Chapter 37

4.3K 69 1
                                    

Vanessa

Nang makalabas kami may naabutan kaming isang van tsaka isang sports car.

"Dito kayo sasakay." Maikling saad ni Asha tsaka tumingin kila Ivan.

"Kayo? Saan kayo sasakay?" Seryosong tanong niya.

"A-ah s-sa van na l-lang ka-mi." Nauutal na saad ni Janna. Napatingin kami sa kanya at nakita namin na namumutla silang dalawa ni Xyril.

"Sinong sasama sa'kin?" Tanong n'ya. Lahat naman sila ay biglang pumasok sa van, halos mag siksikan na rin sila sa pinto ng van makapasok lang.

Kami na lang nila Kyle at Rence ang naiwan.

"Sasama kayo sa'kin?" She asked. Tumango naman si Klay.

"Okay. Let's go." Sumakay naman kami sa kotse ni Asha.

Nasa passenger seat ako at nasa back seat naman sina Kyle at Rence.
Napahawak kami ng mahigpit sa seatbelt ng bigla niyang paharurutin ang kotse ng sobrang bilis.

"WAAAAAH!!!" Makapigil hiningang sigaw naming tatlo.

"F*ck Asha! Ihinto mo ang kotse!" Namumutlang saad ni Kyle pero imbes na ihinto ni Asha ang kotse mas binilisan niya pa.

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!" Paulit ulit na wika ni Rence.

"Waaaaah! Asha! Aaaah! H-hindi ko na kayaaaaa! M-m-mamamatay na a-ata a-ko. Jusme gusto ko pa pong mabuhay marami pa akong pangarap. Wag n'yo na muna ako kunin please." Dasal ko.

Ashanti

Maya maya lang nakarating na rin kami sa dapat naming puntahan. Nag park kami na malayo layo sa mansyon ni Martinez. Agad akong bumaba sa kotse ko pero yung tatlo hindi sumunod, napatingin ako sa kanila at nakita ko silang tulala at namumutla.

"Hoy! Nandito na tayo." Wika ko sa kanila. Agad naman silang humawak sa katawan nila.

"Sh*t! I'm still alive. Thank god." Saad ni Kyle.

"The hell! Akala ko mamatay na ako." Reklamo ni Klay.

"Hay! Grabe akala ko hindi na ako sisinagan ng araw." Reklamo ni Vanessa.

Pag katapos ay agad silang nag silabas sa kotse at dali daling pumunta sa harap ng basuraha tsaka nag tutulakan. Susuka siguro.

"Oh ano? Akala ko byaheng impyerno na kayo e." Saad ni Daryl.

"Grabe bumaliktad ata sikmura ko doon ah o baka 'yong kaluluwa ko." Saad naman ni Kyle.

"Kayo kasi e. Dyan pa kayo sumakay sa kotse ni Asha e kapag' yan ang nag drive sobrang bilis mas mabilis pa kay flash. Byaheng impyerno 'yan e." Gatong naman ni Janna.

"HAHAHAHAHA!" Napatingin kami ng may tumawa. Pag tingin namin nakita namin sila Ivan, Luhan at Liam na natawa.

"Anong mga mukha 'yan? HAHAHAHA! Rence bakit namumutla ka? Pft. Hahahaha!" Tatawa tawang saad ni Ivan.

"Enough! Gawin na natin ang plano ng matapos na ito." Saad ko sa malamig na tono.

"Luhan, Phoebe and Xyril don't forget what I've told you." Tumango naman sila tsaka pumasok sa van kasama ang iba pa.

"Kayong apat sa akin kayo sasama." Saad ko at nag lagay na ng mask at cap ko. Lahat kami naka all black.

[Astri may dalawang cctv sa labas ng mansion ni Martinez.] Rinig kong sabi ni Xyril mula sa earpiece.

"Got it." Saad ko.

"Kaya mo ba Asha? May sprain pa diba?" Alalang tanong ni Kyle.

"Don't worry I can handle this."

"Hack the cctv footages para malaya tayong makagalaw." Saad ko sa earpiece.

[Ok!] Sagot nilang tatlo.

Nag hintay lang kami ng ilang minuto.

[Asha nahack na namin. Pansamatala silang hindi makaka connect sa cctv kaso hindi ko alam kong gaano katagal baka mga 20 minutes.] Saad ni Luhan.

"Ok." Tsaka ako nag lakad papunta sa gate ng mansion ni Martinez. Sinubukan kong itulak pero nakalock.
"Papasok ako sa loob." Maikling saad ko.
"Ano? Kaya mo ba?" Tanong ni Janna. I just nodded tsaka umakyat sa pader. Nang maka akyat ako sinenyasan ko sila ng okay sign tsaka tumalon pababa sa loob.
"Sh*t!" Napahawak ako sa paa kong nasprain dahil sa sumakit ito.

[F*ck Astrielle are you okay?] Tanong ni Klay.

"Yeah!" Agad akong lumaput sa gate pero darn! Naka lock.
Umupo ako para pantayan ang padlock ng gate tsaka may kinuha sa buhok ko.
"One... Two... Three... *click* Gotcha!" Bilang ko habang binubuksan ang lock. Tagumpay ko naman itong nabuksan at nalaya ring nakapasok sila Janna.
"Tara na." Tumingin kami sa paligid pero mukhang walang nag babantay ha. Tsk! Anong klaseng mansyon ito? Walang bantay.
Agad kaming napahinto ng pinigilan kami ni Klay.
"What?" Tanong ni Vanessa.
"May guard." Nang sabihin nya iyon agad kaming nag tago sa likod ng halaman. May dalawang guard kaming nakita na nag lalakad at huminto sa harap ng halaman kung saan kami nag tatago kaya agad silang pinatulog ni Kyle at Klay.

Nang makatulog yung guard agad na kaming nag lakad papasok sa mansion. Kagaga kanina naka lock rin iyon pero si Janna na ang nag bukas. Papasok na sana kami ng pigilan kami ni Phoebe.

[Wait.]

"Why? May problema ba Phoebe?" Seryosong tanong ni Klay.

[There's a lasers inside. Becareful.] Paalala nya.

"I got this." Saad ko tsaka lumapit sa lasers. Tumingin ako kay Kyle tsaka sya tinanguan. May inispray naman siyang kung ano doon kaya lumabas lahat ng lasers.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon