Chapter 19

5.8K 118 4
                                    

Ashanti

Nandito ako ngayon sa classroom. Mukhang napaaga ang pasok ko kasi iilan palang kaming estudyante dito, kaya naisip ko na idukdok ang mukha ko sa desk.

"ASHAAAAAAAAA!!" Napatingin ako kay Cindy na isinisigaw ang pangalan ko, kasama niya sina Phoebe at Vanessa. at nakita ko sila Phoebe kasama si Vanessa.

"Oh?" Bored kong tanong.

"Wala lang. Aga mo ah? Hindi ba sabay sabay tayo papasok? Iniwan mo kami kainis ka." Naka ngusong sabi ni Jhed.

"Tulog mantika kayo." Tanging nasabi ko at tumayo tsaka lumabas ng classroom. Pag labas ko bumungad sa harap ko si Mr. President.

"May kailangan ka?" Tanong ko.
Hindi n'ya sinagot ang tanong ko at bigla na lang akong hinila sa kung saan.

"Mr. Preside--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mag salita s'ya.

"Kyle Gomez ang pangalan ko." Sagot n'ya.

"Tapos?" Napairap siya sa tanong ko.

"Kyle ang itawag mo sakin." Tinanguan ko lang ito, aalis na sana ako ng bigla n'ya akong pigilan.

"Ano na naman?" Usal ko.

"Ikaw si Uno hindi ba?" Napatingin ako sa kanya ng sabihin n'ya iyon.

"Hindi." Napatawa naman s'ya.

"Wag ka ng mag deny nakita ko ang tattoo mo sa batok." Napahawak ako sa batok ko.

"Tattoo? Sinasabi mo?" Pag dadahilan ko.

"Yung tattoo mong D13 at yung numerong uno na may korona hindi ba si Uno lang ang may tattoo ng ganyan? Tsaka hindi naman ata pwedeng nag tattoo ka ng ganyan dahil hinahangaan mo ang D13 lalo na si Uno."

"Dahil ang alam ko may rule ang D13 na ginawa para sa mga ordinary gangsters o sa mga kagaya mo, na bawal ang gumaya sa tattoo nila, lalo na ang mga kilos at pananamit nila." Tuloy n'ya. Napaiwas ako ng tingin sa sinabi ng lalaking 'to.

"Tama ako?" He asked.

"Kung hindi ikaw si Uno, sino ka? Ordinary gangster? Mamamatay ka kapag nalaman nila na may tattoo ka na kagaya kay Uno." Napahinga ako ng malalim.

"Oo na!" Sabi ko. Natawa s'ya sa sinabi ko.

"Napaamin din kita Ashanti Astrielle 'Uno' Mendez." Hindi ko siya pinansin. Aalis na sana ako ng may sabihin na naman siya.

"Nakita kita kanina na papasok pati yang tattoo mo kaya nalaman kong ikaw si Uno. Sa susunod mag ingat ka." Napatingin ako sa kanya, may hinahis naman siyang kung anong bagay na nasambot ko.

Concelear? Tumingin ako sa kanya na naguguluhan.

"Mag lagay ka para maitago mo ang tattoo mo. Don't worry hindi ko sasabihin lahat ng nalaman ko." Hindi ko na s'ya pinansin at pumunta na sa cr.

Tumingin ako sa salamin at nakita kong walang concelear ang tattoo ko. Sh*t bakit ko ba nakalimutan? Kaya pala nakilala n'ya ako e. Lalagyan ko na sana ng concelear ang tattoo ko ng may lumabas sa isa sa mga cubicle.

"I-ikaw si U-uno." Kapag minamalas ka nga naman, dalawang tao ang nakaalam ng sekreto ko ngayong araw.

"Shh." Saad ko habang sinesenyyasan siyang tumahimik.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya ngunit lumalayo siya.

"Wag kang lalapit sa'kin." Naluluhang turan niya.

Hindi ko siya pinansin at lumapit pa sa kanya.

"Pag lumapit ka sakin sisigaw ako." Pag babanta niya.

"Subukan mo, mamamatay ka." Pag babanta ko.

Bakas sa mukha niya ang takot.

"Wag mo ko papatayin Asha, please." She begged.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon