Nandito ako ngayon sa LHU. Matapos ng nangyari kanina ay umalis na ako at bumalik na sa LHU. Hindi ko pa rin alam kung dapat bang gawin ko ang gusto ni dad. Napatingin ako ng bumukas ang dorm.
"Asha." Akala ko si Vanessa ang pumasok hindi pala kundi si Phoebe.
"Nasabi sa amin ni Janna ang napag usapan n'yo ni Tito Lucas." Hindi ko s'ya sinagot.
"Gusto ko lang sabihin na may point ang daddy mo, we're mafias. Wala tayong kinakaawaang tao pero alam ko namang ayaw mo pumatay ng inosente besides Jonas is not innocent, trinaydor niya tayo hindi ba dapat pag bayarin mo siya sa mga ginawa niya? Don't get me wrong Asha pero you're not like this, what happened to you? If ever na mag bago ang isip mo tutulong kami because we're a team, gawain ng isa gawain ng lahat." Mahabang turan niya.
"I'll think about it first." Seryosing turan ko.
"Asha your a heiress of MZ Empire maraming nakakaalam noon, lalo na ang mga kalaban ng Empire natin. Maraming gustong pumatay sayo dahil alam nila na ikaw ang makakapag pabagsak sa kanila, natatakot sila sayo that's it. Ikaw ang pinili ng Lolo mo at ng daddy mo na maging sunod na pinuno ng MZ Empire dahil ikaw ang karapat dapat, na sayo ang katangian ng isang pinuno. Kahit si daddy nakikita ang mga kakayahan mo. Hindi na kami nag tataka kung bakit marami ang natatakot sa pag dating ng panahon na ikaw na ang mamuno sa MZ Empire. Kaya ngayong wala pa sayo ang trono, pinag babantaan ka na nila. We're always here Asha. We're always at your side." Nakangiti niyang sabi at umalis.
I already decided. Bahala na kung ano man ang mangyari, mag iisip muna ako ng plano. Hindi pwedeng kumilos ako ng walang alas. Dapat mag bayad si Jonas Martinez.
Napatingin ako ng may umupo sa tabi ko.
"I'm sorry." Si Vanessa.
"Why?" I asked.
"I didn't tell you na heir ako ng Lopez Empire." Sagot niya.
"It's okay. Bakit hindi mo ipinag tatanggol ang sarili mo tuwing may nananakit sayo?" Tanong ko ulit.
"Actually ayoko maging heir ng Empire namin pero wala akong magagawa e. Pinilit kong umarte na parang normal ang buhay ko pero hindi talaga maaalis sa dugo ko na isa akong Mafia." Napatango ako sa sinabi niya.
"Buong buhay ko nag tatago ako sa pamilya ko dahil ayoko maging isang kagaya nila pero kahit anong gawing takas ko hindi ko pa rin maaalis na may tungkulin ako sa Empire namin. We are both heiress from each others empire and that's the truth. We can't keep it forever." Tinapik niya ako sa balikat.
"Hindi mo ba talaga gagawin ang gusto ng dad?" She asked.
"Nakapag decide na ako." Tumayo ako at lumabas ng dorm.
Pumunta ako sa garden. Tahimik akong nakaupo habang may salpak na earphone sa tenga. Napahawak ako sa gilid ng labi ko.
"Aish!" Tanging na usal ko.
"Mahapdi 'no?" Napatingin ako sa kanya.
"Tsk!" Usal ko sa kanya.
"Ang sungit mo na naman. Meron ka ba?" Sinapak ko s'ya dahil sa sinabi niya.
"Bwisit!" Tatayo na sana ako ng hilain niya ako at niyakap.
"Sorry na galit ka na naman e." Kumalas na s'ya sa yakap.
"Ganoon mo talaga ako kagusto?" Wala sa sariling tanong ko.
"Hindi kita gusto." Nakangiwung saad niya. Napa irap naman ako sa kawalan.
"Tangina? E ano 'yong sinabi mo sa akin? So, trip m--" Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng mag salita na naman siya.
"Hindi kita gusto kasi mahal kita." Pag tatama niya, naoairap naman ako dahil doon.
"Fine. Ganon mo talaga ako kamahal?" Pag uulit ko sa tanong ko.
"Uh yes. Kaya nga kita nililigawan 'di ba?" Nangunot ang noo ko.
"At kailan ka pa nag umpisang manligaw ha Klay." Usal ko sa kanya.
"Ah simula nung umamin ako sayo." Napangisi ako.
"Seriously? Kung ako sayo. Titigilan mo na ako. Ititigil mo na ang panliligaw sa akin." Tsaka ako tumayo.
"Bakit ko ititigil?" Tanong n'ya.
"Don't you get it? I'm a part of D13. No, I'm a D13 leader. I'm Uno. Pumapatay ako, kaya hindi ka pwede sa'kin." Saad ko. Diretso naman siyang tumingin sa akin.
"I know." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What do tou mean?" I asked.
"Matagal ko ng alam na ikaw si Uno. Hinihintay ko lang na ikaw ang mag sabi." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Paano ko nalaman? Una may pumuntang outsiders dito, binugbog mo silang lahat tapos pangalawa may pumasok na mag nanakaw sa dorm n'yo at kinuha ang kwintas mo. Mag kaparehas kayo ng galaw ni Uno. Second 'yong nag P.E tayo hindi ko nakita ang tattoo mo sa batok pero dati may nakita akong letter D sa batok mo pero nung nag P.E tayo wala akong nakita dahil siguro nilagyan mo ng concelear pero nung matapos ang P.E pawis na pawis ka noon at pinunsan mo ang batok mo nakalimutan mo atang may tattoo ka kaya napunasan mo at nakita ko ng buo ang tattoo mo, doon unti unting nabuo ang mga hinala ko. Third yung dinala n'yo kami sa secret place n'yo tapos nung hinatid mo kami. Nalaman ko na iyon ay boses mo at tuluyan kong nalaman na ikaw si Uno." Napa nganga ako sa sinabi niya.
Agad akong umiling.
"But still napatay ako ng tao kaya---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mag salita s'ya.
"Just like you pumapatay din ako Astrielle. Remember Heir ako ng Imperial Empire kaya parehas lang tayo. Ang pag ibig walang pinipili kahit gaano ka pa kabait at gaano pa kasama ang minamahal mo kung mahal mo tatanggapin mo. Hindi porket mag kaiba tayo hindi na tayo pwede. Lahat ng tao may pag kakaiba, walang makakahadlang sa kanila na kahit ano. We're also humans Astrielle, yes pumapatay tayo pero that doesn't mean we don't deserve to be love and to love." Wow. Just wow. Hindi ko akalain na may sasabihin siyang ganyan.
Matapos niyang sabihin iyon ay iniwan niya akong tulala.