ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*
CLAIRE'S POV
PAG-uwi namin ay dumeretso ako sa kwarto, tinanggal ang tali ng buhok at isinara ang pinto at doon tahimik na umiyak.
Ang unang iyak ko sa U.S.A.
Tiniis ko na hindi umiyak hanggat maaari, sabi ko hindi ako iiyak pero..
Haides..
Lumapit ako sa bag ko at agad hinanap yung papel na binigay nya sa akin 3 years ago nung umalis sya.
Asan na yun..
Dinala ko yun alam ko, dahil baka nga mangyari ang ganitong pangyayari.
Asan na.
Sa inis ko ay nabato ko ang bag ko at napahiga ako sa higaan at doon umiyak..
Ang sakit Haides.. Bakit ka ba ganito..
dT_________Tb
Isiniksik ko ang mukha ko sa mga unan at doon ko ibinuhos lahat ng luha na gusto na tumulo kahapon pa.
Grabeng lakas ng loob ang hinigop ko kanina para lang masabi lahat yon tapos h-hindi nya daw matandaan?!
dT_________Tb
Anong kalokohan to!!
Gusto ko lang naman ipakita sa kanya na nagbago na ko, ang akala ko makikita ko ulit yung dati nyang ngiti, akala ko matutuwa sya, magiging proud pero bakit hindi..
Umayos ako ng higa at tumitig sa kisame at hinayaang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko.
"Hindi ako susuko Haides.. Gaya ng ginawa mo, hindi ako susuko na iparamdam sayo na mahal.."
Teka.. Mali to, may fiance na sya at hindi naman nya tinanggi.
"Kailangan mo pa ring malaman na mahal.." Napapikit ako at ipinatong sa noo ko ang braso ko. "Mahal kita.. Oo mahina ako n-noon pero handa na k-kong isugal ang puso ko.. Malas nga lang kasi k-kung kailan handa na ako tsaka ka pa sumuko.. T-tsaka ka pa bumitaw.. S-sabi ko don't let go pero.."
*TOKTOKTOK*
Hindi ko manlang napunasan ang mga luha ko at umiiyak na pumunta sa pinto.
Hindi naman kailangang itago lagi yung sakit, kailan oo to ilabas mababaliw na ko.
Pagbukas ko ay hindi ko na pinansin kung sino ang niyakap ko, wala akong pake kung yung yaya ba, si Helly, si Ally, si Clyde o kahit si Haides pa, gusto ko lang ilabas to..
Kung dati takot akong ipakita na mahina ako, pwes ngayon hindi na ako natatakot.. Ayoko na matakot. Kailangan ko ng karamay..
Naramdaman kong niyakap ako nito pabalik at mas humigpit ang yakap ko sa kanya.
"Shh.. Tahan na, akala ko ba walang iyakan na magaganap sa U.S.A kasi puro saya lang dito?"
Mas lumakas pa ang hikbi ko nang sabihin yun ni Clyde.
"Wag ka na umiyak, naiinis ako sa iyakin remember?"
Ihihiwalay na nya sana ako sa kanya pero mas yumakap pa ako sa kanya dahil sa pamamagitan ng yakap, nababawasan yung sakit at lungkot na nararamdaman ko..
Kahit papaano..
"Wag mo ko iwan.. Dito ka muna, s-saglit lang.. Kahit 10 minutes lang, let's stay like this.. Please.. I-ito nalang yung nakakapagpalubag ng loob ko, i-ito nalang yung alam kong paraan para m-mabawasan yung sakit.." Umiiyak na sabi ko at nararamdaman ko ang kamay nyang sinusuklay ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
PLAY
RandomA girl that stuck in the past, but now fighting for the future. She's now ready to fight her love for him.. Pero ang tanong, siya pa rin ba ang itinitibok ng puso ng lalake kahit sinaktan na nya ito? Handa na ba si Claire na sumugal at isugal muli a...