CHAPTER 43: Wedding Gown

40 3 0
                                    

ALERT!*MADAMING TYPOGRAPHICAL ERROR AT GRAMMATICAL ISSUES SORRY DI PERPEKTO HEHEHE*

ALLY'S POV

17 days nalang ang itatagal namin dito sa U.S.A. ilang araw na din ang lumipas at naging maayos naman ang mga araw na yun, same routine..

Pero ngayong araw, pupunta ako sa malapit na cafe shop dyan sa may paglabas lang ng village, nag-text kasi sakin yung lolo ni Haides.

Nag-ayos na ako at pak na pak ang porma ko! Nagpicture ako sa salamin at nag-my day ng.. #OOTD.

Sabi naman nung lolo ni Haides, kahit hindi formal ang pormahan ko oks lang, kaya ang porma ko ay short na black at oversized shirt na puti na may print na logo sa gilid, katapat ng puso at tinuck-in ko ito sa short ko, naka sapatos naman ako na puti at sling bag.

Nice! 26 na ko, di lang halata.. Feeling bagets here!

d^____^b

Lumabas na ako at si Helly siguro naliligo pa, si Claire naman wala dito, alam ko gumala sila ni Haides, si Clyde naman nasa kwarto nya nagtatrabaho, si Paulene naman ayon nagpatiwakal na. CHAROT! Nasa office yata,syempre hindi naman sya apo kaya magtatrabaho pa din sya like.. Duh?

d-.-b

Di ko pa din sya trip batiin or kausapin! Hangang hanga pa naman ako sa kagandahan nya at kabaitan nya dati tapos may tinatago din palang flirtation!

Kaloka.. Angelic face pa man din! Sayang!

Pero yeah, nagkakamali ang mga tao, sana lang at di nya ulit-ulitin dahil sa susunod na ulitin nya yon.. Aba babalik sya sa abo.

Umalis na ako at pagdating ko sa cafe ay wala pa ang matanda kaya naupo muna ako.

Maya maya pa ay napataas ang kilay ko nang makita ko si Paulene at nang makita nya ako ay umupo sya sa harap ko.

"Wala ba si mr. Ronzfort?"

"N-nauna na sya sa shop.. Pinasundo ka lang nya sakin."

Tumango ako at tumayo na, ganon din sya at sumunod lang ako sa kanya, naka kotse sya at pumasok na kami doon.

Gusto ko magtanong kaso di kami okay!! Dzuh!!

Nag-cellphone nalang ako magdamag habang kasama sya at nung tumigil na ang kotse ay nag-angat ako ng tingin, kumunot ang noo ko nang makitang nasa tapat kami ng isang bilihan ng mga gown pang-kasal. Napalingon ako kay Paulene at nakayuko lang sya.

"For your wedding?"

Nahihiya syang tumango at natawa lang ako at bumaba na.

Eh bakit pa ako sinama?! Ililibre din ba ko ng gown for my wedding?

Pagpasok namin sa loob ay isang malaking shop pala ito ng gown at nakaupo sa may gilid si mr. Ronzfort kasama ang assistant nya.

Lumapit na kami at tumayo na sya para batiin ako.

"Good morning.."

"Good morning po.."

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?"

Umiling ako at inilapit nya si Paulene sa akin.

"Nakita kong magaling ka pagdating sa fashion.. Kaya gusto ko sanang ikaw ang pumili ng magiging design ng gown na isusuot nya."

dO_____Ob

Mabilis akong napailing.

"S-sir hindi po ba p-parang mali? Kaibigan po ako ni Claire at--"

PLAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon