Chapter 43

3.9K 65 0
                                    

"Okay class since malapit na ang midterm exam niyo. Hindi na ako mag tuturo tutal tapos na ang lesson natin kaya mag r-review na lang ako. Now, go to the library and review para naman may maisagot kayo sa midterm exam. Class dismiss." Saad ni Mrs. Villalon kaya tamad kaming tumayo.

"Ano ba 'yan. Kawawa utak ko nito." Reklamo ni Ivan.

"Sasabog brain cells ko." Reklamo rin ni Cindy. Mag jowa nga talaga sila parehas silang maingay at mareklamo.

"Reklamo kayo ng reklamo d'yan. Tara na nga." Saad naman ni Jhed.

"Maka saway akala mo naman hindi sasabog ang brain cells. Sa math pa nga lang suko ka na." Saad ni Cindy kaya agad siyang tinignan ni Jhed ng masama.

"Kesa naman sayo lahat ng subject suko na." Talagang sumagot pa.

"Like duh! History lang yun 'no!" Napailing na lang si Phoebe dahil nag uumpisa na naman mag away ang dalawa.

"Sasama ka sa library?" Taas kilay na tanong ni Jhed.

"Oo. Mag rereview ako! Bakit?!" Taas kilay rin na tanong ni Cindy.

"Mag r-review ka pa wala ka namang natututunan." Gatong ni Jhed.

"As if may natututunan ka rin." Pang babara ni Cindy.

"Oo. Mag babasa ka pa pag dating naman ng exam mangongopya ka rin." Napailing na lang ako sa sagot ni Jhed. Nag lalaglagan na sila. Hay naku.

"Wow ha! Kailan ako nangopya? Baka ikaw ang nangongopya." Saad naman ni Cindy. Para hindi na humaba ang sagutan nila agad na akong pumagitna.

"Nag sasagutan pa kayo d'yan parehas lang naman kayong nangongopya sa'kin." Kibit balikat na saad ko. Kasi totoo naman e. Parehas silang nakikinig sa lesson pero walang natututunan, pareho silang nag babasa wala rin namang maintindihan sa binabasa kaya pag dating ng exam nangongopya sa'min ni Phoebe.

"Hoy anong sayo. Kay Phoebe kami nangongopya 'no!" Sigaw nilang dalawa. Kaya agad akong napangisi at lumingon sa kanila.

"Edi lumabas din ang totoo na nangongopya kayo." Napanganga naman sila sa sinabi ko.

"Naisahan mo kami doon ah. Pero atleast kay Phoebe parin kami nangongopya." Usal ni Cindy.

"Oo nga ang damot mo kaya sa sagot." Pag sang ayon ni Jhed.

"Last year. Saan galing ang sagot niyo sa English?" I asked.

"Sayo." Sabay na sagot nila.

"Ang ICT?"

"Ah, sayo rin."

"Ang Filipino?"

"Sayo ulit."

"Ang Science?" Nakangisi kong tanong.

"Kay Phoebe." Sagot nila kaya agad akong napatingin sa kanila.

"Ay hindi sayo rin pala." Sagot ni Jhed.

"Ang math at history?" I asked.

"S-sayo rin." Utal na saad nila.

"So sinong madamot sa sagot?" Tanong ko pa.

"Ikaw!" Sabay na sigaw nila.

Napangisi na naman ako ng may pumasok na idea sa utak ko.

"Okay sabi n'yo e. Sa midterm exam wag kayo tatabi sa akin ha." Nanlaki naman ang mata nila sa sagot ko tsaka inangkla ang braso nilang dalawa sa braso ko.

"Nag bibiro ka lang naman 'di ba Asha? Hindi ba?" Tanong ni Cindy.

"Mukha ba akong nag bibiro?" Nakangiwing tanong ko.

"H-hindi." Saad niya pa.

"Hoy Asha. Yung k-kanina joke lang yun. Ikaw naman hindi ka mabiro e." Pang babawi ni Jhed sa sinabi nila kanina.

"Pwes ako hindi nag bibiro." Malamig na turan ko at nauna ng mag lakad.

"Hay naku ayan kasi. Mukhang hindi na kayo papasa sa midterm ah." Rinig kong pang aasar ni Phoebe sa kanila.

"Papakopyahin mo naman kami 'di ba Phoebe?" Rinig kong tanong ni Jhed.

"Hindi. Sino nag sabi? Bahala kayo d'yan." Saad ni Phoebe tsaka tumakbo papunta sa akin at inangkla ang braso niya.

"Phoebe/Asha!" Saad nilang dalawa at tumakbo papunta sa amin.

Nakarating kami sa library na hindi pa rin natigil sa pangungulit ang dalawa. Grabe, pursigedo talaga silang mangopya kesa sa mag review. Kagagaling naman. Bakit ko ba naging kaibigan ang dalawang 'to.

Tahimik akong nag babasa ng libro ng may humawak ng kamay ko sa ilalim ng table. Agad kong nilingon si Klay dahil s'ya lang naman ang gagawa nun.

Pero nakita ko siyang sa libro nakatingin at hindi sa akin. Nag r-review rin siguro.

"Ahm guys? Kanina pa tayo nag r-review baka pwedeng kumain muna tayo sa cafeteria?" Napatingin kami kay Vanessa ng mag salita siya. Kasama nga pala namin s'ya.

"Sige gutom na rin ako e." Sagot ni Kyle.

"Lagi ka namang gutom." Napatingin kami kay Janna sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman na lagi siyang gutom ha Janna?" Tanong ni Ivan sa kanya.

"Wala lang." Liar. Sa tingin niya ba mapapaniwala niya ako.

"Are you dating?" Tanong ko kaya napatingin sila sa akin. Si Janna naman nasamid sa sarili niyang laway.

"A-anong p-pinag sasasabi mo A-asha?" Utal na sagot ni Janna. Nginisihan ko naman s'ya.

"Crap that smirk! It's creepy. You're giving me a goosebumps." Reklamo niya.

Tumingin ako kay Kyle at nag salita.

"May ginagawa ba kayong hindi namin alam?" Seryosong saad ko kaya naman napalunok s'ya.

"Ha-Ha-Ha. Ano ka ba naman Asha s-syempre w-wala." He said while looking at me uneasily.

"I don't believe you." Saad ko.

"Ano bang pinag sasasabi mo? Kami nag d-date? Ni Kyle? Hahaha! Hindi ah." Napangiwi ako sa sagot niya.

"You are not good at lying Janna Mendez! Alam kong may something sa inyo ni Kyle. It's not a problem. Susuportahan pa namin kayo." Saad ko. Napapalunok naman silang dalawa.

"Ahm, ganito kasi yan--" Pinutol ko ang sinasabi ni Kyle.

"Yes or No?" I asked.

Tumahimik naman silang dalawa.
"Silence means yes. Let's go Klay." Saad ko at tumingin kay Klay tumayo naman s'ya at inakbayan ako.

Pinag titinginan kami ng ibang estudyante habang nag lalakad.

"Omg?! Don't tell me, they're in a relationship na?"

"Hindi sila bagay, mas bagay pa rin talaga sa akin ni Terrence."

"Wala na. May nag mamay ari na ng puso ni papi Terrence."

"Ano bang nagustuhan ni Terrence sa kanya?"

"Baka ginayuma niya."

"Nilandi niya ata."

Lalapitan ko sana sila ng hawakan ni Klay ang kamay ko.

"Don't mind them, hindi naman totoo ang sinasabi nila sayo." Nakangiting saad niya. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango na lang.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon