Chapter 56

3.7K 56 2
                                    

Isang buwan na simula ng bumalik kami dito sa school at ngayon ang final exam namin. Dalawang buwan na rin ang nakalipas mula ng mamatay si Lolo Felipe at Shawn pero hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap.

Flashback

"Astrielle?" Katok ni Klay sa pinto ng kwarto ko. Isang linggo mula ng madischarge ako sa hospital at isang linggo na rin akong hindi nalabas ng kwarto ko. Ayokong lumabas, feeling ko kapag lumabas ako maaalala ko lahat. Sisisihin ko lang ang sarili ko dahil sa nangyari.

"Please lumabas ka na d'yan. Isang linggo ka ng nand'yan e, hindi ka pa nakain." Sorry Klay pati ikaw nahihirapan sa akin.

"Papasok ako ha?" Saad niya. Narinig ko naman ang pag bukas ng pinto.

Terrence

Isang linggo na mula ng madischarge siya sa hospital pero sa isang linggong 'yon hindi pa rin siya nalabas ng kwarto. Nakakapasok naman ako sa kwarto niya pero hindi ko siya makausap ng ayos, lagi rin siyang naka upo sa harap ng bintana at tulala habang naiyak kaya lagi na lang namumugto ang mga mata niya.

Araw araw akong napunta sa kanila para naman malaman kung okay lang ba siya. Ayaw niya kasing papasukin ang kahit na sino sa kwarto niya maliban sa akin. Naiintindihan ko kung bakit siya nag kakaganyan, alam kong nasaktan siya ng mawala si Shawn pero mas lalo siyang nasaktan ng mawala ang Lolo niya. Importante sa kanya si Shawn at Lolo Felipe kaya hindi ko siya masisisi kung bakit ganyan siya ngayon.

"Rence? Pwede bang paki puntahan si Astri sa taas?" Paki usap sa akin ni Tita Akira, Mommy ni Astrielle. Tumango ako.

"Astrielle?" Tawag ko sa kanya pero walang sumagot. I sighed.

"Please lumabas ka na d'yan. Isang linggo ka ng nand'yan e, hindi ka pa nakain." Paki usap ko sa kanya.

"Papasok ako ha?" Tanong ko pero walang sumagot kaya pumasok na ako. Nakita ko siya sa harap ng bintana na nakaupo, pumunta ako sa harap niya at nakita ko na naman siyang naiyak.

"You are crying again." Malungkot na saad ko. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko siyang ganito. Hindi siya sumagot at niyakap lang ako. Narinig ko ang mga hikbi niya dahilan para makaramdam ako ng kirot. I hate it when she's crying, masakit sa akin na makita ko siyang ganito.

Aaminin ko nahihirapan ako sa kanya pero hindi iyon sapat para iwanan at sukuan ko siya. Sa ganitong panahon mas kailangan niya ako, kailangan niya ako para lahi niyang masandalan. Imbes na iwan ko siya at mas iniintindi ko pa siya dahil iyon lang ang tanging kailangan niya.

Ashanti

"Naiyak ka na naman." Napatingin ako sa lalaking nag salita.

"I told you not to cry. Masaya na sila kung na saan sila tsaka nasa tabi mo lang sila palagi, okay?" Saad niya at pinunasan ang luha ko tsaka ako niyakap.

Natapos na namin ang final exam at ngayon nandito kami ni Klay sa garden nakain.

"Klay." Pag tawag ko sa kanya.

"Hmm?" He responds and looked at me.

"Aren't you tired?"

"Tired? Tired from what?" He said while frowning his brows.

"Aren't you tired understanding me? Hindi ka ba napapagod na palagi mo na lang ako inaalala? Aren't you tired loving me?" I asked out of nowhere.

"What are you saying? Of course not. You know what? Every time na nakikita kitang naiyak nasasaktan ako pero alam ko kung anong pinag dadaanan mo. Sa ganitong sitwasyon kailangang kailangan mo ako and I already told you, I won't leave you no matter what happened. I promised to Lolo Felipe and Shawn na iingatan kita. No matter how many times you pushed me away, I will still come back to you. I love you Astrielle, please remember that." Saad niya at niyakap ako. I don't deserve this man, really.

I was about to cry when our friends called my name. Aish! This people.

"Ashaaaaaaa!" Natawa ako ng makita ko sila Janna, Cindy, Jhed, Vanessa, Ivan at Kyle na natakbo papunta sa akin. Hindi ko maisip na may pagka isip bata pala si Kyle. Ang alam ko kasi si Janna. Oo, bata pa lang kami kasama ko na 'yan kaya nakikita ko pagiging childish n'yan. Si Vanessa naman tuwing nasa dorm kami nagiging isip bata. Si Cindy at Jhed naman always naman e. Mas malala lang si Jhed at malala ang kaingayan ni Cindy. Si Ivan? Mukha naman e tsaka madalas ring sabihin sa akin ni Klay na may pagka isip bata 'yan. Kahit nga ako sinabihan ni Klay na isip bata. Bwisit na lalaki' yon.

"Hep!" Humarang sa harap ko si Klay at pinigilan ang anim na lumapit sa akin.

"Bakit ba Rence?" Pag rereklamo ni Ivan.

"Bawal! Baka madaganan niyo siya." Alam kasi naming tatakbo sila sa akin at aambahan ako ng yakap, ginawa na nila sa akin 'yan nung isang linggo. Halos daganan nila ako lahat lalo na silang anim dahil sa sobrang pag kamiss nila. Hahaha.

"Napaka ano mo naman! Araw araw kasama mo siya. Hindi na namin siya nakakasama." Nakasimangot na saad ni Vanessa.

"Oo nga Rence! Pinag dadamot mo na sa amin ang pinsan ko." Natawa ako ng malakas dahil sa mga mukha nila.

"Ikaw?! Bakit mo kami tinatawanan?!" Saad ni Cindy.

Nanlaki ang mata ko ng akma silang lalapit sa akin.

"Waaah! Klay! Takbooooo!" Saad ko tsaka hinila si Klay.

"Hoy! Asha bumalik ka rito!" Sigaw nilang lahat. Tumakbo kami ni Klay sa likod ng school tsaka tumawa ng tumawa.

Tumakbo lang kami hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Dali dali kaming sumakay doon, pag kasakay namin ay agad rin iyong pinaharurot ni Klay.

"Where are we going?" I asked.

"I don't know? Kung saan hindi sila makakasunod?" He asked.

"Ano ba 'yan Klay. Wala kang plano?" Natatawang saad ko.

"Movie Marathon tayo sa condo ko?" He suggested. Nag isip naman ako bago ako tumango.

"Okay ka na ba?" He asked. Alam ko naman kung anong ibig sabihin niya.

Tinignan ko naman siya at nginitian.

"Walang mangyayari sa akin kung iiyak lang ako and besides they don't want me to be like this. Ayaw nila lol na mag mukmok ako, siguro dapat mag move on na ako. Kasi kahit naman ilang baldeng luha pa ang iiyak ko, hindi na sila babalik." Saad ko at tumingin sa labas.

"So, I guess I'm getting better little by little." Dugtong ko pa.

"Just don't dorce yourself." Paalala niya.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon