"Hoy!"
"Hoyyy!!" Sino ba ito?! Alam ng natutulog e.
"Hmm?" Inaantok pa ako.
"Ahm? Yelo gising na."
"Ano ba?!" Naiirita na ako alam ng natutulog pa ako e.
"May pasok pa tayo gumising ka na baka malate ka." Napadilat ako.
I stand up and went to the bathroom.
"Yelo, kain na tayo." Bungad niya sa akin pag labas ko ng banyo.
"Yelo?" I asked.
"Oo, hindi mo naman sinabi sa akin ang pangalan mo, kaya yelo ang itatawag ko sayo." Kibit balikat n'yang turan.
"Hindi Yelo ang pangalan ko. It's Ashanti not yelo." I emphasize my name.
"Okay Asha."
"Don't call me Asha we're not that close." Sabay irap ko sa kanya.
Hindi na s'ya nag salita kaya naupo na lang ako at kumain.
Matapos naming kumain ay pumasok na ako. Bahala siya ayoko ng may kasamang maingay.
"ASHAAAAAA!" Napa buntong hininga naman ako sa narinig ko.
"What?!"
"Ito naman ang init ng ulo, sabay na tayo pumasok mag kaklase naman tayo e." Nangunot naman ang noo ko.
"Nakita ko kasi sa sched mo na nakalagay sa side table." Napa 'Ah' naman ako sa sinabi niya. Bigla naman niyang inangkla ang braso n'ya sa braso ko.
"Ano ba?! Tanggalin mo nga 'yan!" Kaya ayaw ko itong kasama e.
"E bakit? Friends tayo kaya lagi akong sasama sayo kung nasaan ka man."
"Look I already told you. I don't need a friend, kaya pwede ba?! Lumayo ka sa'kin." Saka ko siya iniwan doon.
Pero dahil sa makulit s'ya nandito na naman siya sa tabi ko. Hays. Ano ba gagawin ko dito sa babaeng ito.
Lapitin talaga ako ng maiingay na tao.
Mabuti na lang nakarating na ako sa classroom ko. Agad kong binuksan ang pinto, wala ng katok katok.
"Yes?" Tanong ng Prof. na nasa mid 40's or something pero mukha s'yang terror.
"Yari tayo kay Mrs. Villalon late tayo." Bulong ni Vanessa na nasa likod ko.
"Transferree." cold kong sabi.
"Ow? Hindi ka ba naliligaw?" Tsk! Mukha ba akong naliligaw?
"Nope." I look at her eyes.
"Kung transferee ka bakit nasa likod mo si Ms. Lopez?" Base sa tono ng boses niya para pa siyang nag dududa.
"I don't know. Maybe a coincidence?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Okay you may come in and introduce yourself." Sabi niya sa akin sabay baling kay Vanessa.
"And you Ms. Lopez why are you late?" Bakas naman sa mukha ni Mrs. Villalon ba ito? Ang inis.
"A-Ah k-kasi ma'am--" I cut her off.
"She's with me. We're roommates." Her brows furrowed while looking at me. Hindi ko na lang siya pinansin at nag pakilala na.
"Ashanti Astrielle, 18." Pagka tapos kong sabihin iyon ay umupo na ako sa bakanteng upuan, napansin ko rin na pinag titinginan nila ako.
"Asha wag ka umupo d'yan may may-ari na n'yan baka bugbugin ka nila pag naabutan ka pa nila diyan." Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Why?"
"Dahil pwesto namin 'yan." Napatingin ako sa nag salita at may nakita akong apat na lalaking nakatayo sa harap ko.
"Really?" I asked.
"Yeah! Kaya umalis ka na d'yan kung ayaw mo mabugbog." Sino tinatakot nito?
"Is that a threat?" Kalmadong tanong ko.
"Depende kung natatakot ka." Ang hangin naman pala ng lalaking ito.
"A-ah p-pasensya na T-terrence, sige alis na kami." Hihilain na sana n'ya ako pero hindi ako nag pahila.
"Let go." I said with full of authority.
She let go of my hand but I saw how afraid she was. Dahil ba ito sa akin o dahil sa mga taong nasa tabi niya?
"Bakit ako sasama sayo? We're not that close and besides nauna na ako dito e, kaya akin na 'to." I smirk.
"Hindi ka ba talaga aalis d'yan?!" Ow? Is he mad?
"Hindi." Ang yabang akala mo sila may-ari ng school na ito.
"Ms. Ashanti umalis ka na lang d'yan humanap ka ng ibang upuan mo dahil first day pa lang ng klase d'yan na sila naka upo." Singit ni Mrs. Villalon.
"See? Transferee ka kaya walang kakampi sayo. Now get lost!" Padabog akong tumayo at lumapit kay Mrs. Villalon tinaasan n'ya naman ako ng kilay ng makita niya ako sa harap niya.
"Mrs. Villalon, right?" I asked.
"Oo, ano naman ngayon?" Hindi niya talaga ako kilala ha.
"Full name?" Napa irap naman s'ya sa sinabi ko.
"Anong klaseng tanong 'yan? Nag papa-apply ka ba?" Tignan natin kung hanggang saan sungit mo.
"Just answer me." May diin na turan ko.
"I'm Mrs. Nerissa Villalon." Tsk! Ibibigay rin pala dami pang sinabi.
"Okay Mrs. Nerissa Villalon." Banggit ko sa buong pangalan niya tsaka lumapit sa kanya at bumulong.
'I'll make sure na bukas wala ka ng trabaho.' I mumbled. Saka ako lumayo sa kan'ya at umalis.
TERRENCE
Tsk! Aalis naman pala dami pang sinabi. Naupo na kami sa upuan namin at nakita namin s'ya na may sinabi kay Mrs. Villalon bago umalis. Nakita naman namin si Mrs. Villalon na nakatulala ano kayang nangyari? Bakit siya nakatulala?
"Ganda ng transferee 'no?" Tanong ni Ivan ang playboy sa grupo.
"Maganda nga ang yabang naman." Usal ko.
Nakita ko naman si Liam na nakatulala rin. Ano ba meron ngayon at parang natutulala sila.
"O-okay class dismiss." Napalingon kami kay Mrs. Villalon ng sabihin niya 'yon, I look at my wristwatch, nag taka naman ako kasi ang aga ni Mrs. Villalon mag dismiss, samantalang lagi naman s'yang late mag dismiss, lumabas din sya sa room namin na tulala. Simula ng binulungan s'ya noong transferee na 'yon nag kaganyan na.
Gusto niyo bang i-describe ko siya? Well, isa s'yang babaeng matangkad, masasabi ko ring galing s'ya sa mayamang pamilya dahil sa kutis niya, kulay itim ang buhok niya na may kaunting berde at ang mga mata niya naman ay--hindi ko alam kung anong trip n'ya bakit ganoon ang kulay ng mata niya yung kaliwa ay kulay berde at iyong kanan naman ay kulay abo pero bagay pa rin naman sa kaniya tsaka sinungaling na ako pag itinanggi kong maganda siya ang kaso nga lang mayabang.