Friday na ngayon at ngayon na namin malalaman kung sino sino ang pasok sa top 10.
"Hoy Elle! Ano tulala? Tara na punta na tayo sa bulletin." Sinamaan ko ng tingin si Liam dahil sa sinabi niya.
Kinginang 'to! Porket sinagot na ni Jhed.
"Easy Astrielle. Luluwa na mata mo e." Natatawang saad ni Klay kaya tinignan ko rin siya ng masama tsaka umirap at padabog na tumayo.
"Tignan mo 'yon! Lakas ng tama! May red tide siguro init ng ulo e." Rinig kong saad ni Ivan. Kaya hinagis ko ang libro ko sa kanya.
"Aray!" Rinig kong saad niya. Hahahaha! Partida naka talikod pa ko niyan.
"Hala munchkin! Okay ka lang?" Takte? Munchkin? Anong endearment 'yon? Ang corny.
Nakarating naman kami sa bulletin board.
"Omo! Waaaah! A-astriiii! You arw still on top! Top 1 kaaaa!" Masayang saad ni Janna at niyugyog pa ako.
"Ano ba!" Usal ko. Pinatabi ko ang ibang estudyante at tumingin ako sa bulletin. Ganoon din ang ginawa ng iba maliban kay Janna nakita niya na e. Mabilis kasi makasiksik, paano bansot."1. Ashanti Astrielle Mendez
2. Luhan Gabriel De Leon
3. Kyle Gomez
4. Justin Padilla
5. Phoebe Denise Vargas
6. Erickson Francisco
7. Xyril Mendez
8. Vanessa Lopez
9. Maica Madrid
10. Terrence Klay Imperial." Basa ni Shawn."Congrats Astri. Wala ka pa ring kupas." Saad ni Xyril at niyakap ako.
"Yohoooooo! Wala ng pasok sembreak na! Tara celebrate tayo. Congrats guyssss!" Sigaw ni Jhed. Napangiwi naman ako. Parehas lang sila ni Cindy, maingay mas maingay lang si Cindy sa kanya at isip bata. Iiling iling akong nag lakad, dahil nakaakbay si Klay sa akin natangay ko siya.
"Congrats Astrielle." Nakangiting saad niya.
"Congrats din Klay." Bati ko pabalik.
"This is the first time na nakapasok ako sa top 10." Wala sa sariling saad niya.
"Puro ka kasi kalokohan." Saad ko.
"Ayon nga pero nung dumating ka, ginanahan akong mag aral ng mabuti. Kaya nakapasok na ako sa top, kahit sa 10th place lang." Saad niya. Natawa naman ako.
"Ang landi mo." Saad ko habang nakangiti.
"Why? Sayo lang naman e." Saad niya kaya namula ako.
"You're blushing, I like that." Sabi niya kaya binatukan ko nga.
Nandito kami ngayon sa bar dahil mag c-celebrate daw kami dahil pasok kami sa top 10, pero hindi ako umiinom ayaw kasi ako painumin ni Klay pero s'ya ayun nainom bwisit! Wala akong magawa kaya tinititigan ko na lang sila isa isa habang nag aasaran.
"Nakanang Rence! For the first time naka pasok sa top 10!" Sigaw ni Ivan hindi pa naman siya lasing kasi kakaumpisa lang nila mag inuman, sadyang ganyan lang talaga ang bunganga ni Ivan.
"Syempre inspired e." Gatong naman ni Luhan sabay tingin nila sa akin ng nakakaloko kaya namula ako.
"Hoy! Pero si Asha nag bago! HAHAHAHA natuto ng tumawa at ngumiti, hindi na malamig HAHAHAHA!" Pang aasar naman ni Shawn kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sila naman tawa ng tawa.
"Lakas ng epekto ni Rence sa pinsan namin ah. Biruin mo yung yelo natunaw!" Saad ni Xyril. Kakaumpisa pa lang nila pero kung makasigaw akala mo mga lango na sa alak.
"Syempre pag tinapatan mo ng apoy ang yelo matutunaw. Bagay nga kayo! Kasi si Rence mainitin ang ulo tapos ikaw naman daig pa yellow. Bagay talaga kayo!" Gatong pa ni Vanessa. Nakakaurat. Lalakas ng tama.
"Hoy wag kayo! Nung naging sila nabawasan pagiging mainitin ng ulo niyan. Bumait bait nga e. Salamat Asha! Hindi na kami nabubugbog ni Rence!" Saad naman ni Ivan.
"Ako bubugbog sayo." Usal ko kaya napalunok naman siya kaya natawa ako.
May nakita akong baso ng tequila, kukunin ko sana iyon ng paluin ni Rence ang kamay ko tsaka siya ang uminom ng tequila.
"Aray ko naman e!" Reklamo ko.
"Gusto ko uminom Klayyyyy!" Pag mamaktol ko."Tumigil ka d'yan Astrielle. Juice ang inumin mo hindi alak." Saad niya at seryosong nakatingin sa'kin.
"Tsk! Pag siya nainom ako, pag amo bawal! Kainis!" Saad ko at nag cross arm. Nakita ko naman na nakatingin sila sa amin, mali sa akin pala.
"Ano?!" Taas kilay na tanong ko.
"Wow ang yelo naging isip bata." Manghang saad ni Kyle. Kaya napasimangot naman ako."HAHAHAHAHA!" Tawanan nila.
Hindi na lang ako nag salita, bahala sila nakakainis e. Celebrate tapos sila lang? Ako hindi? Ako top 1 kaya dapat kasama ako! Argh! Bahala ka nga d'yan Terrence Klay Imperial, bukas na bukas hindi kita kakausapin bwisit ka! Miss ko na alak e!!!! Ano ba naman kasi 'yan! Si daddy nga walang pakialam kahit malasing ako ng todo tapos siya wala pa kong naiinom bawal na. Aish! Naistress ako sa lalaking ito. Pasalamat siya mahal ko siya kung hindi baka nakabitin na siya patiwarik. Leche!Aha! HAHAHAHA! Bukas walang pasok sa bahay na lang ako mag iinom.
"Hala? Nababaliw ka na Asha? Natawa ka mag isa." Napatingin sila sa akin lahat ng mag salita si Jhed.
"Leche!" Saad ko at tumayo. Lalabas na lang ako. Naiinggit lang ako sa kanila e.
Bwisit ka talaga Terrence Klay Imperial, bakit ka ganyan.