CHAPTER 48: Duryan

40 2 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

CLAIRE'S POV

            KANINA pa kami nagtatampisaw dito sa tubig, sabi ko pa naman ay magpapaputi ako pero.. Nagbago iyon nang makita ko ang ganda ng karagatan.. Nakakaakit.. Yan ang tugmang salita o higit pa dahil hindi sapat ang salitang maganda para i-describe ang lugar na to.

"Claire.." Nilingon ko si Paulene. "Can we talk?"

Ilang segundo ako nag-isip, maganda ang view dito at hindi ko hahayaang masira ang mood ko.

"About what?"

Nakita ko ang paglunok nya bago sumagot.

"A-alam mo na yun.."

"Wala akong alam." Inosenteng tugon ko.

"Yung nakita m-mo that night.."

"Sorry Paulene but I don't want to ruin my day, next time nalang."

"Hindi ko naman sisirain.. I-eexplain ko lang, gusto kong bago tayo umalis dito ayos na tayo."

"Nakikisama naman ako sayo,"

"Iba ang nakikisama sa okay na talaga, Claire."

"Kung yung isa ang tinutukoy mo, hindi ko sure Paulene, kung ikaw ang nasa posisyon ko, baka nasakal mo pa ako kung ako ang gumanon sa boyfriend mo." Diniinan ko ang huling salita na binanggit ko. "Hindi kasi ako ganung babae na sumusugod agad, umaatake ako pero sa paraang mas masasaktan ka, hindi pisikal, pero mental." Seryosong tugon ko.

"Im depressed Claire.." Nangilid ang mga luha nya at gusto ko matawa.

"May gamot akong dala dyan, gusto mo?"

"Claire kung alam mo lang.. Hindi ako ganoong tao.."

Parang biglang may apoy na lumiyab sa loob ko.

"Pero ginawa mo."

"Nadala lang ako ng alak,"

"Tss." Napailing ako at bahagya akong lumayo kila Ally dahil napapansin kong lumalapit sila samin. "Hindi ako naniniwala na kapag lasing ka, hindi mo na alam ang ginagawa mo."

"Ok.. Pero Claire just tell me, anong kailangan kong gawin para lang maging okay tayo? Kahit ano iutos mo sakin, ok lang.. Just please forgive me.."

"It takes time Paulene, kahit na dilaan mo pa paa ko, hindi ko masasabing napatawad na kita dahil hindi ito laro."

"I don't take this as a game Claire." Hinawakan nya ang kamay ko. "Just tell me.. What to do.."

"Gusto mo pa ba si Haides?"

Ilang segundo kami nagtitigan at si Paulene na ang bumitaw.

"Oo pero hindi na tulad noon.." Tumigil sya at hinintay ko syang magsalita pa. "Tanggap ko na din na hindi ako magugustuhan ni Haides."

"Pero magiging asawa mo sya." Tinanaw ko ang ganda ng langit.

"Pero nasa iyo ang puso nya."

"Napanood mo ba yung she's dating the gangster?"

"Pero--"

"Kahit na mahal na mahal nila ang isa't isa, hindi pa din sila nagkatuluyan. Yung lalaki dun, minahal yung napang-asawa nya.. Mamahalin ka din ni Haides." Mapait akong ngumiti. Naramdaman ko na naman ang luha sa mata ko.

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon