Chapter 42

3.9K 62 0
                                    

Aish! Hindi ako makatulog. Nakakainis kasi. Naaalala ko parin yung kiss namin ni Klay.

"Aish!" Tumayo ako sa pag kakahiga at pumunta sa fridge at kumuha ng tubig.

Kinabukasan

Nandito ako ngayon sa classroom at tahimik lang na pinag mamasdan ang mga kaibigan ko.

"Oh? Asha anong nangyari? Bakit mukhang puyat ka? Ang laki ng eyebags mo oh." Bungad sa akin ni Vanessa at umupo sa tabi ko.

Hindi ko siya sinagot at dumukdok na lang sa desk.

"Kainis ka! Iniwan mo ko sa dorm. Hindi mo man lang ako hinintay." Saad niya ulit kaya tinignan ko siya at inirapan.

"Ang sungit. Hmp!" Sabi niya at inirapan din ako.

"Hoy! Asha may mood swings ka na naman ba?" Tanong naman ni Jhed. Kaya ayon napatingin sa akin 'yong mga kaibigan namin.

"Tsk!" Turan ko lang.

"May mood swings nga." Pag sang ayon ni Jhed.

"Hoy Rence! Anong nangyari d'yan? Iniwan mo lang 'yan sa library nag kaganyan na." Rinig kong sabi ni Ivan.

"I don't know." Sagot naman ni Klay.

"Pwede ba! Wag nga kayong maingay. Nakakainis e." Saad ko kaya bigla silang napatingin sa akin dahil sa gulat.

"Hala? Ano bang nangyayari sayo Asha?" Gulat na tanong ni Shawn.

"Can't you see?! I'm lack of sleep! Ikaw! Kasalanan mo 'to e." Sigaw ko sabay turo kay Klay.

"Ano na naman ginawa ko?" Nakataas na noong tanong niya.

"You freaking kissed me!" Saad ko. Imbes na sumagot ay nakita ko lang siyang ngumisi, na realize ko kung ano ang sinabi ko kaya napatakip ako sa bibig at gulat na napatingin sa kanila.

Nakatingin din sila sa akin na kagaya ko ay mukhang gulat din dahil sa sinabi ko.

"A-anong sa-bi mo? T-Terrence ki-kisses you?" Gulat na tanong ni Cindy. Napatingin naman ako kay Klay at nakita ko siyang nakangiti.

"Grrr." Saad ko at umalis.
Nakakainis! Nakakahiya! Ano bang sinabi mo Ashanti Astrielle Mendez. Dapat sayo na lang iyon e.

"Argh! This is bullsh*t!" Naiinis kong turan.

"Can you please stop cussing." Napatingin ako sa likod ko ng may nag salita.

Nakita ko si Klay na nakatingin sa akin ng diretso.

"Aish! What are you doing here?!" Inis na tanong ko, bigla naman siyang ngumiti.

"You didn't tell me na I'm a reason kung bakit ka may mood swings." Namula naman ako sa sinabi niya.

"Argh! Cut it Klay." Inis na sabi ko.

"Klay? I don't think you should call your boyfriend like that." Napairap naman ako sa sinabi niya.

"Anong gusto mo?!" Taas kilay na tanong ko.

"Honey? Darling? Sweetheart? Baby? Babe? I don't know." Kibit balikat na sagot.

"Shut it! Ang corny mo!" Tumawa naman siya sa sinabi ko at agad na lumapit sa akin.

"A-ano na n-namang ga-gagawin mo?!" Heto na naman ako. Nauutal na naman.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi pero smack lang tsaka agad tumakbo.

"I hate you Terrence Klay Imperial! Damn you!" Sigaw ko sa kanya at sinabunutan ang sariling buhok.

Nakakainis. Hindi parin ako sanay sa pagiging malandi niya. Mas sanay ako sa kayabangan at kagaguhan niya pero darn! Naiilang ako tuwing ang sweet niya at tuwing ang harot niya. Aish!

Makabalik na nga lang sa dorm, matutulog na lang ako.

Terrence

Bumalik ako sa room na mag isa, ewan ko kay Astrielle. Hindi na naman ata papasok iyon dahil sa sobrang hiya niya sa sinabi niya kanina.

Natatawa pa rin ako kapag naaalala ko kung anong sinabi niya kanina, hindi ko akalain na ganoon pala ang epekto ko sa kanya? Halos hindi na siya makatulog kakaisip sa nangyari kahapon? I reallh love that woman.

"Hoy Terrence! Ngiti ngiti mo d'yan?! Mag papaliwanag ka sa amin."

"Anong ipapaliwanag ko?" Maang maangan ko kahit alam ko na kung ano ito.

"Why did you kissed my cousin?" Taas kilay na tanong ni Janna.

"Can't I kiss my girlfriend?" I said.

"WHAT?! GIRLFRIEND?!" Gulat na saad nila.

"Yeah, Astrielle is my girlfriend."

"Since when?" Vanessa asked.

"Since yesterday?" Patanong din na sagot ko.

"You aren't sure kung kailan naging kayo?"

"Yesterday." Pag lilinaw ko.

"Tangina pare ang bilis mo naman, ni hindi nga namin nalaman na nililigawan mo si Ashanti e." Saad no Ivan.

"Kailangan ko pa ba sabihin sa inyo iyon? Besides kayo rin naman patagong nalandi sa isa't isa." Nakangising saad ko na ikinagulat nila.

"What do you mean?" Xyril asked.

"Ah, you all thought that I don't know anything? Well actually I know anything. Luhan and Phoebe are now in a relationship, right Phoebe?"

"Wait what?" Gulat na naman si Jhed. Ganito ba talaga 'to si Jhed? Lagi huli sa balita?

"Hoy totoo ba sinasabi ni Rence?" Tanong niya pa kay Phoebe.

Nahihiya namang ngumiti si Phoebe.

"Wag mo ko ngini-ngiti ngitian, ano?"

"Ah, yes Jhed, Phoebe and I are in a relationship." Umamin ka din.

"Sino pa? Umamin na kayo please lang." Saad naman ni Kyle.

"Si Ivan at Cindy ay in a relationship na din." Pang lalaglag ni Jhed sa kanila.

"Ang lalandi niyo naman." Saad ni Vanessa. Ang bitter ng babaeng 'to, bakit kasi ayaw niya pa umamin sa pinsan ni Astrielle? Ito namang si Xyril ganoon din. Ang torpe ni Xyril pag dating sa babae, halata namang may gusto rin siya kay Vanessa.

"Bakit hindi pa na amin yung iba d'yan? Ang torpe mo naman Xyril." Nakangiting saad ko.

"Ano sinasabi mo?" Takang tanong niya.

"Kung ako sayo aamin na ako, sige ka baka maunahan ka? Ikaw rin." Pang aasar ko.

"Hoy! Manahimik ka d'yan ah!" Saad nito.

"Bakit? Sinasabi ko lang naman na umamin ka na, wag ka ng mag paka torpe. Hanggang pa simpleng tingin na lang ba kayo? Naku naku." Saad ko habang nakatingin kay Vanessa ng nakangiti.

"Anong klaseng ngiti yan Terrence." Pag puna ni Shawn sa ngiti ko.

"Ano na naman Shawn?" Tanong ko.

"Parang ang dami mong alam ah." Saad nito.

"Of course. Ako pa ba? Lahat nalalaman ko kahit hindi niyo sabihin, hindi ba Vanessa."

Gulat naman siyang tumingin sa akin.

"A-ano?" Utal na tanong niya.

"Wala." Saad ko.

Caecídi I: CODE 007: Guns and Roses (REVISING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon