.

"Ah, Asha thank you nga pala kanina." Rinig kong pag papasasalamat ni Vanessa kay Yelo. Mag kalapit lang kasi ang upuan namin kaya naririnig namin ang usapan nila.

"If you think I helped you, you're wrong." She said directly.

"Ha? E ano tawag doon? Tsaka bakit mo ginawa ang bagay na 'yon?" Naguguluhan niyang tanong.

"I only did that because I don't want students to get in my way."

"Ah o-okay."

"Do you still have my handkerchief?" She asked.

"Ah y-yes, but I haven't washed it yet. There's still a blood." She explained whule aboiding her gazed.

"It's okay, you can kept it." Saad niya at naupo na.

Ashanti

"It's okay, you can kept it." Huling salita ko bago ako naupo ng maayos dahil dumating na ang next prof namin.

"Good morning everyone." Si Mr. Dela Rosa.

"Asha." Napalingon ako kay Vanessa ng kalabitin niya ako.

"Kanina ka pa tinatawag ni Mr. Dela Rosa." Sabay turo kay Mr. Dela Rosa.

"Ms. Ashanti stand up please." Bakas sa boses niya ang inis.

"I've been calling you many times, but you don't seem to hear me?" Hindi ko siya sinagot.

Inirapan niya naman ako. Tsk! Bakla.

"You're not listening. Please answer my question."

"Who is Perseus?" Easy.

"A son of Zeus and Danae, a hero celebrated for many achievements. Riding the winged horse Pegasus, he cut off the head of the Gorgon Medusa and gave it to Athena; he also rescued and married Andromeda, and became king of Tiryns in Greece." He looks satisfied with my answer.

"Then who is Padre Damaso?" Wow, just wow. High school stuffs?

"Padre Damaso. S'ya ay isang kastilang prayle na gumahasa kay Pia Alba at ang tunay na ama ni Maria Clara, isa rin siya sa tutol sa pag mamahalan ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara." Napatingin naman ang mga kaklase ko sa'kin.

I guess, they didn't expected me to know anything about that? Since they know I'm from Korea.

"50,987÷25?" Napatingin sila kay Mr. Dela Rosa.

"2,039.48" Tingin ulit sakin.

"40,826,241÷2?" He asked.

"20,413,120.5" I answered.

Nakita ko naman ang mga kaklase kong naka nganga na palipat lipat sa amin ni Mr. Dela Rosa ang tingin.

"Who's William Tell?" He just smirked. Akala ba niya hindi ko 'yan masasagutan? Well, I know anything. History subject siya pero may filipino at mathematics?

"A heroic archer in Swiss legend who complies with an order to shoot an apple off his son's head." Napanganga naman s'ya. Buti nag babasa ako ng mga libro kahit paminsan minsan.

"What is aminobenzoic acid?" Science? What does he think of me? Google?

"Any of three crystalline derivatives C7H7NO2 of benzoic acid, especially para-aminobenzoic acid."

"What is Salmonella?" Tangina? Ano ba talaga subject niya?

"A kind of bacteria that is sometimes in food and that makes people sick."

"What is Aerobiology?"

"The science dealing with the occurrence, transportation, and effects of airborne materials (as viruses, pollen, or pollutants)." Hindi ka parin ba susuko?!

"Okay class dismiss." Tsaka s'ya umalis. Nag saya naman ang mga kaklase ko at nag pasalamat na dahil daw sa akin kaya umalis si Mr. Dela Rosa.

"Galing mo naman." Masayang turan ni Vanessa.

"Matalino ka pala." Ngingiti ngiti s'ya habang sinasabi 'yon.

"Sino ba nag sabing bobo ako?" Tsaka ko s'ya iniwan.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon