Terrence
After ng ilang oras na byahe nakarating din kami sa Baguio. Dalawang van ang sinakyan namin kaya yung kaaway ni Astrielle kanina ay hindi n'ya kasama dito sa van. Ang mga kaklase ko ay nag mamadaling bumaba
Lima na lang kaming natira sa van, si Astrielle, Shawn, Liam at ang SSG President na si Kyle.
"Ano pang ginagawa niyong apat dito?" She asked.
"Hinihintay ka" Sabay sabay naming sabi. Napatingin naman kami sa isa't isa at nag samaan ng tingin.
"Tsk!" Tsaka s'ya bumaba. Ano bang ginagawa nilang tatlo dito? Lalo na si Liam. Don't tell me nanliligaw ulit s'ya kay Astrielle. Tsk! Sinaktan n'ya tapos babalikan n'ya.
Flashback
Matapos nung hilaang nangyari kay Astrielle ay hinanap ko s'ya. Napadpad ako sa garden pero bago ako makatuloy, may narinig akong nag uusap.
"Third chance? You're asking for a third chance!" Sagot nung babae habang nakayuko yung lalaki. Hindi ko mamukhaan kung sino dahil nakayuko yung lalaki at nakatalikod ang babae.
"Why would I? You broke my heart twice! Do you ever think that I would give you another chance?" Pero napahinto ako sa pag iisip ng marealize kung sino ang may ari ng boses na 'yon. Si Astrielle.
"Alam ko mahirap pero please just give me another chance to prove you na nag sisisi na ako." At si Liam? Teka akala ko ba mag kaibigan sila ni Liam? So, hindi totoo 'yon?
"Nag sisisi? Huli na para mag sisi ka." So, they're in a relationship before? Kaya pala ganoon na lang ang reaksyon ni Liam ng makita niya si Astrielle. Tuwing pinag uusapan rin namin si Astrielle ay natatahimik s'ya and now I know what's the real reason.
"Alam ko. Alam kong huli na para mag sisi pero nandito ako para itama lahat. Gusto ko ibalik sa dati kung ano man ang meron tayo, please Elle." Hindi ko na tinapos ang pakikinig at umalis na. I don't know why pero parang nasasaktan ako. Feeling ko pinag taksilan ako ng mahal ko. Oo, mahal ko na si Astrielle. Hindi ko alam when did my feelings for her starts basta ang alam ko masaya ako pag nakikita s'ya, pag nakakasama at nakakausap ko siya.
End of Flashback
Yung mga nalaman ko nung araw na yun ay hindi ko sinasabi kahit kanino. Hindi ko rin tinanong si Liam about doon. Bakit pa? Alam ko naman na may relasyon sila dati. Sinaktan n'ya si Astrielle noon at hindi na ako makakapayag. Sisiguraduhin ko na sa akin mapupunta si Astrielle.
Nang makarating kami sa pwesto ng mga kaklase namin agad na nag salita si Vanessa.
"Asha ikaw na kumausap." Tumango naman s'ya at lumapit sa receptionist. Nagulat naman ang mga receptionist ng makita si Astrielle.
"Y-young l-lady kayo po pala." Nag taka kami sa inasal ng receptionist. Nauutal kasi sila habang nakayukong nag sasalita.
"Bigyan mo sila ng rooms at pa sabi sa chef bigyan sila ng masarap na pagkain." Agad naman tumango ang Receptionist.
"Where's Janna and Xyril?" She asked.
"A-ah n-nasa re-st house p-po y-young lady." Bakit parang natatakot sila kay Astrielle? Tsaka bakit kung kausapin sila ni Astrielle parang siya ang boss nila."Stop stammering when I'm talking with you. I can't understand you and it irritates me. Wala kang stammering session." After saying those ay umalis na s'ya. Nag tataka ako kasi paano n'ya nagawa 'yon? May ari, anak o apo lang ang pwedeng gumawa ng bagay na 'yon pero s'ya nagawa n'ya at sinunod pa s'ya. Huminto si Astrielle at lumingon sa amin.
"Sumama kayo sa'kin." Narealize ko na wala na pala ang mga kaklase namin, kami na lang pala nila Ivan, Luhan at ng Liam na ito ang natira kasama sila Vanessa, Cindy, Jhed at Phoebe pati na rin yung Kyle na 'yon at yung Shawn.
Sumunod naman kami kay Astrielle at matapos ang mahabang lakaran ay nakarating kami sa isang bahay. Ito na siguro ang rest house na sinasabi nila. Agad kaming pumasok doon at bumungad sa amin ang ilang mga staff ng beach resort. Nag bow sila sa amin.
"Oh buti naman nandito na kayo? Ang tagal n'yo ah." Salubong sa amin ni Janna.
"Come on let's eat." Sabi ni Xyril.
Ashanti
Nang sabihin ni Xyril 'yon ay umupo na ako.
Sumunod naman kami sa kanya at naupo na pero yung apat nag aagawan kung sino ang uupo sa harapan ko. Sino pa nga ba? Edi sila Klay, Shawn, Kyle at Liam. Tsk! Hindi sila makaupo sa tabi ko dahil nasa kanan ko si Jhed at nasa kaliwa ko si Xyril.
"Hoy! Ano ba kayong apat. Maupo na nga kayo, nag aagwan pa kayo ng upuan e." Pagalit na sabi ni Phoebe. Sila Luhan at Ivan naman nag tatakang nakatingin sa kaibigan nila.
Pinag sandukan ako ni Xyril ng pagkain ng biglang may apat na maliit na bowl ang nasa harapan ko.
Kunot noong napatingin ako sa nag lagay ng apat na bowl sa harap ko at nakita ko sila Klay na masama ang tingin sa isa't isa, si Rence na masama ang tingin kay Shawn ganoon din si Shawn, si Kyle at Liam ay ganoon din.
Gaya ko nakatingin din ang mga kaibigan ko sa kanilang apat."Ah, Liam sa'kin na lang 'to ha. Salamat." Sabi ni Cindy sabay kuha ng bowl kay Liam na nag lalaman ng sinigang.
"Salamat." Sabi ni Janna kay Kyle at kinuha ang ginataang langka.
Ganon din ang ginawa ni Vanessa at Phoebe kay Klay at Shawn. Wala naman silang nagawa kaya tahimik na lang kaming kumain.
Tahimik kaming lahat na nakain, ramdam ko na may tensyon sa pagitan nilang apat at pansin ko din na mainit ang dugo nila sa isa't isa, alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam at nakakapansin noon. Sure ako na maski sila Phoebe ramdam din iyon.
Nakakainis! Ano ba kasing mga problema nila? Si Liam at Klay, hindi ba mag kaibigan sila? Bakit biglang nag kaganyan sila? Si Shawn naman pag tinatanong ko sinasabi wala naman daw. Ano trip lang nila? Ang lalakas ng mga topak.