Chapter 1: The Party Girl

64.7K 1.4K 45
                                    

"Whooo! More Margarita! More! More! More!" Sigaw ko habang sumasayaw. Nandito kami ngayon sa isang bar sa Malate na hindi ko alam ang pangalan dahil basta lang kaming pumasok at pang-apat na bar na namin 'to ngayong gabi.

"Party, party!" Sigaw naman ni Lisa, kasamahan ko sa radio station.

Alam kong lasing na ako pero hindi ako makaayaw sa alak. Bakit ko ba ginagawa 'to sa sarili ko? I'm dancing like I own the dancefloor. I probably look so wasted but I don't really care. My self-respect is completely dulled by alcohol.

"Ay kabayo!" Nabulalas ko nang may biglang humawak sa baywang ko.

"Hi, miss. Enjoying the party?" Hinila niya ako palapit.

"Uhh.. Excuse me. Wrong send ka yata." Tiningnan ko siya at nakita ko ang malisya sa mata niya. Mukhang manyak!

"Hindi. I've been watching you for the past 15 minutes." Sabi niya na parang sini-seduce ako.

"So?" Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya sa baywang ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Let go of me." Kalmado kong sabi.

"No. Go with me." Naamoy ko ang alak sa hininga niya. He's dancing and rubbing himself against me. What a perv!

"I don't know you. Let go of me!" Inalis ko ang kamay niya pero mas malakas siya sa akin. Halos magkadikit na ang katawan namin. Para siyang bingi na patuloy ang pagsasayaw hanggang sa napansin kong bumababa ang kamay niya sa puwet ko habang ang mukha niya ay papalapit sa akin.

"Bastos kang hayop ka!" Sumigaw na ako at napalingon ang ilang tao sa dance floor dahilan para mapabitaw siya sa akin. I grabbed the opportunity and fled.

Lumabas ako sa bar at tumawag ng taxi pauwi sa apartment ko. Bigla akong mahimasmasan at nawala yata ang pagkalasing ko dahil sa lalakeng 'yon. Manyak! Anong akala niya sa 'kin pipityugin! Bwisit! Nagpatuloy ako sa pag-aalburoto hanggang sa makarating ako sa babaan ko. Kailangan ko pa maglakad dahil hindi na makakapasok ang taxi gawa ng maliit na ang daan. Nagsimula na akong maglakad.

"Pssst. Ganda ni Alex ngayon mga tol oh!" As usual, may nag-iinuman na naman sa kanto. Alam ko na 'to eh. Mga manyak din 'to pero basta 'wag lang pansinin eh hindi naman sila nang-aano. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko sila nilingon dahil hanggang ngayon inis pa 'ko.

"Uy, oo nga." Dugtong naman ng isa. "Kausapin niyo nga pare." Binilisan ko na ang paglalakad. Ngayon ako nagsisisi kung bakit ako nagsuot ng maikli at fit na tube dress. Naramdaman kong may sumusunod sakin.

"Uy, Alex sandali, shot ka muna!" Hindi ko nilingon alam kong sumusunod nga sila. Patay! Wala pa naman ibang tao sa paligid. Malamang dahil mag-uumaga na. Nagsisimula na akong kabahan. Halos tumatakbo na ako kaso ang taas ng heels ko baka madapa ako. Bakubako pa naman ang daan.

"Alex, bakit ka nagmamadali?" Naabutan tuloy ako ng dalawang lasing. Hinawakan ako ng isa sa braso.

"Uuwi na po ako." Sabi ko at nagsimula muli akong maglakad.

"Shot ka muna." Pilit naman ng isa. Halatang lasing na lasing ang mga ito.

"Kailangan ko na po umuwi eh." Paliwanag ko.

"Shot ka na nga muna sabi eh." Mahigpit na ang pagkakahawak niya.

"Please po. Kailangan ko nang umuwi." Natatakot na talaga ako.

"Hindi ka uuwi hanggat hindi ka namin nate-table." Sabi ng isa.

"O nakakakama." Sabi naman nung isa sabay tawa nang malakas. Doon na ako nagsimulang magpumiglas at sumigaw.

"Tulong! Tulong! Parang awa niyo na! Tulong!" Sigaw ko habang pinagtulungan ako ng dalawa.

"Tulong! Tulong! Bitawan niyo ako!"

"Tumigil ka. Walang makarinig sa 'yo dito."

"Tulong! Please!" Tinakpan ng isa ang bibig ko. Tumutulo na ang luha ko habang kinakaladkad nila ako. Sinubukan ko pa rin sumigaw kahit na may kamay na nakatakip sa bibig ko pero wala talaga. Ito sa lahat ang kinakatakutan ko- ang ma-rape! Diyos ko! Tulungan niyo po ako! Magtitino na po ako tulungan Mo lang po ako!

May narinig akong kumaluskos sa may puno at napalingon ako. May biglang lumabas na lalakeng mahaba ang buhok na nakasuot ng mahabang damit. Nanlaki ang mga mata ko at muling nagpumiglas at sumigaw.

"Tulong!" Hinarangan ng lalake ang dalawang lasing.

"Hoy! Tapos na ang semana santa. Tumabi ka d'yan!" Sigaw ng isa pero hindi nagsalita ang lalake. Pinilit dumaan ng dalawang lasing habang hawak ako pero humarang ulit siya. Tinawag ng mga lasing ang ibang kasamahan nila na bigla naman tumakbo palapit sa amin. Jusko! Makaya niya kayang ipagtanggol ako? Sinubukang suntukin ng isang lasing ang misteryosong lalake pero bigla siyang namilipit at natumba dahilan para sumugod nang sabay-sabay ang iba niyang kasama. Natalo niyo ang mga ito. Nagdilim naman ang paningin ko at nanghina ang mga tuhod ko. 

Mahihimatay yata...

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon