ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*
HAIDES'S POV
UMUPO ako sa harap nya at inangat ang paa nya.
"Why did you wear this shoes? It's very small." Sabi ko at hindi sya sumagot, hindi na ako nag-angat ng tingin.
Inilagay ko na yung band aid sa sugat nya after lagyan ng betadine, buti nalang may malapit na bilihan ng first aid kit dito.
After nun ay kinuha ko na yung nagyeyelong tubig at inilapat sa likod ng sakong nya, medyo napaiwas pa sya nang ilapat ko na.
"Stay still." Sabi ko habang naka-focus sa paghawak sa paa nya. Tumagal kami ng ilang minuto tsaka ko binitawan ang paa nya. "Can you walk?"
Nanatiling nakatulala sa paa nya si Claire habang nakangiti.
do____Ob
Napakamot ako sa ulo.
"Hey," tawag ko pero nanatili syang nakatitig sa sugat nya at parang may iniimagine. "Claire!"
Nag-angat sya sakin ng tingin at ngumiti.. Genuine smile..
"Thank you."
Umiwas ako ng tingin at umupo sa tabi nya,
"D-dapat kanina ka pa nagsabi na masakit na yang paa mo."
"Hindi ko naman ininda kanina, as long as kasama kita wala akong mararamdamang kahit anong sakit, maliban sa sakit sa puso."
"Literal ba na sakit sa puso?" Nakangiwing tanong ko at tumingin sya sa malayo.
"Oo. Sumasakit kasi yung puso ko every time na ang cold ng pakikitungo mo sakin," hindi ko alam kung paano nya nagagawang sabihin ang mga bagay na iyan. Parang dati maski sabihin lang na gusto nya ko hirap pa-- hindi nya pala ako gusto. "Literal na masakit kasi parang may binubunot na ugat kapag n-naaalala ko yung way mo ng pakikipag-usap sakin dati, na hindi mo ginagawa ngayon.." Nanatili akong tahimik at pinagmamasdan ang tubig na rumaragasa galing sa fountain. "I know people change.. Pero alam kong hindi ikaw si Haides." Bigla akong napatingin sa kanya at tinignan ko sya deretso sa mata kahit hindi sya nakatingin sa akin. "Hindi genyan si Haides, hindi ka nagbago alam ko, umaarte ka lang na genyan ka samin, sakin, kasi gusto mong ibalik sakin yung sakit.. I know." Napailing ako sa sinabi nya at para bang may nagbabadyang tutulong luha galing sa aking mga mata. "Kahit saang anggulo mo tignan, alam kong nandyan pa din yung Haides na nagustuhan.." Napatingin ako sa kanya nang huminto sya at tumingin sya sakin habang nakangiti. "Namin."
"Wala na yun Claire, I can't even smile like the way I smiled before.." Seryosong tugon ko habang pinipigilang mautal. "Now I can understand you, kung bakit parang ang hirap sayo na ibalik yung totoong tawa na gusto ko sanang marinig, yung t-tawa na sabi ni Ally na hindi mo na daw--- by the way wala na rin akong pake kung di ko yun marinig." Mapait na tawa ang ibinigay ko sa kanya. "It's hard to be normal around you."
"Then be abnormal."
dO_____Ob
Seryoso ba sya!?
"H-huh?"
Tumawa sya at ngayon ko lang sya narinig tumawa ng ganoon.
"Did you hear that?"
"What?"
"Yung tawa ko, that's my laugh before Keith ruined my life." Natatawa pa ding tugon nya. "Wala na sakin si Keith, well.. He's my past.."
BINABASA MO ANG
PLAY
RandomA girl that stuck in the past, but now fighting for the future. She's now ready to fight her love for him.. Pero ang tanong, siya pa rin ba ang itinitibok ng puso ng lalake kahit sinaktan na nya ito? Handa na ba si Claire na sumugal at isugal muli a...