Chapter 27

5.1K 97 1
                                    

Pumasok ako sa rest house na namumula.

"Oh? Asha anong nangyari sayo? Bakit namumula ka?" Bungad sa akin ni Jhed.

"May sakit ka ba?" Sabay kapa niya sa noo ko.

"W-wala. M-mainit l-lang." Nangunot ang noo niya.

"Mainit? Baliw ka ba? Nasa Baguio tayo. Ang lamig ng panahon ngayon tapos sasabihin mo mainit? Okay ka lang ba talaga?" Nag tatakang tanong ni Jhed.

Napatingin si Jhed ng may umakbay sa akin.

"Oh Terrence? Anong nangyari d'yan?" Sabay turo sa akin.

Nag kibit balikat lang si Klay.

"May nangyari ba?" Tanong ulit ni Jhed.

"Wala naman. 'Di ba Astrielle?" Nakangising saad niya. Bwisit ka Terrence Klay Imperial! Ang sarap mong sapakin!

Terrence

I chuckled ng bigla niya akong siniko. Ang cute niya talaga pag nag b-blush.

"Anong ginawa mo sa best friend ko?" Kunot noong tanong ni Jhed.

"Nothing." Tinignan n'ya naman ako ng seryoso.

"Tss. Ang gulo ha. Ngayon lang s'ya nautal ng ganyan."

"Well, mukhang sa'kin lang s'ya nauutal." Nag taka naman s'ya sa sinabi ko.

Ashanti

Agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng tubig.

"Elle." Napahinto ako ng may nag salita sa likod.

"Bakit?" Saad ko.

"I'm sorry. About doon sa nangyari sa amin ni Shawn." Tumingin ako sa kanya.

"Wala na sa akin ang bagay na 'yon." Malamig kung turan.

"Pero gusto ko pa rin mag sorry at sabihing I still love you." Tumingin ako ng seryoso sa kanya.

"Ilang beses ko bang sasabi--"

"Alam ko. Alam ko na hanggang dito na lang ako. Hanggang ex na lang ako, I already accepted it. Hahayaan na kita. Tutal ako naman may kasalanan kung mapupunta ka sa iba, 'di ba?" Tumaas ang kilay ko.

"So?" I asked.

"Hahayaan na kita na mapunta ka sa ibang lalaki kahit sa best friend ko pa. Gagawin ko 'yon kasi mahal kita, gagawin ko rin 'yon kung doon ka sasaya. Gagawin ko dahil yun ang alam kong tama, mag mo-move on na ako sayo. Ang gusto ko lang ay patawarin mo ako sa mga nagawa ko noon." Huminga ako ng malalim.

"Wala na sa akin 'yon. Past is past, hindi na dapat natin binabalikan iyon pero hindi ko maipapangako na mapapatawad kita agad. Papatawarin lang kita kapag ginawa mo ang favor ko." Napatingin s'ya sa akin na nakakunot ang noo.

"What favor?" He asked.

"Papatawarin lang kita kapag nagawa mong mahalin ang best friend ko."

"What?" Gulat na tanong niya.

"I thought you want to move on?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga pero hindi tama ito. Ano? Gagawin kong rebound ang best friend mo?" I asked.

"Hindi mo s'ya gagawing rebound Liam. Madali lang mahalin si Jhed kaya alam kong mamahalin mo rin s'ya pag dating ng araw." Nangunot ang noo niya.

"Si Jhed?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.

"Ganoon naman ang love hindi ba? Kikilalanin mo muna s'ya hanggang sa mahulog ang loob mo sa kanya. Ganoon ang nangyari sa atin noon." Napaisip naman s'ya sa sinabi ko.

"Hindi ko alam kong tama ba ang mga napapansin ko pero base sa napapansin ko gusto ka niya. The way she looks at you."

"Alam kong hindi madali ang hinihingi ko sayong favor pero ako na nakikiusap na sana bigyan mo ng chance si Jhed. Malay natin mahalin mo rin s'ya. Gusto kong sumaya si Jhed, Oo hindi ako nag papakita ng pag aalala sa kanila. Kung titignan n'yo ako parang wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko pero kabaligtaran 'yon sa tingin n'yo. Ayokong gamitin sila ng ibang tao laban sa akin. If I can't protect Jhed as my friend sana ikaw na lang ang promotekta sa kanya, gaya ng ginawa mo noon sa akin. Think about this at kung nakapag isip ka na sabihin mo sa akin." Tsaka ako umakyat papunta sa kwarto.

Jhed

Narinig ko lahat ng pinag usapan nila Liam at Asha, tama si Asha I like Liam that much. Inisip ko na walang chance na maging kami ni Liam dahil mahal niya pa rin si Asha, siguro mali ang minahal ko ang ex ni Asha pero hindi ko naman kasalanan na nag mahal ako e and besides hindi naman na s'ya mahal ni Asha.

Pero simula ng marinig ko 'yong usapan nila parang nabuhayan ako ng loob. Oo, tama si Asha hindi s'ya yung tipo ng babae na nag papakita ng pag aalala o kung ano pa man sa mga taong nakapaligid sa kanya pero alam kong mahal na mahal niya kami.

Nang matapos ang pag uusap nila sumunod ako kay Asha.

"Asha?"

"Hmm?"

"I just want to say thank you." Kunot noo siyang tumingin sa'kin.

"For what?"

"Thank you because you gave me a chance na mapalapit kay Liam."

"Narinig mo?" Marahan akong tumango.

"Oo at salamat doon."

"You really like him?" She asked. I nodded then smiled.

"Oo, akala ko magagalit ka kapag nalaman mo pero mukhang nag kamali ako kasi ikaw pa mismo nag sabi noon sa kanya."

"Hindi ka ba galit sa akin?" She asked. Ako naman ang nangunot ang noo.

"Bakit naman?"

"Kasi sinabi ko sa kanya 'yon kasi parang pinapalabas ko na gawin ka niyang rebound." Ngumiti ako.

"Oo nga pero narinig ko naman na hindi iyon ang intensyon mo. Kung gagawin niya naman akong rebound okay lang, atleast nakasama ko s'ya kahit papaano." Oo kaya kong maging rebound para sa kanya.

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ni Asha. Ngayon lang s'ya nag pakita ng ganitong emosyon sa akin.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon