Tapos na ang isang linggong pag p-practice namin para sa pageant at ngayon ay pageant na.
Nandito kami ngayon sa likod ng stage, nag aayos. 10 lang kaming mga candidate at pang anim kami, kunti lang ang sumali sa pageant, hindi ko alam sa ibang section ayaw ata nila.
Pag katapos kong mag ayos ay umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa backstage, hindi ko maiwasang isipin yung nangyari kahapon. Oo, alam kong lalaki s'ya pero hindi ko alam kung kanino boses iyon, hindi ko nga rin nakita ang mukha n'ya e, dahil sa nakamaskara s'ya pero alam kong isa s'ya sa mga Newton Empire ang kalaban ng MZ Empire. Paano ko nalaman na isa siya sa Newton Empire? Well mayroon s'yang tattoo ng NE. Isang bilog na may apoy sa gitna. Minsan ko ng nakalaban ang isang gangster ng NE at nakita ko na may tattoo sila. Kaya masasabi kong yung mga nag tangkang pumatay sa akin ay isa sa mga tauhan ni Danilo Newton.
"Ang lalim ng iniisip mo ah." Napatingin ako kay Terrence na nakasuot ng simpleng white t-shirt at pantalon, kaya kapansin pansin ang magandang hubog ng katawan n'ya dagdagan pa ng---sh*t bakit ang gwapo--erase wala akong sinabing gwapo. Oo tama wala. Hays! Oo na gwapo na s'ya. Well, araw araw naman e. Mas gwapo nga lang ngayon.
"Ah wala may naalala lang." Sagot ko.
Nung mga araw na nag papractice kami doon ko nakikita ang totoong ugali niya, mabait naman siya kaso mayabang pa rin. Nature na yata niya iyon na hindi na maaalis sa kanya."Ready ka na ba?" He asked.
"Yeah!"
"Ano nga palang nangyari sa leeg mo kahapon?" He asked.
"Wala 'yon." Saad ko habang iniiwasan ang tingin niya. Hindi n'ya pwedeng malaman yung nangyari.
"Okay, malapit ng mag simula ang pageant kaya pumunta na kayo sa mga pwesto n'yo." Sabi ng staff.
Maya-maya lang ay nag umpisa na ang pageant nakita ko silang lahat na nag lalakad na sa stage. Nakakaramdam tuloy ako ng kaba. Sana hindi ako matapilok. Bwiset!
Napatingin ako kay Terrence ng hawakan n'ya ang kamay ko."Don't be nervous. I'm here, I will support you, no matter what." Then he smiled. Agad ko naman iyong tinanguan.
"Candidate number 5, Mr. Terrence Klay Imperial." Agad namang lumabas si Klay at rumampa. Lahat naman sila ay nag palakpakan at ang mga babae ay hindi mag kamayaw kakatili.
"Next is Ms. Ashanti Astrielle." Huminga muna ako ng malalim bago lumabas, nag si palakpakan naman silang lahat at nag titilian, ang mga kaklase ko lalo na sila Phoebe, Jhed, Cindy at Vanessa, sila Liam at Shawn naman ay nakangiti nag thumbs up pa si Shawn.
Matapos naming rumampa ay talent portion na.
Nang tawagin si Klay agad s'yang pumunta sa stage at nag sayaw. Gaya ng prinactice n'ya The Eve ng Exo ang sinayaw n'ya at aaminin kong mas gumaling siya. Hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang galing niyang sumayaw. Hindi ko rin maiwasang sabihin sa sarili ko na ang hot n'ya. Kainis! Natutunaw na ata yung cold side ko dahil sa kanya.
Sunod naman akong tinawag kaya inumpisahan ko ng kantahin yung prinactice ko. Nakapikit ako habang kumakanta. Nang matapos ay agad akong bumaba sa stage para mag palit ng gown. Bakit pa kasi kailangan pa ng long gown akala mo naman Ms. U yung ginagawa namin, simpleng pageant lang naman sa school. Tsk! Kung kanina nakasuot ako ng black silk flower print strappless dress, ngayon naka black long gown ako na medyo kumikinang kinang pa. Pag labas ko naman ng dressing room nakita ko si Klay na naka black tuxedo na lalong naka pag pagwapo sa kanya. Nakita n'ya akong nakatingin sa kanya kaya umiwas ako ng tingin.
'Ano ba pinag gagagawa mo Ashanti' Bulong ko sa sarili ko.
Lumapit si Terrence sa akin at agad na kinuha ang kamay ko tsaka n'ya inangkla sa braso n'ya.