CHAPTER 36: Over..?

40 2 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*


CLAIRE'S POV

UNTI unti nang nanghihina ang mga tuhod ko.. Hindi ko alam kung paano ako makakagalaw..

Akala ko masakit na yung pagiging rude nya sakin, yung hindi nya pagpansin sakin.. Pero mas masakit pala ang makita ang taong mahal mo na ay kahalikang iba.

Gusto kong humingi ng tulong.. Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo, gusto kong mawala nalang.

Pero sinong tutulong sakin.. Yung inaasahan kong tutulong sakin tang*na may kahalikang iba.

Parang namanhid ang kamay ko, maski ang punasan ang luha ko ay hindi ko magawa.

Si Paulene.. Mabait sya, pero may tinatago din palang sungay. Malandi rin pala sya.. Parang mas gusto ko pa si Serah kaysa sa kanya. Lahat ng ginawa nyang kabutihan sakin.. Pakitang tao lang ba?

Akala ko ako na ang pinaka masama dahil sa pagpunta ko dito, pero mukhang mas masama ang babaeng to.

Parang nag-slow mo ang lahat nang biglang may humila sakin mula sa likod palayo kila Haides. Binuhat nya ako at hindi ko alam kung sino ang bumubuhat sakin dahil madilim.

Pero nagpapasalamat ako sa kanya.. Dahil inilayo nya ako sa kanila.

Habang papalapit kami sa camp site namin ay mas naaaninag ko ang mukha nya.. Clyde..

Nang tuluyan na kaming makarating sa camp ay agad nya akong pinaupo sa may upuan na kahoy at doon ko lang nakita ang kabuuan nya. Naka-jacket sya na black at naka short.

Doon ko lang din nakita na nanginginig ang mga kamay ko at ang mga tuhod ko.

"Nakikita mo na bakit di ka pa lumalayo!"

Malakas na sigaw ni Clyde pero nanatili akong humihikbi lang.

"Hanggang kailan mo hahayaang durugin ka ng gagong yon?!" Sigaw pa nito at narinig ko ang mga tent na nagbubukasan. "Hanggang kailan ka magpapaka-martir!"

"Anong nangyayari dito?!"

Niyakap ko ang sarili ko, nilalamig ako.. Sobrang lamig.

"Clyde why are you shouting?"

"Sorry sir, hindi kasi ako maiintindihan ni Claire kapag hindi ko sya sinigawan." Sabi ni Clyde at umalis na.

Si Clyde..

"What happened again?! Bakit ba lagi nalang kayo nag-aaway?"

Tumabi sa akin si mr. Ronzfort nang hindi ko sya sagutin, tinignan nya ako.
"Bakit nangangatog ang mga tuhod mo?" Nasa tono nya ang pag-aalala at nasapo ko ang noo ko at isinandal ko ang dalawang siko ko sa lamesa na nasa harap ko.

Umiyak ako ng umiyak, wala akong magawa, feeling ko wala akong magagawa kundi ang umiyak.

"Ano bang nangyayari sayo Claire?! Ang saya mo pa kanina ah?"

"Gusto ko lang naman sumaya.." Halos kapusin ng hiningang sabi ko at kinapitan ako ni mr. Ronzfort sa balikat. "P-pero hindi natatapos a-ang isang araw ko ng walang lungkot." Napakapit ako sa puso ko, sobrang sakit, sobrang sakit.. Parang may mga kumakalas na ugat sa bawat paghikbi ko at tingin ko malapit na itong maubos. "Sobrang sakit po.." Halos wala nang boses na lumabas sa bibig ko. "Sobrang sakit.."

"Ang apo ko ba?"

Bigla akong natauhan at pinunasan ko ang mga luha ko.

"P-puntahan nyo po si H-haides at Paulene, nandoon po sila.. B-baka po.." Nagsimula na naman ako maiyak.. Baka may mangyari sa kanila, ayoko nang madagdagan ang sakit nito.. Hindi ko na makakayanang tumayo kung may mangyayari pa sa kanila. "I-iligtas nyo po ang apo nyo.. Sige po, matutulog na p-po ako.."

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon