CHAPTER 1: Muling Pagkikita

65 7 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUE SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

HAIDES'S POV

            After 3 years.. Hindi ko inexpect na magkikita ulit kami, lumayo naman ako pero bakit kami muling pinagtagpo?

"Haides paupuin mo sila---"

"Budds you entertain them, p-pupunta lang ako sa comfort room." Sabi ko kay Paulene at kumunot ang noo nya.

"Is there anything wrong?"

Meron ba? Sa palagay ko wala naman.
"W-wala. Just please entertain them, I will come back.." Sabi ko at lumabas na ako without even taking a glance on her.

Paglabas ko ay dumeretso ako sa cr at nagbasa ng mukha.

Damn Haides anong nangyayari? Bakit nung nakita mo sya napuno ng inis at sakit ang puso mo? Akala ko ba nakamove on ka na? Idiot.

Naghilamos ulit ako ng mukha at tsaka ako tumingin sa salamin.

Yes. Nakamove on na ako at wala na akong dahilan para balikan sya.. Para balikan ang nakaraan. Past is past, this is the present.

Nagpunas lang ako ng mukha tsaka ako bumalik sa office.

Show to her that you're already moved on.

Pagpasok ko ay nagtatawanan sila at hindi ko tinignan si Claire, mas maganda na yung di ko sya nakikita, bakit ba kasi sumama yan dito..

"Hi everyone, nice to meet you all! After 3 years.." Napatingin ako kay Claire at nakatingin sya kung saan kaya tumingin agad ako kay Ally. "Nagkita ulit tayo.. Welcome." Sabi ko "oh, did you already talk with Budds? I mean, Paulene."

"Don't call me Budds here Haides." Bulong ni Paulene pero mukhang narinig ni Helly kaya tumawa sya.

"Oh sorry, meet Paulene Ledezma, she is my secretary here and---"

"Oh glad to see you all!"

Napatingin kami lahat kay lolo na kakapasok lang at tumayo silang apat para tumango kay lolo.

"Haides, why you didn't tell me that they are already here?"

"Actually kakadating lang nila lolo."

"Oh.. Hello! Oh, mr. Sentiro, welcome!" Nagkamayan sila at sumunod si Ally. "And you are?"

"Im Ally Gueverra, manager in you company"

"Philippines?"

"Opo.." Nakangiting tugon nito at tumango si lolo at tinap ang likod ni Ally, sumunod naman sya kay Helly.

"Helly!"

"Y-you already know about me?"

"Of course, lagi kang kinukwento ni Haides sa akin."

Tinignan ako ni Helly at nginitian.

Sumunod naman si ano.

"Oh.. I remember you, I guess last 3 years.. I met you? Right?"

"Yes sir.."

"Matunog ang pangalan mo dahil isa ka daw sa pinaka magaling magreport sa kompanya natin.."

"T-thank you po."

"Estavez.." Sabi ni lolo pero hindi nya alam ang pangalan.

"Yes, Claire Estavez.."

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon