Chapter 3

7.9K 148 5
                                    

"Young lady?" The maid said while knocking.

"What?!" I shouted.

"G-gumising na po kayo s-sabi ni D-don Felipe kasi nakahanda na po 'y-'yong breakfast." Heto na naman sila sa stammering session nila. Tsk!

"5 minutes." Bakas sa boses ko ang pag kabored.

"P-pero y-young l-lady m-may pasok pa po kayo." Gosh! First day of school ko nga pala ngayon. Napatingin naman ako sa orasan 6:30 palang may oras pa ako dahil 8:00 pa naman ang klase ko.

"Okay!" Tumayo na ako at ginawa ang morning routine ko.

"Morning Lo" Bati ko pag dating ko sa sala.

"Good morning apo." He smiled.

"Bagay na bagay sayo apo." He added.

"Siguradong magugulat mga pinsan mo." Bakit ang ingay ni lolo ngayon?

"Ahm lolo why did you choose na sa LHU ako pumasok?" Familiar talaga siya sa'kin pero hindi ko maalala kung saan ko ito narinig o kung nakita ko na ba ang school na iyon.

"You forgot? We owned that school, I put you there because LHU needs you."

"Ow? That's why LHU is familiar. But why did LHU needs me?" Bakit nga ba? Dad didn't told me about this.

"Sa kadahilanang maraming outsiders ang nakakapasok may mga iba't ibang students from different university ang napasok para lang humanap ng gulo. Kaya doon ka mag aaral para magamit naman natin ang pagiging basagulera mo sa mga outsiders na iyon." Hindi na masama para sa isang kagaya kong basagulera. Akala ko magiging bored ako sa pag pasok ko sa LHU but I think lolo won't let me get bored, this is the best punishment I got.

"Ano naman pong makukuha ko if I did that?" Hindi ako papayag na wala akong makukuha dito 'no.

Lolo laughed at what I said.

"You didn't change. You won't accept the deal if wala kang makukuha. Fine I'll give you what you want." Napangisi naman ako sa narinig ko.

"I want a new car lolo." That's what I want. I'm a racer kaya kotse ang hihingiin ko kay Lolo.

Hmm? Drag racer. That is the right term for me. I know illegal ang bagay na iyon pero doon ako masaya.

"Marami ka ng kotse ah? But anyway I will buy you a new one, just do what I want."

"Okay then. I have to go." Tumayo na ako at sumakay na sa sasakyan.

Ilang minuto rin ang pag mamaneho ko bago ako nakarating sa LHU. Naaalala ko na 10 years old ako noong huling pumunta ako dito, dahil sa tagal na noon ay nakalimutan ko na rin ang itsura n'ya sa loob.

"Ma'am ano po kailangan nila?" Bungad sa akin ng guard.

"Transferee." Wala na akong time para makipag chismisan pa sa guard na ito.

"Ah ganon po ba. Ako na po mag dadala ng gamit n'yo." Tumango naman ako at ibinigay sa kaniya ang maletang bitbit ko.

Napatingin naman ako sa parking lot ng LHU. Grabe big time si Lolo biruin mo sa gitna ng parking may fountain na kulay white and gold ibang klase. Masasabi ko ring lahat ng estudyante dito ay mayayaman dahil sa mga bigating sasakyan na nakikita ko.

"Ma'am nandito na po kayo." I looked at him and he gave me my luggage.

"Hindi ka ba marunong kumatok?!" Bungad sa akin ng babaeng galit na galit. Sa tingin ko ay nasa mid 40's siya? Hinatid kasi ako ni manong guard dito sa principal's office.

"Tsk!" Napatingin naman s'ya sa akin at biglang napatayo dahil sa gulat.

"Y-young lady n-nandito na p-po p-pala kayo."

"May stammering session ba kayo? Lagi na lang kayong nauutal kapag ako kausap niyo. Tsk!" I said tsaka umupo sa couch.

"Y-young lady i-ito na 'yong schedule mo tsaka I.D" After handing me my I.D and my schedule, tumayo na ako at aktong lalabas na ng may sinabi pa siya.

"Enjoy yo-ur s-stay young lady" Bago ko tuluyang isara ang pinto.

"Room 248" Basa ko sa papel na nakadikit sa susi. Ito na marahil ang room number ko. I wonder kung may roommate ba ako, kung meron man sana hindi siya ganoon kaingay.

After ng pag hahanap nakita ko na ang dorm ko. I used the key para makapasok.

'Hmm. Good for me. Hindi masyadong malaki at hindi rin masyadong maliit, malinis rin.' Wika ko sa aking isipan tsaka naupo sa kama ko.

"Ahm hi? Ikaw ba yung ka roommate ko?" Boses babae. Sabagay girls dorm ito kaya babae talaga roommate ko. Stupid Asha!

"Isn't it obvious?" I don't have time para makipag usap sa gaya n'ya.

"Sungit naman. I'm Vanessa. Vanessa Lopez."

"I'm not interested." May diing wika ko.

"Grabe mas malamig ka pa sa yelo." Bakit ang kulit nito?! The hell!

"Bakit dito ka nag aral? Marami namang ibang school d'yan ah, bakit dito pa sa Laurenth High?"

"Stop talking." Saad ko at sinamaan siya ng tingin.

"Okay chill. Nakikipag kaibigan lang naman ako e."

"I don't need a friend." Malamig kong turan.

"Alam mo sa lahat ng ka dorm ko ikaw na ata ang pinaka masungit, sabagay lahat naman pala ayaw akong maging kaibigan kasi isa lang akong nerd pero okay na rin, at least may kasama ako." Sabi niya sa akin ng naka ngiti. Yeah she's a nerd pero hindi naman totally nerd na wearing big eye glasses, wearing braces, wearing big clothes na akala mo manang, mukha naman s'yang mayaman e, ang kaso she's wearing a glasses, that's why everyone is calling her a nerd.

"Pero sana bukas hindi ka mag palipat ng dorm dahil sa ako ang roommate mo 'yong ibang students kasi na dapat ka dorm ko ay lumipat dahil daw sa nerd at lampa ako kaya ayon. Tagal ko ng walang ka dorm, ngayon na lang siguro ulit." Bakit sinasabi niya sa akin kwento ng buhay n'ya? What does she think of me? Si Charo Santos? Si Jessica Soho?

"Hindi ka ba napapagod kakasalita mo?!" Naiinis na turan ko.

"Nakakapag tagalog ka naman pala e." Hindi ko na lang s'ya pinakinggan at nag talukbong nalang ako ng kumot. Hanggang sa bumigat ang talukap ko at nakatulog na ako.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon