Chapter 55

3.7K 65 4
                                    

Dalawang araw na simula ng sinugod namin siya dito pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising.

Aaminin ko nasaktan din ako ng malamang patay na si Shawn. Kahit karibal ko siya kay Astrielle hindi ko maiwasang masaktan dahil naging mabuting kaibigan siya sa akin. Nag papasalamat nga ako kasi kung hindi dahil sa kanya baka si Astrielle ang namatay pero masakit isipin na wala na siya.

"Sayang wala na si Shawn." Malungkot na saad ni Phoebe.

"Oo nga e. Siya pa naman ang partner in crime ni Asha." Dugtong ni Jhed.

Ang mag pipinsang Mendez naman tahimik lang. Nandito kami ngayon sa burol ni Shawn kasama ang ilang kamag anak ni Shawn, si Astrielle nasa hospital dahil nga sa hindi pa siya nagigising hindi siya nakasama sa amin.

"Mamimiss ko kalokohan ni Shawn. Siguradong nasasaktan si Asha dahil wala na si Shawn." Malungkot na sabi ni Cindy.

"See you in next life Shawn." Umiiyak na saad ni Janna.

"Hoy Shawn! Bantayan mo kami ah." Ganoon din si Xyril umiiyak.

"You will be missed Shawn Kennedy Montenegro." Halos lahat naman kami ay naiyak.

Nandito rin ang isa sa mga pinsan nila Astrielle, si Shaina Mendez. Umiiyak rin siya kagaya namin. Gustong gusto niya si Shawn kaya siya ang mas apektado sa akin.

"Tahan na Shaina! Hindi matutuwa si Shawn n'yan e." Pag papatahan ni Astrid habang naiyak rin.

"You're a good friend Shawn, I hope you are happy there. Don't worry about Astrielle, iingatan ko siya. You may rest now Shawn." I said my goodbye.

Ashanti

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Agad kong minulat ang mata ko at puting kisame ang nakita ko.

"N-na saan a-ako?" Utal na tanong ko.

"Thanks god your awake." Napatingin ako kay Klay. Inalalayan niya naman akong umupo.

"Waah! Buti na lang gising ka na Asha." Nakangiting turan ni Vanessa.

Napansin ko naman na tahimik sila Kuya Ace, Axel, Astrid, Janna at Xyril. Bakit kaya?

"Hoy! Gising na si Asha oh? Bakit ang tahimik niyo pa rin?" Pag tawag pansin ni Cindy sa lima. Tumingin naman sila sa akin tsaka tipid na ngumiti pero napansin kong may lungkot sa mga mata nila.

"What happened? Si S-shawn?" Saad ko, lahat naman sila natahimik.

"H-hindi ba p-panaginip 'y-yon?" Sabi ko at bigla akong pumiyok.

"P-patay na ta-talaga siya?"

"Damn! Answer me!" Sigaw ko habang naiyak. Hindi ako mahilig mag labas ng emosyon, hindi ko hilig mag pakita na may pakialam ako sa mga kaibigan ko pero deep inside nasasaktan ako kapag nasasaktan sila pero mas lalo akong nasaktan na malamang wala na ang isa sa mga best friend ko. Shawn is my partner in crime, mag kasama kami sa lahat. Kalokohan, problema, lahat lahat. Hindi ko ine-expect na mangyayari talaga ito.

I thought that was just a dream pero mali pala ako. Rest and peace Shawn, tahnk you for the memories, I won't forget you. I promise. You have a special place in my heart.

"A-anak p-please calm down, okay? Calm down." Pag papakalma sa akin ni Mommy. Naiyak na rin siya pati ang mga kaibigan ko. Kita ko rin sa mata ni Klay ang sakit.

"S-si Lolo?" I asked ng mapansing wala si Lolo. Lalo namang umiyak si Janna at Astrid.

"B-bakit n-naiyak si J-janna at A-astrid?" I asked mom.

"Ah a-anak. Ka-kasi ang lolo mo, inatake sa puso k-kaya wa-la na rin s-siya." Lalo namang nadurog ang puso ko ng malamang pati si Lolo namatay.

"A-ano? Mom wag kang mag biro ng ganyan." Saad ko.

"I-I'm sorry anak." Saad ni Mom habang naiyak, nasa tabi niya naman si Daddy at pinapatahan siya pilit rin akong pinapatahan ni Klay.

Ano ba naman yan iniwan na nga ako ni Shawn pati ba naman si Lolo iniwan rin ako.

Masakit sa akin na iniwan ako ni Shawn at mas lalo ring sumakit ng malamang pati si lolo ay iniwan ako.

Bakit? Ano bang nagawa ko? Bakit nangyayari lahat ng ito?

Hindi man lang ako nag karoon ng chance na makita si lolo sa huling sandali, ni hindi ko man lang sila nayakap nakausap ng matagal.

Kung alam ko lang na iiwan nila ako sana pala mas matagal ang nag spend ng time para sa kanila.

Tama nga sila nasa huli ang pag sisisi at heto ako ngayon nag sisisi na hindi ko man lang sila nakasama ng matagal, huli na ang pag sisisi ko dahil wala na sila.

Shawn, Lolo dalawin niyo naman ako sa panaginip ko please.

Hindi ko napigilan ang nararamdaman ko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang sumigaw at mag wala.

"Astri please stop. Calm down please." Pag maakaawa ni Kuya Ace.

"THIS IS JUST A DREAM! IF THIS IS JUST A PRANK, STOP THIS! HINDI AKO NATUTUWA! MALAKAS SILA, NANGAKO SILA NA HINDI NILA AKO IIWAN!" I shouted.

"Astrielle please." Nang makita ko si Klay na umiiyak, mas lalong nadurog ang puso ko.

"Please! Tell me this is just a dream please?" I cried while hugging him.

"Hush." Pag papatahan niya sa akin.

"Calm down Astrielle, please?" Saad ni Klay habang hinahaplos ang buhok ko.

Nang medyo kumalma ako. Lumabas si daddy para tumawag ng doctor.

"How are you? Kalmado ka na ba?" Klay asked. Tumango lang ako bilang sagot.

Makalipas ang ilang minuto dumating na ang doctor at tinignan ang lagay ko.

"She's fine, pwede na siyang umuwi sa susunod na araw." Saad ng doctor at lumabas na.

"Kailan pa?" I asked.

Nag tataka naman silang tumingin sa akin.

"Kailan pa nung ibinurol sila?"

"Si Shawn noong isang linggo pa, si lolo noong nakaraang araw." Nakayukong sagot ni Janna.

"Gusto ko silang puntahan." Wala sa sariling saad ko.

Wala ako noong huling araw nila kaya gusto ko kahit ito man lang makabawi ako at makita ko sila.

I'll missed them.

"I'll come with you, love." Saad ni Klay.

Tinanguan ko lang siya at nginitian.

Maswerte ako dahil buhay pa ako, nag papasalamat ako kay Shawn kung hindi dahil sa kanya baka pangalan ko ang nakalagay sa puntod ngayon. Malaki ang utang na loob ko kay Shawn.

Sana masaya sila ni Lolo kung nasaan man sila, nawa'y gabayan nila kami sa mga bagay na gagawin namin.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon