Habang nag lalakad ako ay may naririnig akong sari-saring bulungan.
"Girl alam mo na ba 'yong bali-balita?"
"Ha? Ano 'yon?"
"Nandito si Uno." Nang marinig ko 'yon ay medyo nabigla ako, dahil D13 lang naman ang kinakatakutan sa buong Laurenth High lalo na ang leader nilang si Uno. Aaminin ko kahit na gangster ako natatakot din ako sa kanya dahil hindi hamak na mas malakas siya kumpara sa akin.
"Si Uno? You mean Uno ng D13?" Hindi makapaniwalang tanong ng babae sa kausap niya.
"Oo."
"Ano ka ba hindi ba nasa America si Uno? Malay mo guni guni mo lang."
"Ano ka ba totoo daw ang nakita niya. Yung Unong nakita niya kagabi ay kaparehas ng kilos nung Unong kilala natin tsaka parehas daw silang may tattoo sa batok na D13 at ang numerong uno ay may korona. E 'di ba ganoon ang tattoo ni Uno?" Tama siya may tattoo nga si Uno, pero kung si Uno nga iyon bakit siya nandito? Anong kailangan niya?
"Sabagay pero bahala na hindi ko pa naman siya nakikita e."
"Pero nakaka kilabot kung totoo 'yon, hindi na ako lalabas ng dorm kasi nandito na si Uno baka pag nakita ko siya, ay patayin niya ako." Kilalang brutal si Uno kaya kahit normal gangsters ay takot sa kanila lalo na sa kanya. Malakas siya at sabi nga nila siya ay anak ng demonyo.
Nang makarating ako sa rooftop agad bumungad sa akin ang mga kaibigan ko.
"Oh Rence buti nandito ka na. Musta practice?" Ivan asked.
"Okay naman."
"Nabalitaan mo na ba?" This time si Liam ang nag tanong.
"About?" I asked.
"About kay Uno?" Tuloy ni Luhan.
"Ah yes! Why?"
"Nakakabigla hindi ba? Ang alam natin nasa America siya pero ang sabi sabi hindi ito yung first time na may nakakita dito kay Uno ang unang beses daw e" Huminto siya at nag isip.
"Nung last week pa." Pag tuloy niya sa sinasabi niya.
"You mean nag aaral siya dito?" Naguguluhan kong tanong.
"Hindi pero parang possible." Kahit si Luhan ay naguguluhan na.
"Para makasiguro tayo bakit hindi natin abangan mamaya." Out of the Blue na sagot ni Liam.
"Ha?" Naguguluhang tanong ni Ivan.
"Kasi diba? 10 pm to 5 am ang curfew hour natin at 10 mismo ng gabi lumalabas ang member ng D13 at 5 am sila babalik, bakit hindi natin alamin kong nandito nga ba talaga si Uno mamayang 10 tutal lalabas din siya." Liam has a point.
"Sige mamayang gabi na natin yan ipag patuloy. Aalis na ako nag hihintay sa akin si Astri." Tsaka ako lumabas.
Pag dating ko sa gymnasium nakita ko siyang nakaupo doon.
"Sorry kasi pinag hintay kita." Pero imbes na sumagot wala s'yang response.
"Astri." Tawag ko sa kanya pero hindi parin siya nalingon. I call her name again but still no response kaya lumapit na lang ako sa kanya at nakita ko siyang tulala.
"Astri." Tsaka ko s'ya pinitik sa noo. Napatingin naman s'ya sa akin.
"K-kanina ka p-pa d'yan?" Bakit namumutla s'ya? Tsaka bakit s'ya nauutal?
"What happened? Are you okay?" Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pag aalala.
Ashanti
Nandito parin ako sa gymnasium. Hindi ako umalis nung umalis si Terrence dahil tinatamad ako. Nakatulala lang ako sa kung saan dahil sa mga nangyari kanina.
Flashback
Nang makaalis si Terrence ay kinuha ko ang cellphone ko at sinalpakan iyon ng earphone bago ko ilagay sa tenga ko. Humiga rin ako dahil sa pagod ko. Kanina kasi bago ako mag gitara at mag kanta ay prinactice ko muna ang pag lalakad ko ng naka high heels kaya heto ako ngayon pagod na pagod.
May naramdaman akong tao na nakatayo sa harapan ko agad akong napadilat at napatayo ng makita ko siya.
"What do you want?!" Galit na turan ko.
"Natatakot ka na ba?" Ngisi niya.
"Why would I?" Kunot noong tanong ko.
"Well, it's because of that gift?" He said.
"So, your the one who give that?" Tumango naman siya.
"Papatayin kita Ashanti tandaan mo yan, but before that uunahin ko muna ang mga kaibigan mo lalong lalo na si Vanessa."
"Subukan mo at dadalhin kita sa impyerno." Galit na turan ko. Hindi pwedeng madamay si Vanessa dito, inosente siya at walang alam sa mga pangyayari. I would do everything to protect that noisy woman.
"Ow, I'm scared." Saad niya habang natawa.
Mag sasalita pa sana ako pero napaka bilis ng pangyayari, hindi ko na namalayang nakahiga na pala ako sa sahig at sinasakal niya ako ng lubid.
Hindi ako makahinga dahil sa higpit ng pag kakahawak niya sa lubid. Hindi ko rin siya malabanan dahil ng hihina na ako.
Pero bigla niya akong binitawan, nag hahabol naman ako ng hininga habang nakahawak sa leeg ko.
"Remember this Ashanti. I will going to kill you!" Tsaka siya umalis.
End of Flashback
Tahimik lang akong naka upo dito sa sahig ng gymnasium, nang may tumawag sa akin at pinitik ang noo ko.
"Astri." Napatingin naman ako sa kanya.
"K-kanina ka p-pa dyan?" I asked. Damn! Why am I stammering.
"What happended? Are you okay?" Bakas sa mata niya ang pag aalala.
"Y-yeah." Pinipigilan kong mautal pero f*ck nauutal pa rin ako.
"Bakit namumutla ka? Tsaka why are you stammering? Are you really okay?" Kinikilatis niya ang mukha ko ng mapatingin siya sa leeg ko.
"What happened to your neck? Bakit namumula?"
"Ah wala. Wag mo na akong intindihin." Tumayo na ako.
"Sige alis na ako." Tsaka ako lumabas ng gymnasium.