Nakabalik na kami sa rest house na wala pa ring nag sasalita sa amin.
Bago pa kami makapasok bumungad sa harapan namin si Klay.
"Saan ka galing?" Seryosong tanong niya sa akin.
"Nag pahangin lang kami pre." Sagot naman ni Kyle.
"I'm not asking you." Then he looked at me.
"Yan ba ang nag papahinga? Tsk!" After saying does words ay tinalikuran niya na kami.
"Anong problema ng lalaking 'yon?" Takang tanong ko.
"Sige na mag pahinga ka na." Tinanguan ko s'ya tsaka umalis.
3rd Person
"Boss mag papakita ka na po ba sa kanila?"
"Hindi muna. Hayaan muna natin sila na mag saya."
"Basta ihanda n'yo lahat ng kakailanganin, pati na rin ang sarili niyo. You can go." I added.
Yumuko naman s'ya at umalis na.
Sige lang Ashanti mag pakasaya ka lang dahil darating ang araw na luluhod ka sa harapan ko at mag mamakaawa.Kukunin ko ang lahat na dapat ay sa akin. Mag babayad kayo ng pamilya mo Ashanti. Sisingilin ko kayo ng mahal sa lahat ng ginawa n'yo, sinira n'yo ang buhay ko at ganoon din ang gagawin ko.
Ashanti
Nakatingin lang ako dito sa labas ng bintana sa kwarto ko ng may nag salita sa likod ko.
"Asha?" Sa boses palang alam ko ng si Shawn ang tumawag sa akin. I didn't answer.
"I'm sorry about what happened yesterday. Alam kong ayaw mo akong nakikipag away kaya I'm really sorry. Yung mga sinabi ko na gusto kita totoo lahat iyon at totoo rin na simula pa noong highschool gusto na kita. It sounds crazy right? Hahaha wala e. Hindi ko alam kung anong ginawa mo para magustuhan kita ng ganito pero mukhang hanggang kaibigan lang ang maibibigay mo sa akin, kaya okay lang. Makita lang kitang masaya kahit hindi sa akin, masaya na rin ako. I'm always here for you. If you need a friend I'm here. You can tell me if you have a problems." Habang sinasabi niya ang mga salitang iyon ay hindi ko s'ya nilingon.
"Bababa na ako bumaba ka na rin ready na ang breakfast." Tumayo na s'ya at lalabas na sana ng pinto nang tawagin ko siya.
"Shawn." Pigil ko sa kanya, tumingin naman s'ya sa akin.
"I'm sorry." He chuckled when I said my sorry.
"It's okay Asha. I already accepted it. I just wish na hindi maapektuhan ang pagkakaibigan natin because of what I confessed." Ngumiti muna s'ya sa akin bago lumabas na ng tuluyan.
Yung ngiti niya halatang pilit. Buntong hininga ako tsaka na rin lumabas. I know he's hurt and I'm sorry for that, hindi ko kayang suklian 'yong pag mamahal na ibinibigay niya sa akin. Sana nga at hindi ito ang maging dahilan ng pag kasira ng pag kakaibigan namin.
Hindi ko man pinapakita pero he is one of the important people that I treasure the most. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nawala siya.
Lumabas ako ng rest house dahil hindi ko makita ang mga kaibigan ko.
Nakita ko sila na nakaupo lahat kasama ang mga kaklase namin sa long table na kaharap ng beach.
"Hey." Bungad sa akin ni Xyril, tinanguan ko naman s'ya bilang sagot.
Naupo ako sa katabing upuan ni Vanessa.Nang matapos kumain ay pumunta ako sa isang malaking puno.
"Saan kayo nag punta ni Kyle kagabi?" Napatingin ako ng may nag salita sa likod ko.
"Wala." Maikli kong sagot.
"Tsk! Mukhang nag enjoy ka sa lakad n'yo kagabi." Nakita ko ang mukha niya na walang ekspresyon.
"Ano naman ngayon kung nag enjoy ako sa lakad namin kagabi?" Tumingin s'ya sa akin ng diretso tsaka lumapit sa akin. Ilang inch na lang ang pagitan naming dalawa."May gusto ka kay Kyle?" He asked.
"W-wala." Sh*t bakit ka nauutal.
"Why are you stammering?" Tinulak ko s'ya at tinignan ng masama.
"Masama ba mautal?!" Napangisi naman siya."Hindi. Tama si Janna manhid ka nga." Ano bang problema niya?
"Bakit ba paulit ulit niyong sinasabi na manhid ako ha?" Inis na tanong ko
.
"Kasi manhid ka naman talaga." Sa sobranh inis ko, sinapak ko s'ya."F*ck! Para saan yun?!" Ops, nagalit ata.
"Oo na manhid na kung m---" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan sa labi.
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. H-hindi ako makagalaw, gusto ko s'yang itulak pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Maya maya lang ay humiwalay na s'ya sa akin. Tinignan ko s'ya ng masama.
"Why did you kiss me?! Kinuha mo first kiss ko. Damn you!" Hinahampas hampas ko s'ya pero s'ya ay todo iwas lang.
"Hey stop it." Nakakainis.
"Bakit mo nga ako hinalikan?!"
"Baka sakaling mabawasan pagiging manhid mo. Siguro naman may clue ka na sa feelings ko?" Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.
"Your lips are sweet ha." Nakita ko siyang nakangiti ng malapad.
"Damn you! I hate you!""I love you, too." Namula ako sa sinabi niya.
"You are blushing. Ang cute mo. HAHAHAH" Sa inis ko tinulak ko s'ya kaso wrong move hinila niya ako kaya nasa ibabaw niya ako ngayon.
Tinitigan niya ako tsaka hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.
"If I told you, I love you. I mean it. I will court you Astrielle at seryoso ako doon." Bigla akong tumayo sa sobrang pag kailang.
"A-aalis n-na a-ko." Matapos ko iyong sabihin ay tumakbo ako.AAAAAAH! Bakit ba ganito? Bakit pinapasakit niyo ang ulo ko? Nung last time it's Liam who confessed ang he wanted to court me again, kahapon it's Shawn and Kyle and now Klay?! What the f*ck is wrong with those people?!
Ikakabaliw ko ang pag amin sa akin ng apat na lalaking iyon.